4

8 2 0
                                    


"Bakit mo pala binigay sa akin yung kape mo?" Pagtatanong ko sa kanya at saka umupo ng maayos.
"Nakita kasi kitang umiiyak at mukha kang depress at... malungkot kaya naisip ko na baka you need something" sagot niya.
"Salamat ulit. Mukhang kailngan ko nga nito" sabi ko sabay inom ng kape.
"Nagta travel kabang mag-isa?" Tano ko.
"Oo, hindi. Oo parang ganun ang kinakalabasan at hindi kasi ginagawa ko ito bilang pampalipas oras. Para... makapag-isip isip..." Papahina niyang sagot. "Ikaw bakit ka umiiyak kanina? Pwede mo siyang hindi sagutin"
"Umiiyak ako kasi naalala ko ang nanay kong patay na. Sumakay ako ng tren ngaun para makapag isip isp" sagot ko. Matapos nun ay natahimik ulit kaming dalawa.

"Condolence" maya maya ay sabi niya.
"Salamat" sagot ko.
"Naisip ko tutal gusto mong makapag isip isip at the same time may gusto akong puntahan pero ayokong mag-isa. Bat di nalang tayo magsama tutal maganda ang lugar na yun para makapag isip isip" offer niya sakin.
"Bat mo naman ako inaalok ng ganyan? Dika ba nagdududa sa akin, ni hindi naman tayo personal na magkakilala"
"Sa itsura mong yang, di ka naman mukhang gagawa ng masama saka di mo kailangan magbigay ng personal identity sakin vise versa. Kumbaga we're just a perfect strangers a buddy strangers. Ikaw para makapag isip isip at ako para makapunta doon ng hindi nag-iisa"
"Saan ba yun?" Tanong ko.
"Sa Antique" sagot niya. Minsan nakong nakapunta doon noong isinama ako ng amo ko na mangalakal ng mga gamit doon na pangtinda para sa souvenir store niya kaya alam ko ito.
"Sige" pagsang ayon ko sa offer niya sakin.
"Sa ngaun kumuha muna tayo ng pwedeng matulugan.

Bumaba kami sa isang istasyon na may malapit na motel. Kumuha siya ng dalawang room  para sa amin.

"Yan ang room mo. Magkaiba tayo ng floor para dimo maisip na baka may gawin ako sayo. Bukas ng 5:00am magkita tayo sa lobby para simulan na ang pagbyahe" sabi niya at tumango lang ako. Matapos nun ay pumunta nako sa room ko at nagpahinga.

4:00am palang ay gising nako. Hindi ako makatulog ng maayos dahil naaalala ko parin ang buong nangyare nung araw na yun. Lagi nalang akong naiiyak. Kahit na ganoon si nanay at tatay sa akin, mahal ko parin sila. Kahit na ganoon sila naiintindihan ko sila. Sana kung mas maaga lang akong umuwi, kung sana hindi nalang ako sumama kila Luna edi sana mas maaga akong nakauwi at napigilan ko sila. Edi sana maayos parin ang buhay ko, buo parin kami. Kung sana lang...

Tutal di narin ako makatulog at mugto na naman ang mata ko kakaiyak mas mabuti pa siguro kung magpahangin muna ako sa labas.

Madilim pa ng lumabas ako sa motel. Naglakad lakad ako para makalanghap ng sariwang hangin hanggang sa napad pad ako sa isang parke malapit sa motel. Naisipan kong doon muna magpalipas oras para makapag isip isip. Umupo ako sa isang bench at muling inalala ang mga nangyari sakin sa nagdaang araw.

Masakit parin sakin hanggang nagun ang mga nangyari. Bakit ang bilis naman ata ng mga pangyayari? Dapat ko ba talagang maranasan ito? Hindi ko naman gusto na may mawala sa amin kahit na ganoon kaming pamilya. Sabagay, hindi ko naman hawak ang buhay ko, hindi ko rin alam ang mangyayari sa hinaharap kaya mas mabuti pa nga siguro kung sasakyan ko nalang ang agos ng buhay ko. At wala rin naman akong karapatang kumuwestiyon sa mga kaganapan ngaun. Pero sana lang, sana lang talaga ay binigyan Niya pa ako kahit konting sandali na makasama ko pa si nanay.

"Bat ka umiiyak?" Pagdilat ko ay nakita ko yung lalaki na kasama ko sa harap ko.
"Ah wala, may inaalala lang" sabay punas ko ng luha ko gamit ang kamay ko.
"Ikaw bat ka nandito sa labas? Diba sabi mo 5:00 am tayo magkikita?"
"Nagjogging kasi ako, para warm up narin. Oh" sabay bigay niya sakin nung bimpo niya "sorry wala akong dalang panyo, kaya iyan lang ang maio offer ko sayo"
"Ok lang haha"
"Pwedeng tumabi?" Tanong niya at tumango naman ako.
"Diko man alam ang nangyayari sayo ngaun, mas mabuti kung wag mo munang isipin yan. Mas mabuti kung mag liwaliw ka muna para makapag isip isip ka at para makapag relax ka sa gala natin"

Siguro nga tama siya. Mas mabuti na muna siguro yung diko iisipin yung mga nangyayari sakin ngaun para makapagpahinga itong utak at mata ko.

"Salamat ah. Siguro kung diko ginagawa to ngaun, kung saan saan lang ako mapapadpad sakay ng tren" at napatawa ako sa sarili ko.
"Haha, okay lang. Lika na, mag aalasingko na. Kailangan na nating gumayak" at sumunod naman ako sa kanya ng bigla ulit siyang lumingon sakin.
"Rian, Rian ang pangalan ko. Naisip ko kasi na ang hirap palang tawagin natin ang isa't isa kung pati names ay di natin alam" sabagay tama siya. Nahihirapan rin ako eh.
"Shasha, Shasha Evangelez ang pangalan ko"

Nagshake hands kami tapos ay bumalik na kami sa kwarto namin para maghanda. Sana maging masaya ang trip nato. Sana lang talaga.

***
Hi guys, I just want you to know na di po porket motel ay automatic SPG na. As what tita Merriam says it is "a place that is next to a road and that has rooms for people to stay in especially when they are traveling by car"

I just clear up, para sa mga nagtataka why I use motel and not hotel hahaha

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now