I.
Tayo ay lumaking magkasama
Kaibigan kahit noong bata
Magkasama kahit saang gala
Laging ikaw aking kaparehaII.
Subalit lahat ay nagbabago
Dahil nagkaedad na nga tayo
Magkakaiba na ating gusto
Hindi na nga nagkakaparehoIII.
Dapat bang umamin na ko sayo?
Gusto kita walang halong biro
Gusto kita ito ay totoo
Magustuhan mo rin kaya ako?IV.
'Di ko alam kung tama o mali
Mali man ay susubukan pa din
Sana nga'y ito ay maaari
Ako kaya'y magustuhan mo rin?V.
Nahulog ng 'di inaasahan
Bigla na lang hindi nagpansinan
Kung ayaw, hindi pagpipilitan
Ayokong tayo'y magkasakitanVI.
Ayokong sa iyo ay umasa
Ayokong sa iyo ay lumuha
Ayokong ito ay ipilit pa
Damdamin kong wala namang kwentajbumanglag♡