101 Prayers

1.7K 25 4
                                    

PROLOGUE

Naniniwala ka ba sa prayers?

Trust me. Maniwala ka. Prayers do happen just like wishes do come true. We all should learn to pray and be patient. Hindi lahat ng pinagdadasal natin ay mangyayari o makukuha natin agad agad pero eventually mangyayari din to. Siguro kailangan natin ng maraming failures pero at the end, makukuha din natin yung pinagdadasal natin. Si God ay hindi isang Wishing well para hilingan natin ng hilingan. Hindi din siya isang Genie para ibigay agad agad ang hinihiling natin. Hindi man exactly the same nung pinapanalangin natin ang ibinigay satin ni lord, we have nothing to worry about. It is always the better ones. Wag kang magalit kay God kung di niya binibigay sayo ang mga pinagdadasal mo. May dahilan kung bakit di niya yun binigay. Alam mo kung ano yung dahilan na yun? Kasi may nilaan siyang something better para sayo.

Ako nga pala si Cathreen Tan.

25 years old

Madasalin at

NBSB.

Nagkakamali ka kung iniisip mong pangit ako kaya NBSB padin ako. Wala namang ginawang pangit si Lord ee. Sadyang masyado lang akong naging busy sa pag aaral kaya eto Mukhang tatanda nang dalaga. Hindi ako nagmamayabang pero marami nang nanligaw sakin. Di ko lang talaga sila pinapansin kasi nga mas inuuna ko ang pag aaral ko.

Hindi ako mayaman. Hindi din ako mahirap. Sapat lang ang kinikita ko para makapag rent ng isang room, makabayad sa kuryente, makabili ng mga pangangailangan ko at makakain 3x a day. I never lose hope na yayaman din ako. Andyan naman si lord para sakin ee.

Hindi ako pangit, hindi din naman ako maganda. Yung average lang. Mga ganun. Pero maputi ako at matalino. Singkit ang mga mata at may katamtamang ilong. Nabiyayaan naman ako maliban sa height. Kaasar nga si Lord ee. Pinagdamutan ako sa height. Pero okay lang yun. Alam ko namang may dahilan kung bakit ganito ang height ko.

Siguro nagatataka ka kung nasaan ang pamilya ko no? Haha. Only child ako. Si mama naman at si papa ay namatay nung 13 years old palang ako. Nasunog kasi yung bahay namin noon. Di na nakalabas sila mama. Buti na nga lang daw ay wala ako nun sa bahay. Pinag sleep over ako nila mama kila Auntie Belen. Lumaki ako sa marangyang pamilya kaso lahat ng ari arian namin, pinag agawan nung mga kong tiya at tiyo. Hinayaan ko nalang sila. Mukhang mas kailangan naman nila yun ee.

Mula noon, nabuhay akong mag isa. Natuto akong magtrabaho at an early age at kumuha ako ng scholarship para makatapos. Nasanay na rin ako sa buhay na ganito. And thank God, nakagraduate ako sa kursong accounting at kasalukuyang nagtatrabaho bilang Manager sa isang kialalang bangko.

Aaminin ko, nagalit ako sa diyos sa mga nangyari sa buhay ko. Ang daming tanong ang naibato ko sa diyos Pero narealize ko na may dahilan kung bakit sakin niya ito ginawa. Kasi alam niyang matapang ako at makakayanan ko to. Alam niyang hindi ako susuko sa buhay. Tanggap ko na ang mga nangyaring yon. Alam niyo ba? Dahil sa mga pangyayaring yun sa buhay ko, mas lalo akong naging malakas. Mas lalo akong napalapit sa panginoon. At higit sa lahat, natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa.

Nung nag 25 years old ako, may isang bagay akong narealize. Kailangan ko nang magkaboyfriend. I'm not getting any younger you know. HAHAHA XD Isa pa masyadong plain ang buhay ko. I want it to have some colors. So I started praying to God to give me a perfect boyfriend. Medyo naging desperada bitch na din ako. HAHAHA XD

Nagdadasal ako sa simbahan ng quiapo when I met this guy in a pink shirt. Dito na nagumpisang magkaroon ng kilig at kulay ang matamlay at boring kong buhay. Haha XD Samahan niyo ako sa paghahanap ko sa One True Love ko with the help of, walang iba kundi si God ;)

101 PrayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon