Ang Aming Samahan by RastaBoySiAko

198 0 0
                                    

"ANG AMING SAMAHAN"

                         by: RastaBoySiAko

Noong una tila ako'y kinakabahan,

Sapagkat bagong mga tao ang makikilanlan,

Bagong guro at bagong kaibigan,

Ang darating ng hindi inaasahan.

Nang di tumagal ay okey na,

Lahat sila ay nakilala ko na,

Mababaet naman at mapagmahal sila,

Lalo na ang aking barkada.

Kahit saan man magpunta,

Palaging barkada ang kasama,

Hinding-hindi ka mauubusan ng tawa,

Dahil sa mga birong baon nila.

Hanggang ngayo'y iniisip ko pa rin,

Anong nangyari sa samahan namin?

Iniwan nila akong nag-iisa,

Dito sa lugar na walang kasama.

Sana'y magbalik ang dating samahan,

Na matagal nang pinag-ipunan,

Kahit ang kahilingan na ito'y imposible man,

Ang nais ko lang ay mabalik ang aming samahan.

_________________________________

@RastaBoySiAko eto na yung poem mo! ^^ well sana nga mabalik na yung dating samahan nyo kasi base sa poem parang ang saya saya nyo eh, pero biglang iniwan ka nila. Alam mo nang-yari din sakin yan, yung tipong akala mo tunay mo silang kaibigan pero hindi pala iiwan ka din nila, pero Don't lose hope. Kasi ang pagkaka-ibigan ay parang relasyon lang din yan kailangan din ng tiwala at pagkakaintindihan. Yun lang! ^^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon