Cliché Story. [One Shot Story]

3K 95 57
                                    

Cliché Bestfriend Story

Cliche as it may seem but my bestfriend almost feel in love with my other half.

Nagulat ako ng may tumakip na mga mata ko. I smelled his scent.

“Guess who?” Sabi ng taong nakatakip sa mga mata ko.

“Do I really have to?” Sagot ko naman sa kanya na agad ikinatanggal ng kamay niya. Hinalikan niya ako sa pisngi at umupo sa upuang nasa harapan ko.

“Oh what’s with the face babe?”

“Nothing. Si Erika kasi, she’s depress again. The boy left him, again.”

“You should be with her.”

“Eh, ngayon na nga lang tayo nagkasama ulit.” Then I pouted. Nakakainis naman kasi.

“Babe, dali na. Your friend needs you. Puntahan nalang kita mamaya sa inyo.”

“Sige na nga.” I said, gaving up to our talk. “Sabihin ko nalang kay Mommy na pupunta ka.”

Tapos tumayo na ako at inayos ung gamit ko. I have to go to Erika. Baka mamaya maglaslas na yun sa sobrang depression. :P Joke lang!

“Hatid na kita sa kanila.”

Tumango nalang ako as a response. After ilang minutes nandun na rin kami sa bahay ni Erika.

“Text nalang kita pag-nakauwi na ako. Hindi naman ako magoovernight dito eh.”

He nodded and kissed me on the lips. Kung wala lang talaga akong aasikasuhin ngayon, hindi na ako bababa ng sasakyan niya. (-__-)”

Pagpasok ko sa bahay nila, sinalubong agad ako ng mommy niya. Pinaakyat nalang ako dahil andun daw siya sa kwarto niya at nagmumukmok.

“Erika?” Katok ko sa pinto niya. Pero walang sumasagot. Binuksan ko nalang ung pintuan niya. At nagulat ako sa nakita ko.

“Uy Xia! Anjan ka na pala! Upo ka muna jan! tapusin ko lang ung level na to!”

Ang magaling kong bestfriend, nakaharap sa computer niya, hawak ang mouse at ang numerical keypad niya. Naglalaro ng ----

“Yes! T-Spin! Panalo na naman!”

Naglalaro ng Tetris.

Agad ko siyang nilapitan at binatukan!

*PAK*

“Leche kang babaita ka. -_____- Sabi mo emergency at sobrang depress ka tapos maabutan kitang naglalaro ng tetris?! Isa pang sapak you want?!”

“Aray naman Xianna! Eh alam ko kasing di ka pupunta pag sinabi kong hindi emergency! Andun ka na naman sa boyfriend mong hindi ko pa rin nakikilala hanggang ngayon!”

Napahawak nalang ako sa noo ko. Stress naman tong babaeng to.

“Tara na nga! Magbihis ka. Magmall nalang tayo.”

“Ikaw magddrive?”

“Oo na, ayoko magcommutte. Basta ikaw pauwi! Ihatid mo ako sa amin.”

Hindi na niya ako sinagot. Agad agad naman siyang tumakbo sa walk-in closet niya para kumuha ng damit at makapagpalit na din.

Oo nga pala. Hindi pa niya kilala si Mark. Paano ba naman, everytime na ipapakilala ko sa kanya palaging may nangyayaring kakaiba, tulad nito. Stress diba?

Cliché Story || COMPLETEWhere stories live. Discover now