********************
medyo may katagalan bago mag simula ang first dance kaya ito kami ngayon nagnga with my besty siya si MikMik
may contest pa kasing ginagawa
para daw yun sa MR AND MISS JUNIOR AT SENIOR
wala naman akong paki dyan
nag aantay lang ulit ako ng txt
ewan talaga kung sino yun ang laki kong CLUELESS nho hahhaa masyado bang halata?
"hoy anong tinutunga-tunganga mo dyan?"
sabay akbay nya sa akin habang naka ngiting pang aso
"hwag mo nga akong akbayan pede ba? pede ba?"
"aray ha wala ka namang samang loob na tinatago sa akin nyan"
"wala naman"
sabay lagay ko ng cp ko sa pouch ko
hihihi shhhhh...lang kayo masyado kasing intrigera tong besty ko ehh baka hinid ako tantanan
"oo na lang kunwari hindi sumakit yung braso ko ha"
himas himas nya yung braso nya as if na masakit talaga kaartehan lang ehh
"ewan doon kana nga "
nilibot ko na lang yung panangin ko
puro nag pipicturan lang naman
yung contest patapos na ay mali tapos na pala------------------O.O
"oyy ate jayzel sino yung Mr. Junior at Senior?"
"yung contestant number 5 yung taga section G sya yung Mr. Junior tapos taga section B naman yung Mr.SEnior"
"ahhhh yung ms?"
"di ko na alam ehhh pumunta kasi kaming cr"
"ahh salamat"
"okay atin ng simulan ang sayawan!!"
annonce ng mc at sya si sir gerry naging teacher din namin yan nung secondyear
"WOOOOOOOOOOOOOOHHHHH PARTY-PARTY"
"tara Chel baba tayo"
"ayoko Mik ikaw na lang"
"ang kj mo naman, hmmp bahala ka nga basta ako sasayaw hahahahaa"
"good luck sayo"
"ang sama mo"
"ahhaha"
unang pinatugtog ang HARLEMSHAKE
party-party muna bago ang slow dance
*you have a message
tinignan ko kung sino ang nag txt baka kasi sya ulit ehh
ahh O.O oo nga pala start na ng sayawan
pupunta ba ako
baka kasi trip lang ng kung sino grr katakot madilim panaman doon tapos may kwento-kwentong may multo daw sa room ng section G
baka pag pumunta ako doon mag pakita pa saakin hwag na lang kaya
FROM: PAPA KO
anak mag txt ka na lang kung uuwi na kayo at para masundo kita agad
***********
woow concern si papa hahha joke
ganyan lang talaga ang papa ko maaalahanin
syempre mahal ko yan heheh
*you have a message
FROM: 09478356............
now.
**************
sya nanaman
medyo na cu-curios na ako kung sino ba talag tong nag t-txt sa akin
"ohh yan kananaman, tutunganga ka lang ba dyan Chel sana di ka na lang umattend kaysa sa ganyan ka"
hayyyy si Mik nanaman lagi na lang pede iba naman ang makahuli sa aking na nakatunganga ako sa cp ko
"siguro walang nag aya sa iyo nho at ako ang pinapakealaman mo"
"hoy hindi ah napagod na ako tsaka peste naman ang sakit ng paa ko naapaka ni ate sheng tapos may mga na nunulak pa"
"yan kasi kaya ayaw kong pumunta doon ehh"
"ewan sayo...na uuhaw na ako Chel tara inom muna tayo"
"ghe canteen na lang tayo sure doon walang pumupunta nag sasayawan na kasi eh"
bumaba na kami at pumuntang canteen
nag lingon-lingon ako baka kasi makita ko sya sa paligid
sa likod kasi ng canteen nandoon yung building namin at doon daw kami magkita
madilim grabe wala talagang ilaw maliban sa Room ng section G.
"wait lang Chel sa kabila lang ako ahh dyan ka muna"
"k"
maynapansin akong naka suit nasa loob sya pero di ko masyado maaninag yung itsura medyo malayo ehh at nakatalikod sya
inaantay ko syang humarap ng dumating na si Mik at may dalang inumin
"oh anong tinitignan mo dyan? ikaw Chel ahhh na babaliw kana siguro "
"hwag ka nga, muka kang timang eh"
"ako pa ahh....oh ito yung sayo tara na"
nag simula na syang maglakad
tumingin lit ako at nakito ko yung naka suit at may soot syang maskarang puti.
sya ba?