Ilang beses ko na bang i-try ang pag gigitara ? 1 beses ? dalawa ? tatlo ? apat ? o isang daan na ata ? ewan , basta hindi ko talaga kayang pag-aralan ang isang instrumentong hindi naman talaga siguro fit sakin.
"xyline! alam mo na ba kung pano tugtugin ? "
Bungad agad sakin ni Angie, bestfriend ko. Siya kasi ang may dahilan kung bakit pilit kong pag-aralan ang pag gigitara. May gusto daw kasi siyang haranahan. Jusmeyo , kababaeng tao , siya yung nag eeffort para mapansin ng lalaking nagugustuhan niya sa campus namin. Hindi ko naman siya matanggihan dahil may sarili din naman akong rason. Hindi din ako TOMBOY ah!
" excuse you! hindi madali ang pinapagawa mo sakin noh! sapakin kita ng gitara dyan eh"
Pabirong sagot ko. Bakit ba kasi sa parehong lalaki pa kami nagkagusto ? ang hirap sa feelings. Hindi na din ako nag abalang sabihin kay Angie na may gusto ako sa lalaking gusto nya rin. Hindi ko lang talaga feel na sabihin. Kung tutuusin , mas nauna akong magkagusto kay Blue . Blue ang pangalan ng lalaking pareho naming nagugustuhan. Ito yung rason kung bakit hindi ko kayang tanggihan ang pinapagawa sakin ni Angie. Dapat kasi ,umakto akong Supportive bestfriend. Langyang support-support yan. Ang sakit, sobra! nakakapangselos.
Umaga. Nasa classroom nako at kasalukuyang nag tatake kami ng quiz. Ganitong time lang talaga na nagiging tahimik ang classroom namin. Kahit gusto ko sa katahimikang ito, hindi parin pwedeng ganito, dapat mag tatake muna kami ng quiz bago tumahimk ang lahat. Wag namang ganun. Nakakaloka sa braincells pag ganun.
"psst! "
Lumingon ako sa may likuran ko at nakita ko ang naka smile na mukha ni Angie. Minsan pala , nakakabwesit din ang mukha niya noh ? Tinaas ko lang ang dalawang kilay ko na nagpapahiwatig kung ano kelangan niya.
"usap tayo mamaya ah. "
Mahina nyang pagkakasabi sakin. Tumango lang ako bilang tugon sa sinabi nya.
Pagkatapos ng limang subjects namin , nagsilabasan na ang mga kaklase ko , maliban nalang sa aming dalawa ni Angie. Baka itatanong nanaman niya kung alam ko na bang tugtugin ang kantang CRUSH ni David Archuleta. Hay nako! ang hirap kaya matutunan ang pag-gigitara lalo na't firstime mo pa. Letse!
"ano nanaman ? kung tungkol dun sa pag gigitara , di ko pa alam tugtugin. "
Sabay lingon ko kay Angie. Pero nanlaki ang mata ko ng si Blue ang nakita ko at hindi si Angie. Ohmaygudness! Nandito pa si Angie kanina ah ? ang bilis naman ata nyang nawala ? Urghhhh! ang bilis din ng heartbeat ko. Shemay!
"uhmm . Hi ? "
oh please. Kinikilig ako sa pagmumukha niya. Act cool xyline. wag kang magpahalata. whooo! hingang malalim at ..
" eh ? ano kelangan mo ? "
Tanong ko sakanya. Ang hirap umakto ng natural sa harap ng crush mo. Gusto kong sumigaw , gusto kong manapak! gusto kong magwala! gusto kong maglabas ng kilig!
"ah .. eh .. wala naman. Itatanong ko lang sana kung may kopya ka ba nung sinulat natin kanina sa History ? hindi ko kasi nakopya kanina eh "
Aliparot na maharot! Bakit ba kelangan nya pang ngumiti ? bakit? Naloloka nako! Bago pa ko mawala sa sarili ko, kinuha ko na agad ang notebook ko sa bag ko tas ibinigay ko na agad sa kanya. Ewan ko pero natataranta kong inabot sakanya yung notebook ko sa history. Lesheng Crush life toh oh!
Kung pano ko naabot ang notebook ko sakanya ng maayos ? ewan ko. Basta ang alam ko lang , naabot na nya yung notebook at binuklat niya habang nakangiti. Pala ngiti pala tong taong ito ? Bakit ngayon ko lang ata napansin ?
" Nice penmanship. By the way, thanks. Sasauli ko nalang to sayo bukas ah . "
Tumango lang ako bilang sagot habang naglalakad na siya palabas ng room namin. Waaaaaaaaaaaaaaa! nagkausap nanaman kami ulit! Hindi yun ang first time naming magkausap pero sa tuwing nagkakausap kami , feeling ko , first time namin mag usap. Kinikilig ako. Hays , at Oo, classmate ko siya .
BINABASA MO ANG
Nakatagong Harana (Short Story)
Short StoryNew Short Story ko po ito. Sana po magustuhan niyo ang medyo hindi kagandahang pagkakabuo nito xD Ito po ay isang kathang isip lamang ng awtor at pasensya na po sa mga typos ! Enjoy reading nene :) ON-GOING pa po ito.