"UNEXPECTED LOVE"

16 0 0
                                    

   “Hindi ako ma-iinlove sayo.” Ang palaging nasasabi ko sa tuwing nakikita ko ang lalaking ito. Bakit naman ako maiinlove sa kanya? Unang-una hindi siya ang tipo ng lalaking magpapatibok ng tahimik kong puso, he is not my type, he is not even my ideal man. Tinitingnan ko palang siya naiirita na ako, kumukulo na ang dugo ko. Ewan ko ba. Kasi naman ang yabang-yabang kung umasta akala mo naman siga ng kanto, parang gangster, parang alam na niya ang lahat, palagi namang absent, hindi pumapasok sa tamang oras, pag naman nag exam ayon kumakaripas na singko ang grado, tapos pag dumating sa room apura ang daldal daig pa ang babae, mahilig kumain ang takaw takaw, mukhang ang tamad tamad pa. Sige nga, sino namang babae ang magkakagusto sa ganitong lalaki? Pero aminado ako hunk siya, hunk siya ng klase. Matipuno , matangkad, hindi maputi at hindi naman sobrang itim, yung tipong pwede na, gwapings daw siya iyon ang sabi niya. Madaming babae ang nahuhumaling sa kakisigan niya pero hindi ang katulad ko, HINDI TALAGA!  

        Tawagin niyo na lang ako sa pangalang Tintin. Simpleng tao, mapagmahal sa pamilya, kay nanay, tatay at sa pasaway kong kapatid. Hehehe. Pati na rin sa mga kaibigan ko, sa kanila umiikot ang mundo ko, sa pamilya at mga kaibigan lamang, wala akong interes sa mga lalaki, dahil ang pananaw ko “Never Let a Man Destroy your Life” . Wag mong hayaang sirain ng isang lalaki ang buhay mo. Mabubuhay ka naman ng wala sila, na pamilya at kaibigan lang ee sapat na.

          Isang umaga. Araw ng lunes. Dumating ako sa room na ang nadatnan ko ay siya lang, si Ian. Noong pagkakita ko pa lamang sa kanya ay nairita na ako. Sabi ko pa nga “Naku! Ano ba yan? Siya agad ang bungad? Umagang-umaga naman.” Naabutan ko siyang nakaupo, nakasalpak ang headset sa tenga, at nakapikit ang mga mata. Sa gaanong sitwasyon, hindi ko namalayang tinititigan ko na pala ang maamo niyang mukha. Nagulat ako dahil bigla siyang dumilat, nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Nagkatitigan kami. Biglang tumibok ang puso ko, yung tibok na napakabilis, yung napakalakas(tugtugtugtugtugtug). Nahiya ako bigla sa kanya kaya para pagtakpan yung mga nangyari inismiran ko siya. Nakita ko yung ngiti niya, yung ngiting pangasar. Pagkatapos ng araw na iyon, lalong tumindi ang pagkainis ko sa kanya, siguro akala niya gwapong gwapo ako sa kanya. Excuse me. Di bale na lang. Sabi ko nga, never akong magkakagusto sa isang katulad niya.

Kinagabihan, hindi ko alam kung bakit ko iniisip ang nangyari noong araw na iyon, bakit ko iniisip si Ian? Bakit ko iniimagine ang bawat sulok ng mukha niya? Hanggang sa hindi ako nakatulog ng maayos ng dahil sa Ian na iyon. Panginis na pangalan! Haaaay Iaaan!

         Simula ng araw na iyon, hindi ko na maintidihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing papasok ako ng eskwelahan ay ang mukha niya agad ang hinahanap ko. I want to see his innocent and very warm eyes. Pero sa kabila noon ay hindi pa rin naaalis ang pagkairita ko sa kanya. Lagi ko pa rin sinasabi sa sarili ko na hinding hindi ako magkakagusto sa lalaking iyon. Pero iba ata ang sinasabi ng bibig ko sa ikinikilos ko. Lumipas ang mga oras at araw na ginugugol ko sa loob ng aming eskwelahan. At sa tuwing nadadako ang aking paningin sa kanya, biglang bumibilis ang tibok ng aking puso. Laging nagmamaktol ang isipan ko sa binibigkas ng aking puso.

      Araw ng Linggo. Panata ko na ang magsimba tuwing umaga bago pumunta ng palengke upang bumili ng aming makakain. Habang naglalakad ako ay may pumukaw sa aking atensyon, isang lalaking nakikipagkwentuhan sa isang matandang pulubi na may kapansanan. Masaya siyang  nakikipag-usap sa matandang pulubi. Maya-maya pa nakita kong  nagpaalam na ang lalaki sabay abot ng isang plastik ng pagkain sa matanda. Napangiti ako at nasabing sana madami pang tao ang kagaya ng lalaking ito na may mabuting puso. Nabusog ang aking mata sa aking nakita ngunit lalo akong nagulat na ang lalaking kanina lang na nakikipagtawanan sa matanda ay walang iba kundi ang kinaiinisan kong si Ian. Napansin kong nakatingin na pala siya sa aking kinaroroonan at siya’y lumapit sakin. Sabay sabing “Hi Tintin” bati niya. Gusto ko mang mainis sa kanya pero ngumiti na lang ako at sinabing “Goodmorning Ian.” Magsisimba din pala siya noong araw na iyon, sabay kaming pumasok at lumabas ng simbahan. Hindi lumaon naghiwalay na din kami ng sinabi kong kailangan ko pang pumunta ng palengke at siya din naman ay may kailangan pang puntahan. Gumaan ang pakiramdam ko kay Ian, medyo nawala ang pagkainis ko sa kanya.  He has a “good” side naman pala.

            Kinabukasan habang papasok ako ng eskwelahan, nakita ko si Ian. Napansin kong inaalalayan niya ang isang matandang babae. Natuwa naman ako sa nakita ko. Hindi ko alam kung bakit pero mula noon palagi ko na siyang napapansin. Na hindi lang naman pala puro bad traits ang meron siya. Na may part pa din sa pakatao niya ang maaappreciate ng kahit sino mang makakaalam nito. Sa likod ng imaheng meron siya ay ang nakatagong busilak na puso.

            Nagkakataon yata o sadyang pinaglalapit talaga kami ng tadhana. Isang araw sa aming 1st subject binigyan kami ng activity ng aming professor kung saan kaming dalawa lang ang magkapareha. No choice ako, kailangan ko siyang kausapin. Nakararamdam ako ng pagkailang sa tuwing tinitignan niya ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko. Nahuhulog na ba ang loob ko sa kanya? Natapos ang activity namin ng lutang ang isip ko. Naguguluhan na ko.

           Until one day, destiny comes in. Tadhana na ang naglapit para sa aming dalawa. Walang ginagawa, wala kaming teacher dahil may meeting daw. Tumabi si Ian sa akin. Hindi ko siya pinansin, kunwari hindi ko siya nakita. Bigla siyang nagsalita. “Mahal kasi kita”. Hindi pa rin ako umiimik. Nagulat ako sa narinig ko, tila ba bumilis ang tibok ng aking puso, napakalakas ng pintig nito. Muli na naman siyang nagsalita “Pagbigyan mo sana ako, ang hiling ko lang ay pakinggan mo ko.” Nang oras na iyon nilakasan ko ang loob kong kausapin siya kung ano ang ibig niyang  sabihin sa mga salitang naririnig ko mula sa kanya. “ Ano bang problema mo? Pinagtitripan mo ba ko?” sabi ko. Nagsalita siya ng dirediretso, “Tintin, you conquer my fears. Takot na takot akong sabihin sayo ang tunay kong nararamdaman, dahil sa pakiramdam ko magmumukha lang akong tanga kung sasabihin ko ito sayo. Dahil ramdam ko ang inis mo sa pagkatao ko. Pero Tin, subukan mo naman sanang kilalanin ako, subukan mo naman sanang isipin kung sino ba si Ian, kung ok ba si Ian? Kung mabait ba si Ian? Kung hindi ba totoo yung image ni Ian sa ibang tao? Sana maramdaman mo yung totoong Ian. Gusto ko sanang ligawan ka? Wag ka ng sumagot ng hindi. Patutunayan ko sayong mahal kita, na totoo itong nararamdaman ko para sayo. Hindi ko ito inasahan pero hindi ko pinagsisisihang nahulog ako sayo.”  Wala akong naging reaksyon sa mga sinabi niya. Natapos ang araw na iyon ng hindi na niya muli akong kinausap, iyon na ang huli niyang sinabi.   

         Day passed by, pinatunay ni Ian lahat ng mga salitang binitawan niya ng araw na iyon. Hindi siya tumigil sa pagkuha ng aking loob. Gumagawa siya ng mga bagay na makapagpapasaya sa akin. Napatunayan kong mabuti siyang tao. Na gagawin niya ang lahat para sa mga taong mahalaga sa kanya. Ang pinaka nagugustuhan ko sa kanya ay iyong kung paano siya tumingin sa akin, yung titig na malalim pero napakamakahulugan. Nakikita ko yung sinseridad niya sa mga ginagawa niya. At ang pinakamahalaga ay ang pagmamahal niya sa pamilya at pati na rin sa Poong Maykapal. That traits made me realize that I am so much falling further inlove with him.

       After months na patuloy akong niligawan ni Ian, madami akong narealize tungkol sa kanya. Mali ang pagkakakilala ko sa kanya, mali ang pagkakahusga ko sa kanya. Siya pala yung tipo ng lalaki na kahit di ganun katalented, di siya ganun katalino, di ganoon kagaling, di marunong magitara, di magaling sa basketball, ang panget ng boses niya. Pero marunong makisama, masarap kasama, mabuting tao, makulit, alam ang gusto ko at gusto niya, irerespeto ka sa abot ng makakaya niya at igagalang ng buong puso ang pamilya’t mga kaibigan mo. Sapat na sapat na iyon para patunayan na he is worth loving for.

        Nahulog na nga ng tuluyan ang puso ko para kay Ian. Kaya naman ibinigay ko na sa kanya ang matamis kong oo. Masaya kami ngayong magkasamang dalawa. Naging maganda ang takbo ng relasyon namin. Naging inspirasyon namin ang isa’t isa sa bawat bagay na aming ginagawa. Hindi ko pinagsisisihan na sinagot ko siya, dahil bawat araw na lumilipas mas lalo niyang pinadadama sa akin kung gaano niya ako kamahal. We were very much inlove with each other.  

      Natutunan ko na hindi tamang husgahan ang isang tao sa kung ano ang nakikita mo, sa kung ano ang imahe na meron siya sa harap ng ibang tao. Ang mahalaga ay ang matanggap mo siya ng buong puso kahit na ano pa siya. Sabi nga Love is Blind. Hindi nito nakikita kung ano man ang hindi maganda o kung ano man ang mali. Dahil sa huli masasabi mong mas mabuti kung kikilalanin mo siya sa tunay niyang pagkatao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"UNEXPECTED LOVE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon