Kasabay ng paghinto niya sa harapan ko ay ang pagtigil sa pag-ikot ng mundo ko. Alam ko ang rason ng pakikipagkita niya sa akin. Pero umaasa padin ako na mali ang kutob ko. Sana. Sana nga ay nagkakamali lamang ako.
Nakatingin lang s'ya sa akin gamit ang blangkong ekspresyon. Habang tumatagal na nagkakatitigan kami ay pabigat ng pabigat ang paghinga ko. Lumapit siya sa akin at isang buntong hininga ang binitiwan n'ya bago magsalita. Hindi ko mapigilang hindi mapalunok habang hinihintay ang mga katagang bibitiwan niya.
"Jade..." Bakas ang pagkabasag ng boses n'ya nang sabihin ang pangalan ko.
Ayokong umiyak. Ayokong kaawaan n'ya ako. Ayoko.
Humakbang siya upang mas lumapit sa akin. Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Hinawakan nya ang mga pisngi ko at hinalikan ako sa noo.
Gusto kong tumigil ang oras. Sana ganito nalang kami. Ako at siya lang. Sana kami nalang hanggang huli.
Tumalikod siya matapos gawin yun.
"Paki-usap, kalimutan mo na ako."
Hindi ko napigilan ang mga luha kong nag-uunahan bumagsak dahil sa sakit na dulot ng mga salita niya.
I still remember the look on your face
Lit through the darkness at 1:58
The words that you whispered for just us to know
You told me you loved me so why did you go away, away
"Anong ginagawa mo dito?"
"Dinadalaw ka. Sabi ni tita may chicken fox ka daw." Sabi n'ya ng nakapout. Pinanganak ba sya para lang magpacute?
"Wag ka ngang gumanyan! Kinikilabutan ako eh. Saka wag kang lalapit kundi mahahawa ka."
"Mahawa na kung mahawa. Sa namimiss na kita eh." Sabi nya atsaka niyakap ako.
Napaupo ako mula sa pagkakahiga dahil sa pagkabigla sa ginawa niya.
"Ano ba! Mahahawa ka nga sabi! Layo. Shoo!"
"Eh ilang araw ka ng hindi pumapasok. Miss na miss na kita." Sabi n'ya atsaka nagpout habang nakatitig sa akin.
"Wag mo kong titigan, ang pangit ko na." Atsaka ko sya tinalikuran.
"Sige. Uuwi na ako. Basta tandaan mo... Mahal kita kahit magmukha ka pang bulutong na tinubuan ng mukha."
I do recall now the smell of the rain
Fresh on the pavement, I ran off the plane