Maghihintay ako. At kahit gaano pa 'yan katagal, hihintayin kita.
-
Sabi ko sa sarili ko, paninindigan ko ang mga salitang 'yan.
Hihintayin kita hanggang sa humupa na ang lungkot sa puso mo, hanggang sa maramdaman mo na kailangan mo pa rin ako, hanggang sa maisip mo na andito lang ako lagi para sa'yo.
First boyfriend kita. First date, first surprise, first person na nagbigay sakin ng chocolates at flowers, first monthsary. And eventually, first heartbreak.
Sa sobrang pagmamahal ko sa'yo, hindi ko iniisip na maghihiwalay tayo.
5? 6? 7? 8? 9? 10 years of being together? Nasa mindset ko na 'yan. Ang dami nang plano na nabubuo sa isip ko na kasama ka. Pero ang hindi ko alam, magiging plano lang pala ang lahat.
Ang sabi mo sakin pagod ka na. Ang sabi ko naman baka pwede naman magpahinga lang.
Pinapili kita kung cool off o break up. Hindi ko mabilang sa isip ko kung ilang beses kong ipinagdasal na sana cool off ang piliin mo.
At dumating na nga sa puntong hindi ko lubos na mangyayari sa ating dalawa.
"Break up."
Ang sakit. Sobrang sakit.
"Huwag kang mag-alala, walang magbabago. Kaibigan pa rin naman kita. Doon naman nagsimula ang lahat."
Umasa ako.
Lumipas ang mga araw.
Yung sinabi mong walang magbabago? Hindi ko naramdaman.
Unti-unti na tayong nawalan ng communication. Nakikibalita na lang ako sa mga kaibigan natin kung kamusta ka na, kung saan ka madalas pumunta. Kahit di ko kaclose, basta nakakakilala sa'yo, pinagtatanungan ko.
Ganyan pa rin kita kamahal.
Chinat ko ang mama mo na nasa ibang bansa na kausapin ka at makipagbalikan sa'kin. Pati mga kaibigan natin sinabihan ko na kausapin ka.
Ganyan pa rin kita kamahal.
Pinupuntahan ko ang mga lugar na madalas nating puntahan noon. Ginagawa ko pa rin ang mga bagay na madalas nating ginagawa noon.
Kinakain ko pa rin ang mga paborito nating pagkain noon. Ang kaibahan na lang ngayon, ako na lang mag-isa.Ganyan pa rin kita kamahal.
Lumipas ang mga taon. Akala ko makakalimutan kita sa paglipas ng mga oras. Akala ko lang pala 'yon.
Naghihintay pa rin ako.
Umaasa pa rin ako.
Hanggang sa nalaman ko na lang na may nililigawan ka na.
"Nililigawan pa lang naman. Kaya pa 'yan.", Ang sabi ko sa sarili ko.
Pero, huli ko na lang nabalitaan. Naging kayo na.
Hindi na pala kaya.
Pinaniwala ko ang sarili ko na babalik ka pa at sasabihin mong, "Tayo na lang. Tayo na lang ulit."
Hindi na pala kailanman mangyayari 'yon.
Alam ko hindi ko ibinigay ang lahat nung tayo pa. Dahil kung ibinigay ko ang lahat, hindi sana mangyayari 'to.
Hindi kita sinisisi sa nangyari.
Ako pa nga ang gustong humingi ng tawad. Dahil hindi ako naging sapat para sa'yo.
Unti-unti na kitang napapatawad. Pero yung sarili ko hindi ko pa din mapatawad hanggang ngayon. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko kung bakit hindi tayo nagwork-out.
Ngayon, kapag nakakakita ako ng couple na magkasama, naiisip kita.
Ganyan din sana kami.
Nagpapasalamat pa rin ako sa'yo. Hindi man tayo nagwork-out, pinasaya mo pa rin ako. Ipinaramdam mo pa rin sakin kung paano ang magmahal at mahalin. At isa 'yon sa mga bagay na itatago ko habambuhay.
Sana maging masaya ka kung nasaan ka man ngayon.
Sana makita mo na sa kanya ang mga bagay na hindi mo nakita sa akin.
Sana huwag na tayong magkita pa kahit kailan dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na mangyari 'yon.
Wala mang napala ang paghihintay ko, alam ko na may darating pang tamang tao na nakalaan para sa akin.
Iyon ang paghahandaan ko.
Iyon ang hihintayin ko.
Pinagtagpo lang tayo, pero hindi tayo itinadhana.
—————————————————————
Hello po sa inyong lahat! Namiss ko po magsulat. Hahaha.
30% based on true story po yung story sa taas. 70% imagination po.
Nakamove-on na po talaga ako. Promise, matamis, lasang kamatis. Hahahaha!
Thank you po sa pagbabasa :)
Watch out for my next oneshot po. Hahanap lang po ulit ako ng ibang inspiration. Hahaha.
Kamsahamnida! :*
BINABASA MO ANG
Naghintay Ako
Short StoryNaghintay ako. Hinintay kita para sabay nating ipagpatuloy ang nasimulan. Pero, nauna ka na pala.