*Chapter Three*

20 0 0
                                    


Carl's PoV

  I'm Carl Andrei Vertudez, 23 years old. Magkababata kami ni Rai. Pero ang alam niya kaibigan lang ang tingin ko sa kanya pero ang totoo, simula pagkabata namin may gusto na ako sa kanya. Pero hindi siya naniniwala kasi nagkaroon ng something between me and her cousin Lyn. Their family is so famous in our town, not just because his uncle is a politician but because of their wealth and them being kind to everyone. Kagagaling lang namin ng grocery store, kung saan nakita namin yung ex niyang si Anthon. And I love calling her "BABE", ever since yun talaga ang tawagan namin kasi trip namin. Kaya madalas napagkakamalan kaming couple, kasi sobrang sweet namin sa isa't-isa kaya pati girlfriend ko at boyfriend niya pinagseselosan kami. Ang tinutukoy ko na boyfriend niya ay si Anthon, madalas kasi akong pinagseselosan nun noon. Kaya siguro hindi na ito nagtataka kung bakit kami ang magkasama. Pero ang hindi ko inaasahan na makikita ay ang isa sa nga naging kaibigan ko sa OJT ko. Si Grei. Malapit na kami sa bahay nila tita Mindy, tita ni Rai. Alam kong may hangover pa si Rai kaya ako na ang nagdala ng pack bag niya paakyat ng bahay at ng mga pinamili namin.
"Carl ? Ba't ikaw ang may dala niyan ?",tanong ni Oñin sa akin."Masama pakiramdam ni Rai eh, kaya tinulungan ko na.", sagot ko."Masyado mo namang binebaby si Raf, Carl. Alam mo ikaw kung di ko lang alam na di ka pa nakakamove on kay Lyn ay baka isipin ko nang may gusto ka kay Raf.",saad ni Erin."Saan naman nanggaling yun ?",tanong ko. Bago tumalikod at sumunod na lang kay Rai sa kwarto. At baka maquestion pa ako ng wala sa oras. Wala ng nakaka alam ng feelings ko para kay Rai maliban sa amin ni Aria. Pero alam kong nakakahalata na si Oñin hindi lang siya umiimik. Pinigilan ko naman ehh, pero wala mahal ko talaga si Rai. Pagdating ko sa kwarto ay nakita kong nakahiga na si Rai gigisingin ko sana kaso baka mainis sa akin at masapak pa ako ng wala sa oras. Pagkababa ko ng mga bag naming dalawa ay humiga ako sa tabi niya at naidlip saglit.

Aria's PoV

Hi ! Mary Aria Nieva, cousin of Rai Ally Fuentes. Pinsan ko rin si Carl pero malayo silang magpinsan ni Rai kaya okay lang sa akin kung may feelings siya para kay Rai. Nasa bahay na kami nila tita Mindy, si Rai ay direretso ng umakyat sa kwarto. Malamang sa malamang matutulog yun, may hangover pa yun eh. Umakyat na ako at dumiretso rin sa kwarto, magkakasama lang kami sa iisang kwarto kasi wala namang malisya at nasanay na din dahil ganoon kami pag nagsesleep over sa bahay nila Erin. Pagdating ko sa kwarto naabutan ko si Carl at Rai na natutulog ng magkatabi, naisipan ko silang pagtripan. Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan sila. Mamaya pa ay umikot si Rai at biglang niyakap si Carl, ang cute cute nila tingnan parang totoong couple. Lalo akong natuwa kaya pinicturan ko sila ng marami. At ng nakontento ako ay tumigil na muna ako, at tumabi na lang din kay Rai para matulog.

Holy Week LoveWhere stories live. Discover now