Who The Heck Is Vielle ?

20 1 1
                                    


HELLE

Nasa kwarto ako ngayon sa kasalukuyang kinakalkal ang phone ni Heat.

Iniisip ko na isa sa mga kamag anak nila yung si Vielle o isa siyang detective nababaliw na ako sa kakaisip kung sino man yang si Vielle.

May tiwala naman ako kay Heat pero pagdating sa mga tao na kakilala niya medyo nagdoubt ako sa kanya dahil aminin ko man sa hindi kaya napasama yang si Heat sa Sedicim Ignis ay dahil sa mga iba't ibang connection niya na parang isang pindot niya lang ng phone niya may sandamakmak na kaming back up. Iba talaga ang Cruz triplets. Isa pa sa hindi ko mainitindihan ay yung bakit tinutulungan ako ni Heat kung pinatay ko ang kakambal niya na si Otrera at napalayo pa siya sa kuya niyang si Van.

Close ang magkakapatid na yan well halata naman dahil na din sa dahilan na triplets sila and 10 minutes interval lang ang pagitan nila magkakapatid at si Heat ang bunso.

First day ko sa school noon ng makilala ko silang tatlo pero mas naging kaibigan ko si Louise masasabi natin ang sama sama ko talaga dahil pinatay ko ang best friend ko at parang kapatid ko na din.

Napatigil ako sa pagkalkal ng makarinig akonng katok sa pinto kaya agad ko binalik yung phone at pasimpleng humiga sa kama na animoy nanunuod ng TV kaya tinignan ko yung channel and mas lalo ako napasimangot.

"Barbie ang pinapanuod mo Helle? Really?" sabi ni Heat pagkapasok niya sa kwarto niya at sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Mga walang kwenta yang nasa TV mo eh" I spat at him and he just smirk.

"May nahanap na ako trabaho maliban dito sa Rancho." sabi niya nalang at tinaasan ko siya ng Kilay.

"at bakit mo pa kailangan magtrabaho aber?" sabi ko at tumayo papunta sa harap niya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa magtrabaho? Okay na kami dito sa Rancho at maayos naman ang trabaho namin dito at tumutulong naman si Pol sa amin kaya bakit pa siya naghanap pa ng isang trabaho?.

"Dahil po mahal na Prinsesa ay parating na si Vielle." sabi niya habang nagbow pa. Aba tong lalaking ito at eto nanaman tayo kay Vielle.

"Sino ba yang si Vielle?" sabi ko..

"Flavielle Ocampo. Practically, anak ni Mayor. " sabi niya.

"Ano naman kinalaman natin sa anak ni Mayor?"

"Ano ba Helle. Pwede ba tumahimik ka nalang? Nawala lang tayo sa Bellum naging madaldal ka na. Nakakabwisit ka na ah." pagkatapos niya ay iniwan niya na ako doon na nakatulala. Aba siya pa nabwisit sa akin ah! Ang gusto ko lang naman malaman ay kung sino si Vielle at kung ano naman kinalaman namin sa anak ng Mayor dito. Delikado pag nakilala kami dito. Iniisip ko lang naman mga bagay na ganto at wala na pang iba akong iniisip pa.

Lumabas na ako ng kwarto ni Heat at pumasok sa sarili kong kwarto at doon nagisip isip.

Flavielle Ocampo ha.

Binuksan ko ang laptop ko at tinanong si goggle kung sino si Flavielle Ocampo at apparently walang Flavielle Ocampo na lumalabas kaya mas lalo ako naghinala kung sino Flavielle Ocampo.

At fuck hindi ko naisip na wala naman mayor ang lugar na ito dahil pagaari nga ito ng mga Hummingford. Paano magkakaroon ng mayor dito? Loko yung Heat na yun ah. Akala nun maloloko niya ako.

At doon nagclick sa utak ko.

"POL" sigaw ko palabas ng kwarto ko.

"Rain. Nandito ako sa Kusina" sigaw niya kaya patakbo ako pumunta sa kusina at doon ko nga nakita si Pol na nagluluto.

"Pol, Kilala mo ba si Flavielle Ocampo?" sabi ko. Nagstiff bigla ang katawan niya kaya napataas ko ang kilay ko dahil booyah kilala niya si Vielle.

"Sabi nila siya ang may ari ng bahay na ito." sabi niya so that's it. Siya ang may ari ng bahay akala ko ba kila Hunter ito?

"Una sa mga Hummingford ito pero kamakailan may isang Flavielle Ocampo ang dinala dito isang red hair girl literal na mapula ang buhok niya and ang puti niya at mapula labi. Isang anghel ata ang pinadala dito pero yun nga siya daw ang bumili ng bahay at ngayon nasa ibang bansa siya nagpapagaling. Paparating na ata siya eh." sabi pa niya kaya napatango tango ako.

So, yun lang pala.

Pero bakit kailangan pa magsinungaling sa akin ni Heat.

Hintayin ko nalang bukas para malaman kung sino si Flavielle Ocampo at kung bakit nagsisinungaling sa akin si Heat.

****

This is it. This is the day!

Makikilala ko na si Flavielle Ocampo.

Pinagsuot nila ako ng blue dress kahit nabwisit ako dahil mahinhin si Madame Ocampo. Ano naman kinalaman ng kahinhinan niya sa mga damit ko? Pero utos daw yan ng madame eh. Nagkakabayo ako ngayon para maihanda si Lightning.

"Rain! Tara na nandito na si Madame Ocampo."

Bumaba ako ng kabayo at pumunta sa direction kung saan ko nadinig yung sigaw.
.
.
.
.
.

Suddenly I froze. She is trully beautiful. Red Hair, Pale white complexion like a snow and red lips.

"Hello there" sabi niya at nakatunganga pa din ako.

"Hi I'm Vielle"

And with that nahimatay ako.

*****

BOOM BEYM HAHAHAHA SOON NA ANG PICS NI VIELLE.

SHORT UPDATE.

When Heaven Falls To Helle (under Major Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon