Chapter 7

1 0 0
                                    

" Ikaw na naman?" Naiinis na wika ni Katrina nang mabungaran na naman nya si Jin paglabas nya ng gate ng eskwelahan kinabukasan ng hapon.

" Ako nga at wala nang iba." Nakangiting tugon ni Jin at kinindatan pa sya nito.

" Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin, Mr.Seoki?" Katrina

" Gusto ko ngang makipag-ayos saiyo. How many times do i have to tell you that?" Jin

Tumawa sya nang pagak.
" insufficient reason, or rather, unbelievable. Hindi kita maintindihan. Si Kim Seoki Jin, ang taong napakayaman at pinakakaguluhan ng mga kababaihan ay nagsasayang ng panahon at pera para lamang makipag-ayos sa isang katulad ko lang?" Sarkastikong sabi ni Katrina
" Aba, Sobra.. naman yata ang ine-exert mong effort para lamang makipag ayos sa isang katulad ko? Bakit? Malaki ba ang mawawala saiyo kung hindi tayo magkakaayos?" Patuloy na wika ni Katrina

Natigilan na lamang si Jin at hindi kumibo.

" Mr.Seoki-------------

" Call me.. Jin." Biglang tugon nito

" i prefer.. Mr.Seoki. Tigilan mo na ako. Itigilan mo na rin ang pagpapadala ng mga bulaklak. Nagsasayang ka lang ng pera at panahon." Katrina

" Ganyan na ba talaga kalaki ang galit mo saakin? Patawarin mo na ako. Im sorry.. " wika ni Jin

Wala syang mahimigang sinseridad sa tinig nito. Mukha ni wala sa bokabularyo nito ang salitang ' Sorry'

" Wala kana bang ibang mapag-tripan na kapantay mo ang estado sa lipunan at ako ngayon ang pinagti-tripan mo?"Katrina

" Hindi ako nagti-trip." Jin

" Kung gano'n, ano sa palagay mo ang ginagawa mo?" Katrina

" Humihingi ng tawad sa iyo at humihingi rin ng pagkakataon na patunayan saiyo ang sarili ko na hindi ako kasinsama ng iniisip mo" Jin

" Sana nga gano'n lang kadaling paniwalaan ang mga sinasabi mo." Katrina

" Paniwalaan mo dahil iyon ang totoo." Jin

" Hindi mo ako basta-basta mapapasakay sa mga sinasabi mo, Mr.Seoki." wika ni Katrina at tuluyan na nyang iniwan si Jin.
Habang daan ay ito ang laman ng isip ni Katrina. Hindi maganda iyon. Dahil unti unti ay nagtatagumapay itong guluhin ang kanyang isip.

Sa kabilang dako.

" Kumusta ang panunuyo mo, Jin?" Tanong sa kanya ni Jimin.
Naroon sila ng mga kaibigan nyang sa BTS BAR ni V
Sa halip na tumugon ay lumagok si Jin ng alak.

" Dalawang linggo na lamang ang natitira saiyo, pare. Mapapasagot mo pa kaya iyon sa loob ng dalawang linggo?" Wika naman ni Jungkook

" Mukhang hirap ka talaga sa isang iyon, dude.." ngising tugon naman ni V

Tumungga uli sya ng alak .

" Hwag kayong mag-alala, sinisiguro kong ako ang mananalo sa larong ito."tugon nya

Pauwi na si Katrina. Naglalakad sya patungo sa sakayan ng jeep nang may humintong magarang kotse sa tabi nya. Bumaba ang binatana iyon at sumungaw ang gwapong mukha ni Jin. Iba na naman ang kotseng gamit nito

The Notorious Playboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon