2nd

20 0 0
                                    

Tuesday. Nasa ground kami ni Angie at kasalukuyang sinusundan si Blue. Gusto nyong malaman kung bakit ? Sa pagkakaalala ko , may pinag-usapan kami nitong lukaret kong kaibigan. Yun yung time na nagkausap kami ni Blue na talagang nag-uumapaw ako sa saya pero nawala din nang bahagya at napalitan ng kakaibang feeling at hindi ko gusto ang feeling na nararamdaman ko ngayon. Naiingit ako na nalulungkot sa pinag-gagawa ko. Umaakto akong supportive na kaibigan sa harap ni Angie kahit labag sa kalooban ko.

Napag-usapan kasi namin ni Angie or should I say , humingi siya ng pabor na nagpadismaya sakin. Sabi nya sakin na kung pwede ba daw na ako ang magiging messenger ni Angie. Yung kung mayroon siyang  ipapabibigay o ireregalo kay Blue , tapos ako yung magsisilbing taga-abot kay Blue ? pero hindi ko daw muna sasabihin ang pangalan niya bilang nagpapaabot kay Blue. Kung sino daw ang nag-papaabot ng regalo kay Blue.May kung anong surpresa pa kasi siyang gagawin para kay Blue sa kinahuhulihan. Three days niyang gagawin itong pagpapa-abot sakin ng regalo para kay Blue , at sa ikaapat na araw ng pagiging messenger ko , dun na siya magpapakilala at sasabihin na niya kay Blue ang nararamdaman niya. Dun ko na din gagawin ang pagigitara na kahit kelan , hindi ko makaya-kayang matutunan. Magaling kasing mag-gitara si Blue , kaya naisipan ni Angie na idaan sa harana si Blue para daw mas ma-impress si Blue sa surpresang gagawin nya. Ewan ko kung  makakaya ko ito.Pero kailangang kayanin ko.

"Handa ka na ba Xyline ? wag na wag mo munang sabihin sakanya kung sino ako ah!  basta ang sabihin mo lang , ipinabibigay yan sa pretty admirer niya. Nakakahiya kasi pag nalaman niya na ako pala yung admirer nya. Classmate pa man din tayo  "

Nakangiting sabi ni Angie sakin. Mula sa pinagtataguan naming locker sa may Hallway papunta sa kinaroroonan ni Blue, mukha na kaming timang na naghahanda sa pag-abot ko ng chocolates kay Blue na galing kay Angie.Ngayon kasi kami magsisimula sa gagawin naming PAG-ABOT SESSION. Gusto ko nang umatras , alam niyo yun ? hindi ko kaya ang pinapagawa niya sakin. Pero bilang matalik na kaibigan ni Angie , dapat tanggapin ko na lang ang magiging takbo ng pangyayari na ito.

"oo na! ako itong mapapahamak sa mga arte mo eh"

nilingon ko si Angie na kasalukuyang nasa likuran ko.

"kung ikaw nalang kaya ang magbigay. Ikaw naman ang may gusto sa kanya , diba ? "

Bilang napatingin si Angie sakin.

"Ano!? Wag mo na ngang sirain ang mga plano ko!  Go ka na! "

Pagkatapos nyang sabihin yun , tinulak nya ako paalis sa tabi niya dahilan ng pagkakapunta ko sa gitna ng daan sa hallway. Hindi pa nag sink in sakin na nasa gitna na pala ako ng hallway at pinagtitinginan na ako nga mga dumadaang styudyante. Nung nag sink-in na sakin na nasa awkward position ako , umayos ako ng tayo at pasimpleng inayos ang buhok ko. Letseng Angie ito! Hindi na ako nag-abalang lingonin si Angie. Deretso na akong naglalakad sa kinauupuan ni Blue na nag totono nang gitara. Ang bigat sa feeling na ginagawa ko ito para sa kasiyahan ng ibang tao. Ang tanga ko kasi eh! ba't ba di ako makatanggi!  Ako din yung kawawa sa huli. Bahala na!

" ehem! "

Ano ba! ang awkward nito. Ang dami pang tao . Nahihiya na ako. Shemay! inaangat ni Blue ang ulo niya na nakatungo kanina. Inaayos niya nga yung gitara diba ? shete brad! lalo akong nagkakagusto sa taong ito! Pero bakit sadyang madaming hadlang sa aming dalawa ?

" uy xyline! kukunin mo na ba yung history notebook mo. Hindi ko pa kasi natapo--- Ano to?  "

Urghhhhh! nakakahiya na talaga to pramis! pader pader die! hindi nga ako yung nagpapabigay pero nakakahiya parin ito. Itinabi muna nya yung gitara nya at umayos ng upo. Nakatitig lang siya sakin at hinihintay ang sagot ko. Oh please! I'm going to faint anytime brad!

"uhmmm , ano kasi , ganito yu ---- "

"BLUE!!  kanina ka pa hinintay ni Sir Migs sa music room!  pagalit na yun!  halika na kasi! "

"oo nga pala!  Oh sige, susunod na ako!  "

Sagot niya sa tumawag sakanya at lumingon ulit sakin.

"sorry Xyline , nagmamadali na ako. "

Tumayo siya at dali-daling kinuha ang gitara niya. Hindi na ako naka imik dahil sa siya lang yung nagsasalita at tila wala atang ni isang salita ang lalabas sa bibig ko. Naputol kasi yung dapat sasabihin ko sa kanya eh! kaasar! bago siya tuluyang umalis , humarap muna siya sakin ng nakangiti.

"By the way , salamat sa chocolates "

Tapos tumakbo na siya at iniwan akong naka Tanga. Ano yun ? Yun na ba yun ? as in ?

"Uy! ano daw sabi niya ? "

Natauhan nalang ako ng bigla akong tapikin ni Angie sa balikat.

"Thank you daw eh"

"eh ? yun lang ? "

"okay na yun. Napahiya mo na naman ako diba ? "

Ano ba naman yun ? it turned out to be confusing.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nakatagong Harana (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon