I.
Masaya, sama-sama, yan aming pamilya
Maliliit na bagay lamang ang problema
Bagay na madali naming nareresulba
Kislap sa'ming mga mata, kita mo ang sayaII.
Nagkasakit ang aming ilaw ng tahanan
Sa pag-ubo niya sya ay nahihirapan
Bata lang kami di pa naiintindihan
Umuuwi si lola na laging luhaanIII.
Napilitang tumira sa bahay ni lolo
Sa aming ama kami ay mapapalayo
Dito magpapagaling ang inang mahal ko
Sa pagtira dito maraming mababagoIV.
Pamilya kong masaya biglang masisira
Paggaling ng aking ina'y makasasama
Nalulong sa bisyo aking mahal na ama
Si lolo na aming mahal ay wala naV.
Masaya kong pamilya ngayon ay wala na
Umaasa kong sana ay mabubuo pa
Ngunit mukang ito'y malabong-malabo na
Dahil si ina ay mayroon na ngang ibaVI.
Bumalik sa'ming piling ang aming haligi
Sa kanyang ginawa siya na ay nagsisisi
Sa kanyang paumanhin kami'y di tumanggi
Nangakong di na sya aalis saming tabiVII.
Sa mahal kong ina, sana'y mag-iingat ka
Sa mahal kong ama, sana ay lumigaya
Hangad ko ang pagbalik ngiti sa'ting mata
Sa puso ko kayo ay sobrang mahalagajbumanglag♡