Chapter 1 - Part 3

44 2 0
                                    

GEORGE's POV

"Alex si Derek oh yung crush mo!" sabi ko kay Alex sabay tawag na rin kay Derek (medyo napalakas ata yung boses ko hehehehe).

"Hala! Alex ang pula ng mukha mo!" natatawang sabi ni Rocky.

 "Ano ba yan George ang ingay mo nakakahiya!" asar na sabi ni Alex pero halatado namang kinikilig

nasa labas naman ng room nila si Derek at kausap ang classmate niyang lalaki, noong tinawag ko sya at napalingon naman sya agad kaya lalong namula ang mukha ni Alex at tuloy tuloy nang pumasok sa C.R (naga ala kupido lang hehehe masundan na nga at baka nagalit na yun :D)

-CR-

"Alex galit ka?" tanong agad ni Rocky.

"Huwag ka mag-alala di yan galit baka nga kinikilig pa yan eh! hahahahaha" sabi ko naman na natatawa pero kinakabahan kasi baka nagalit nga

"Baliw ka talaga George ang ingay mo talaga nakakahiya kaya baka isipin nun nagpapa charing ako sa kanya" reklamong sabi ni Alex na medyo kinikilig pa rin

"Okay lang yun! sus di pa sya nasanay eh ganito rin kami nung 2nd year tayo" 

"Kelan mo ba naging crush yun huh Alex tsaka bakit hindi ko alam yan? di ba 2nd year Amethyst yun?singit naman ni Rocky

"Daming tanong?" sabi ni Alex habang papunta ng cubicle

"Sige na" pangungulit naman ni Rocky

"Sige na nga! 1st year pa lang crush ko na yun! Paano mo malalaman eh di ka naman namin kasama nung 2nd year bruha! Oo II - Amethyst sya!" sagot naman ni Alex sa mga tanong ni Rocky

"Eh paano mo naman nakilala yun?" tanong ulit ni Rocky kay Alex

"Basta secret" sabi naman ni Alex sabay bukas ng pintuan ng cubicle

"Arte naman nito" sabi ni Rocky

"Ka-batch kasi yun nang pinsan nya nung Elementary" singit ko

"Sus yun lang pala ayaw pa sabihin. Tara na akyat na tayo." sabi ni Rocky sabay yaya sa amin umakyat

-ROOM-

pag-akyat namin sa room wala si Sir...

"si Sir?" tanong ko kay Toni na busy makipag kwentuhan sa classmate naming babae

"Lumabas di ko alam kung saan pumunta" sabi nya sabay talikod at nagpatuloy sa pakikipag kwentuhan sa classmate namin.

aba bastusin tong bata na to ah! kinakausap ko bigla ba naman akong tinalikuran! -_-

hinarap ko na lang sina Alex at Rocky na busy sa cellphone nila.

"Uy Alex tungkol saan nga pala yung panaginip na sinasabi mo kanina sa pila? yun ba yung dahilan kung bakit ka na- late?" usisa ko kay Alex

"Oo nga Alex tungkol saan ba yun?" curious na sabi ni Rocky sabay bulsa sa cellphone nya para usisain din si Alex

"Ah ayun ba? Ganito kasi yun" sabi ni Alex

*BLAH* *BLAH* * BLAH*

tamang tama natapos ang kwento ni Alex saka naman pumasok si Sir at

.

.

.

.

.

*bbbbbbbbbbbbbrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnngggggggggg* *bbbbbbbbbbbbbbbbrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnngggggggggggg*

"Uy tara na Uwi na tayo" yaya ni Toni sa amin

"Sige" sabay sabay na sabi namin

"Kailangan talaga sabay sabay?" natatawang sabi ni Toni

"Ay nga pala sasabay sya sa atin umuwi, sya nga pala si Charlie" turo nya sa girl na katabi nya sabay pakilala syempre ngumiti lang sya at nag-wave.

"Hi I'm Roquilita Joy Reyes pero Rocky na lang" ganadong ganadong pagpapakilala ni Rocky 

"Kailangan talaga buong buo Rocky?" kontra ni Alex hahaha

"Hi I'm Alex!" dugtong ni Alex

"Baliw talaga kayong dalawa! Hi ako si Georgina Reyes, George na lang" pagpapakilala ko sabay ngiti

"Magkapatid kayo ni Rocky?" tanong agad ni Charlie

"Hindi noh magka-apelyido lang kami" sagot agad ni Rocky

"Ah! Akala ko magkapatid kayo!" si Charlie

"Marami rin nag-aakala hindi lang ikaw! pero malayo di naman kami magkamukha" 

"Hoy tara na!" yaya na ni Alex sa amin na nasa labas na pala kasama si Rocky

Habang papalabas kami nang room at papalapit kina Alex biglang

.

.

.

.

.

"ALEX"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clique of St. Catherine University (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon