Fangirl #1

3 0 0
                                    

Sophia's P.O.V

*ding*

Bigla akong nagising nang marinig ko ang tunog na yun. Parang automatic na gumagalaw ang kamay ko para kunin ang cellphone ko.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang gwapo niyang pangalan.

" Owemji ! Live siya ! Live si Oppa! Wait ! Hihinga lang ako ! Aaaaahhhhhh!" Hiyaw ko habang hinahampas ko ang mga unan sa paligid ko.

" Hoy bruha ! Anong sinisigaw sigaw mo jan ?! May tulog pa dito !" Sigaw ng mahadera kong kapitbahay na si Manang Cecil.

Kaya nga ako humiwalay na ako ng bahay para wala nang makaistorbo sa pag fafangirl ko pero mukang sinusundan talaga ako ng mga bashers ko.

Pinanuod ko ang live video niya. Tinitigan ko ang bawal parte ng muka niya. Mula sa buhok niyang bumagay sa muka niyang mala Adonis. Sa kilay niyang daig pa ang kilay ng babaeng nagme-make up. Sa ilong niyang daig pa ang naglagay ng nose line sa sobrang tangos. Sa labi niyang daig pa ang babae sa sobrang soft at pink. He's so perfect kahit ano pa ang suotin niya. Kahit nga nakahubot hubad pa siya keri lang pogi eh.

Tinitigan ko lang ang muka niya mula sa screen ng phone ko. Hindi ako nag comment o nag react man lang. Ang sarap niyang titigan kahit magdamag ko nalang siyang titigan keri ko.

Napabalikwas ako nang makita ko ang oras.

"Halaaaaa ! Takte ! Alas nuebe na ! Late na ako ! Kasalanan mo to ! Inakit mo nanaman ako ! Sabi ko sayong may pasok ako eh!" bulyaw ko sa cellphone ko. Wala na akong pakealam magalit nanaman si Manang Cecil !

Dali dali akong naghilamos at nag toothbrush. Wisik wisik nalang bes ! Wala ng oras !

Hinablot ko ang bag ko at cellphone ko di ko pwedeng iwan si Oppa ko.

Nadaanan ko ang bahay ni Manang Cecil pero tinarayan ko lang siya. Siya kasi ang number 1 basher ko inggit siya sa kagandagan ko.

Nag abang ako ng tricycle sa kanto at dahil swerte ako may tricycle agad akong natanaw.

Sasakay na sana ako sa loob nang magsalita ang driver.

"Ineng pangdalawang tao dapat ang bayad mo ha?" malumay niyang sabi.

Aba? Anong tingin niya sakin? Masasapak ko tong manong na to eh. Pero dahil late na ako di na ako umangal.

"Oo na manong, pakibilisan po at late na ako" mahinahon kong sabi kahit naiinis na ako.

Mabilis akong nakarating sa school dahil pinalipad ni manong ang tricycle.

Imbis na magmadali akong pumasok dahil late na ako. Nagulat ako sa nakita ko.

Hindi pwede.

This is not true.

-----

Comment, comment, comment~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just Another FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon