1st memory

10 10 22
                                    

Hannah's Pov

"Hannah, dito ka lang ha. 'Wag kang aalis dito. Babalik si mommy, bibilhin ko lang yung favorite nating balloon na color blue. Bantayan mo ang mga pagkain natin, kundi magugutom tayo, bye baby" sabi ni mommy ko sa akin. She kissed me in my forehead and went somewhere to buy me my favorite blue balloon!

Im Hannah...i forgot what is my last name...but it doesn't matter to me now. 5 yrs old na ako.

Ngayon nandito kami ni mommy ko sa park, mommy said, that my daddy went to a place where peaceful life exist. Nakakapagtaka lang kung bakit 'di pa rin siya bumabalik sa amin ni mommy hanggang ngayon. Siguro ayaw niya na akong makita kaya 'di na siya nagpapakita sa amin. Since i was a baby, I never saw him. Mga pictures na lang niya ang nakikita ko.

Right now, my mommy and I, are having our picnic today. Hapon ngayon pero we're lucky because its not mainit!

Suddenly, my attention was in a pink flower beside me. May nakadapong insect sa flower ngayon ang nakakuha ng buong attention ko.

It was a Butterfly! Napangiti ako ng sobrang laki. It has a black and white colors on its wings. How beautiful it is! Hahawakan ko na sana yung Butterfly ng bigla itong lumipad.

"Gusto mo palang maglaro ng habul-habulan ah! Sige pagbibigyan kita!" Sigaw ko do'n sa butterfly. Tumayo na ako at hinabol ang Butterfly.

Napapangiti at napapatawa ako habang hinahabol ko ang Butterfly. It is fun! Umikot-ikot pa yung butterfly sa puno. Medyo nakakahilo 'yon ah.

"Mahuhuli rin kita!" Sigaw ko nanaman sa kanya. Mababa lang yung lipad ng Butterfly kaya sigurado ako ng mahuhuli ko rin siya kung bibilisan ko pa ang takbo ko.

Hanggang sa tumigil ako sa pagtakbo at napatingala sa langit. Tumaas na ang lipad ng Butterfly na hinahabol ko. May kasama na yung Butterfly na isa pang kamukha niya. They're like a pair. Bagay sila! Hihihi!

"Aaww" sabi ko ng palayo na ng palayo ang dalawang Butterflies. Itinaas ko ang right hand ko na parang inaabot sila. "Bye-bye Butterflies" and do'n ko lang na-realize na may kaharap akong isang batang lalaki. He was expressionless.

Parehas lang kami ng tangkad ng batang lalaki, black haired like mine, he does have cute eyes like a dog, medyo pointy yung nose niya. 'Yon pa lang ang kaya kong i-describe sa inyo ngayon.

"Hi!" I said then smiled at him.

"Hello" he said, and then he smiled too! Hindi na siya expressionless!

"Im Hannah, and you are?" Sabi ko while forming a shake hands to him.

"Nice to meet you, Hannah. Im Xander" at nakipag-kamay na rin siya sa akin.

"Ano nga pala ang ginagawa mo sa harapan ko, Xander?" Nabigla kasi ako ng nasa harapan ko siya.

"I was following a Butterfly when it flew away up ib the sky. At dito siya mismo tumigil" nawala nanaman yung smile niya. Nakakalungkot naman.

"Really?! Wow! Parehas lang pala tayo ng dahilan...you know this is what they called...uhmm..." napatingin ako sa langit dahil, iniisip ko ang tamang word para sa sasabihin ko.

"Destiny" sabi niya.

"Woah! Yeah! This is what they called destiny ang galing mo naman Xande---" napatigil ako sa dapat kong pagpuri sa kanya. At sabay kaming napatingin sa iisang  direksyon kung saan namin naririnig ang tunog ng isang bell.

"Icecream!" Sigaw naming sabay ni Xander. Papalayo na yung nagtitinda ng icecream kaya kailangan naming habulin.

Here we go icecream!" Sigaw ko, sabay takbo namin ni Xander. Wow! Parehas pa kami ng favorite food ha.

Tumigil lang yung nagtitinda ng icecream sa harapan ng isang simbahan. Tumigil na kami sa pagtakbo ni Xander dahil lilipat pa kami ni Xander ng daan.

"I-i don't know how to cross" sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at ngumiti.

"I'll teach you how. Lets go, baka habulin nanaman natin yung icecream niyan" he grabbed my hands, and he lead the way.

Tumigil kami sa paglakad.

"Do you see those white lines?" Tanong niya sa akin. Tumango ako.

"Dito ang tamang tawiran, and do you see that red man that has a light up there?" Tinuro niya kung saan ko makikita yung sinasabi niya. Until I found the red thing.

"Yes, I do" sagot ko.

"When it is red, it means that you have to stop walking, because kapag hindi ka tumigil masasagasaan ka ng isang kotse" paliwanag niya.
Bigla na lang naging green ang kulay nito at isang naglalakad na tao ang ipinapakita nito.

"But what is the meaning of it now?" Bakit naging green?
Im going crazy right now.

Hinigpitan na niya ang hawak niya sa kamay ko at nag-umpisa na kaming maglakad sa white lines na sinasabi niya.

"Green means Go, pwede na tayong maglakad no'n. Do you get it now?" Tanong niya habang tinitignan ako.

"Oo naman. Galing mo, Xander!" Puri ko sa kanya.

"You're welcome, Hannah" hindi niya bintawan ang kamay ko hanggang sa marating namin ang nagtitinda ng icecream.

"2 icecream in cone po kuya!" sabi ko kay kuya icecream. Habang kumukuha ng icecream si kuya, kukunin ko na ang pera pambayad namin. Oh no...napatingin ako kay Xander.

"Na kay mommy ko ang pera ko...papano na toh, Xander?" Pabulong na sabi ko sa kanya.

Ngumiti nanaman si Xander. Oh that smiles of him. Kakaiba talaga yung mga ngiti niya parang kapag ngingiti siya may ibig sabihin. Mabibigla ka na lang sa susunod na mangyayari. And buti na lang may dalang pera si Xander. And nakuha na namin ang mga icecream namin! Yummy!

Naghanap kami ng pwedeng upuan ni Xander. At ang nakita namin na pwedeng upuan ay yung mga bench na nakahilera labas ng simbahan. Nang makaupo kami...

"Hay...nakakapagod 'yon ah" sabi ko.

"But it was fun. Right?" Sabi ni Xander.

"Tama ka masaya nga lahat ng 'yon! Para tayong nag aadventure! Hahaha!" sabay na kaming tumatawa ni Xander no'n. Kaso bigla siyang tumigil sa pagtawa. Kaya naman napatingin ako sa kanya.

Seryoso na ang mukha ngayon ni Xander. Anong nangyari?

"Bakit tumigil ka sa pagtawa, Xander?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Where's...your mom?" Medyo kinakabahang tanong niya sa akin. Si mommy ko?

"Ah...sabi niya hintayin ko lang daw siya...kasi ibibili niya daw ako ng favorite kong blue balloon, at binilin niya ako na...lagot! 'Di ko binantayan yung mga pagkain namin! Lagot ako nito! Kailangan nating bumalik sa park, Xander!" Sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

"I-I don't know how to go back there..." hindi niya alam?! Paano yan hindi ko rin alam?! Ano nang mangyayari sa akin?! Sa amin?! Hindi na maubos-ubos ang mga tanong sa isip ko...naguguluhan na ako. A-ano nang gagawin namin?

Nakaramdam na lang ako bigla ng isang kamay sa kaliwang pisngi ko.

"Stop crying, Hannah. Don't cry. Im here, I'll protect you" sabi ni Xander sabay yakap niya sa akin. Patuloy lang ako sa pag-iyak.

"Paano mo ako mapoprotektahan? Eh bata pa lang tayo" umiyak ulit ako. Nawawala ako! Kami! Ano nang mangyayari sa amin? Waaah...hanggang sa maramdaman ko na inaantok na ako. Ipinikit ko na yung mga mata ko, nakakapagod rin palang umiyak.

But before I sleep. I will never forget that moment. The moment he kissed my forehead...it make me feel that im safe. Safe with him.

========================

Sana na enjoy niyo ang first memory ni Hannah^^

Next update will be on...i don't know? XD busy na rin kasi niyan sa school, pero I'll do everything I can to publish its 2nd memory^^

Thanks for reading^^

Nine09

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RememberWhere stories live. Discover now