[Mitzi's POV]
pagkatapos kong kumain dumereto ako sa kwarto ko...sinigurado kong naka lock ang pinto at bintana. pagkatapos nun kinuha ko yung blade na nakabalot sa itim na panyo na itinago ko sa ilalim ng kama ko.
nilapag ko iyong itim na panyo sa kama at kinuha yung blade na andun. habang tinitingnan ko yung blade na alala ko yung nangyari kanina sa school ...
*Flashback*
"uy ayan na si miss trying hard!"
"hahaha. grabe naman bakit kaya lagi syang nakajacket?"
"para di makita ng teacher yung answer key na nasa kamay nya!"
"kaya pala lagi syang perfect sa test eh"
"oho! dudes andito na si miss witch! watch out kayo baka kulamin kayo niyan!"
"haha! hala bro paparating sayo!"
"balita ko anak daw sya ng labas? kasi nilandi ng mama nya yung may ari ng Monteverde Corporation "
"aaw. like mother like daughter! mga malandi !"
"haha! eeww. witch na malande!"
"frend! balita ko kaya sya nag jajacket kasi may nakakahawa daw yang sakit."
"ew frend hali ka baka mahawa tayo"
"Mitzi Malandi! hahahaha grabe pati si sir nilande nya kaya siguro malaki grades nya ! "
umiikot lahat ng sinabi nila sa isip ko .. sumosobra na sila sa sinabi nila di naman totoo...
pinahid ko mga luha ko sabay kinuha yung blade at tinutok sa kamay ko ..
wala akong kwenta ! walang wala! ..
pinadulalas ko lang yung blade sa kamay ko .. pagkatapos ng ilang minuto huminto na ako nung nakita kong andami ko ng sugat sa kamay..kinuha ko yung itim na panyo tapos pinahid sa dumugo kong sugat..
*Flashback*
"mama naka uwi na po a-"
*pak!*
"ang landi mong bata ka! ano tong narinig ko sa school nyo na nilalandi mo daw yung teacher nyo?!"
"ma di po yun tot-"
*Pak!*
"sumasagot ka pa talaga ha?! gusto mong makarating ito sa daddy mo?!?! leche kang bata ka walang alam yang utak mo kung di puro landi!"
"pero mam-"
*pak!*
"WALA LANG KWENTANG ANAK! UMALIS KA NA SA HARAPAN KO!"
*END OF FLASHBACK*
niligpit ko yung blade tapos nilagay sa ilalim ng kama. pag katapos nun pumunta ako sa cr tapos nilinis sugat ko para di malaman ni manang yung mga ginagawa ko.
pagkatapos kong linisin yung sugat ko .kinuha ko yung alcohol tapos nilagyan ko ng alcohol mga sugat ko
napawingi nalang ako sa tinding sakit pagkatapos non natulog na ako..
***
nagising ako sa boses ni manang na tumatawag sa akin...
"hija! maghanda ka na daw at pupunta kayo sa bahay ng daddy mo"
bumangon nalang ako at naligo ..hays.. makikita ko naman yung lalaking yun...kung tutuusin sya ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina mama at papa eh...at dahil sa kanya namatay si papa..