Leftism
Umaalingawngaw ang putukan sa paligid. Sa 'di kalayuan, nagmumula ang tunog ng kalembang ng kampana. Pumupuno sa hangin ang masasayang tawanan at usapan. Boses ng mga kabataang nangangaroling sa mga bahay-bahay.
"Walang duda. Paskong-pasko nan gang talaga." I silently whisper to myself.
Pero hindi ko nasabi iyon dahil sa masasayang ingay sa paligid. Kundi dahil, nakita-kita.
Sa wakas. Dininig ng langit ang gabi-gabi kong bukam-bibig. Na sana makita kitang muli. Mapagmasdan ko ang maganda mong mukha.
At ngayon, nangyari nga...Dumaan ka sa harap ko. At bigla, tila tumigil ang mga oras ng sandali na 'yun. Tila tumigil ang putukan. Nawala ang tinig ng mga nangangaroling at ang mga tawanan. Tumahimik ang paligid.
Pero hindi ang puso kong papalakas ng papalakas ang pagtibok.
"Hi. Merry Christmas." bati ko sa'yo.
Hindi ka sumagot. Nilingon mo lang ako saglit. Pagtataka ang nakalarawan sa mukha. Siguro, iniisip mong ba't kita binati, hindi naman tayo magkakilala.
Kung alam mo lang.
Tuluyan mo na 'kong nilampasan. Pero hindi ako nagdamdam. Dahil bakit ako magre-reklamo? Ang makita ka lang naman ang hiling ko ngayong pasko...
Muling umandar ang orasan. Naririnig ko na uli ang putukan. Ang tawanan. Ang tinig ng mga nangangaroling.
Bumalik ako sa ginagawa ko kanina. 'Nung bago ka pa dumaan, ang magpaputok sa gilid ng daan.
Nang biglang may kumalabit sa akin. Paglingon 'ko, nandoon ka.
Namamalikmata lang ba ako o talagang nakangiti ka?
Ang ganda mong pagmasdan.
Buti na lang, hindi ko pa nasindihan ang hawak kong paputok. Kung hindi, tiyak na naputukan na ako. Binalot na naman kasi uli ako ng kakaibang hipnotismo.
"Hi." nakangiting sabi mo.
Ako naman ang hindi nakasagot. Tanging pagkurap lang ang nakayanan kong isagot sa'yo...
"Merry Christmas din pala." Dagdag mo pa.
Saka lang ako nakabawi sa pagkakatulala. Kaya ka ba bumalik upang batiin rin ako?
I couldn't help myself but smile, "Merry Christmas rin. Ulit."
Nakita 'kong inilahad mo ang kamay mo. "Ako si Kyla." Pakilala mo. "Ikaw?"
Tinanggap 'ko ang nakalahad mong palad. "I'm Vince."
"Hi, Vince. Ba't parang ngayon lang kita nakita rito? Bisita ka ba ng isa sa mga taga-rito sa village naming?" tanong mo.
"Actually, 'nung October pa kami nakalipat rito."
Ngumiti ka uli. Tumango-tango. Habang ako ay nakatitig lang. Lalong nahuhulog sayo...
Nang mga sandaling iyon, isa lang ang naiisip 'ko. Ang astig ng tadhana. Pinagtagpo kasi tayo na para bang alam nito na kailangan 'ko ang isang tulad mo.
Christmas 2015, masaya ako. Nag-iinuman kami sa labas ng bahay ng isa sa tropa 'ko. Nagtatawa sa isa naming kaibigan na alipin sa pagmamahal.
Christmas 2016, nasa labas uli ako ngayon. New-found friends na ang kasama. At ikaw. Pero hindi ako basta masaya lang. Kundi, nagmamahal na rin.
BINABASA MO ANG
Aftermath of Falling
KurzgeschichtenAftermath of Falling is a collection of short stories about love and heartbreak. - K & N