③⑦

4.9K 202 49
                                    

Jhaixe

* Dance Battle *

Nandito na kami sa backstage, sila Mom nasa inuupuan na nila. Sila Lux naman hinihintay pa namin. Sabi niya pupunta siya dito sa backstage bago mag simula. Ang tagal nga eh, nagsasalita na yung emcee sa labas wala parin sila, kainis ah. Pag nakita ko talaga yung lalakeng 'yon makakatikim sakin 'yon...

Makakatikim ng halik, Joke hahahaha!

Joke lang 'yon, kayo naman. Wag nga kayo mag isip ng kung ano-ano baka magkatotoo eh, hahaha! Joke lang ulit. Pero... pwede din, hahahaha! Tama na nga, inosente ako eh.

Pero 'de, real talk ang tagal nila! Buti nalang pangatlo kaming sasayaw kaya medyo may oras pa, hehehe.

"Jhaixe!" Speaking...

Nag-pamewang ako saka siya tinaasan ng kilay.

"Bakit ang tagal?" Tanong ko. Nagkamot ito ng ulo saka umiwas ng tingin kaya hinawakan ko yung mukha niya saka pinisil iyon at pinanggigilan. Napanguso siya sa ginawa ko.

Hinawakan niya yung kamay ko at sinubukang tanggalin 'yon pero lalo ko lang siya pinanggigilan.

"Shorry." Nakanguso niyang sabi kasi nga pinipisil ko yung mukha niya.

"Saan ka galing?" Nanggigigil kong tanong.

Nagturo siya sa kung saan.

"D'yaan lang." Sabi niya.

"Anong d'yan lang? Saang d'yan?" Tanong ko saka tinanggal yung kamay ko sa mukha niya. Naawa naman ako kasi namumula yung mukha niya sa ginawa ko. Natawa ako ng mahina. Ang cute niya eh.

"D'yan nga lang." Nakanguso niyang sabi kaya hinawakan ko ulit yung mukha niya saka pinugpog ng halik yung pisngi niyang namumula kanina pa, "Jhaixe!" Reklamo niya na parang bata kaya natawa ako.

"Oo na! D'yan na kung d'yan." Sabi ko, "Siguraduhin mong lang na wala kang ginawang kasalanan ah! Tatamaan ka sakin." Dagdag ko.

"Wala nga." Sabi ni Lux.

"Eh bakit ka nagtatagalog?" Tanong ko.

"Tss. Fine. I won't speak tagalog." Sabi niya.

"Mukha kayong magkapatid." Natatawang sabi ni Xiella.

"She's not my sister! She's my future girlfriend!" Depensa ni Lux. Sh*t!

Sh*t kinikilig ako.

"Pero mukha talaga kayong magkapatid." Pang-aasar ni Xiella.

"Xiella!" Inis na sabi ni Lux.

"Hahahahaha! Oo na, oo na!" Tumatawang sabi ni Xiella.

Tawa-tawa 'to, pasalamat siya hindi pa 'ko nakakaisip ng paraan para maging sila ni Celix. Pag ako talaga ang gumawa ng paraan iiyak isa sa dalawang 'to. Kaya kung ako sakanila unahan na nila ako.

"Sige na. Pwede na kayong umalis." Sabi ko.

"Okiee, goodluck!" Sigaw ni Zia saka Reeses saka sila sabay-sabay na umalis.

"Tss. Ang pangit pag kayo ang magkasama. Mas bagay sana kung kami, pero alam kong hindi naman kayo magtatagal." Napatingin ako kay Janddie. Remember this bitch? Tsk.

Nginitian ko siya ng matamis.

"Hayaan mo, hahanapan kita ng syo-syota sayo para hindi ka bitter. Matatagalan nga lang." Pang-aasar ko at hindi naman ako nabigo kasi kita ko agad sa mukha niya ang inis.

"Malakas ang loob mo kasi nasa'yo pa. Tignan natin pag iniwan ka na." Madilim na sabi nito.

"Pag wala na sakin edi wala na. Eh ikaw? Pag may nawala ba sayo matatanggap mo? I'm sure you'll be like a pathetic and desperate girl." Seryoso kong sabi. Hindi na talaga nadala 'tong babaeng 'to eh. Sinabi ng wag idadamay ang iba.

Unpredictable ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon