Prologue

512 6 1
                                    


Sabi nila "ALMOST" is one of the saddest word that ever created. Di ko alam kung kanino ko 'to narinig o kung saan ko nabasa. Pero simula ng marinig ko yan,di na nawala sa isip ko,kumbaga tumatak na.

Recently,may narealize ako regarding that. Nasa coffee shop ako noon. Nagpapalipas oras,nagpapawala ng stress,nagmuni muni hanggang sa sumagi sa isip ko yang "ALMOST" na yan.

Sabi ko,"oo nga no?" At some point medyo nag-agree na nga ko na isa nga yan sa pinaka malungkot na salita na narinig ko.

"ALMOST" sa tagalog, "MUNTIK NA." "ANDUN NA".

Naalala ko dati,I almost won sa geography quiz noong college ako. Kung di lang ako namali sa city code ng Barcelona sana ako yung champion.

I almost got my dream job way back then kaya lang di ako nakapasa sa final interview. Di ko rin alam kung bakit,eh mas mahirap pa nga yung panel interview before that final interview. Di ko alam san ako nagkamali,di ko alam san ako nagkulang.

I almost got married na rin hahaha yes,I was. Pero bata pa ko ha,I'm just 23 years old. Mga nasa 21 ako nung muntik na ko ikasal buti di natuloy. May plans na kami about marriage.Ewan ko siguro dala ng pagiging inlove kaya mapusok sa mga desisyon. Lol. Pero yun nga di natuloy.

I almost moved on pero naudlot kasi bumalik,syempre mahal ko pa kaya ako 'tong si shunga nagpakashunga ulit. Umasa na naman. Hanggang in the end,natanggap ko na lang na doon na magtatapos love story naming dalawa.

Pero sa lahat ng almost ko sa buhay pinaka masakit na yata yung "ALMOST RELATIONSHIP" na pinasok ko. Oo mas masakit pa yan kesa sa "almost marriage" ko. Di ko rin alam kung bakit.

Siguro dahil  hanggang ngayon naka-hang pa? Dahil walang closure? O dahil di naman talaga "relationship" yun para sa kanya? Nasasaktan ba ko kasi di ko matanggap? Nasasaktan ba ko kasi feeling ko iniwan ako sa ere? Di ko alam. Di ko talaga alam. Ang tanging alam ko lang ay nasasaktan ako ngayon. Sobrang sakit.

Dinadaan ko na lang sa positive thinking lahat. Siguro kaya "almost won" lang yung eksena ko nung estudyante ako kasi di para sa akin yun? Mas deserve nung classmate ko yun?

Siguro kaya di natuloy yung marriage ko noon kasi di yung ex boyfriend ko yung para sa akin? Di kami nakasal kasi masyado pa kaming bata?

Di kami nagkabalikan ng ex ko kasi hanggang doon na lang yung love story naming dalawa?

At itong recent lang? Kaya ba kami "almost  in a relationship" lang kasi di pa ito yung tamang panahon para sa aming dalawa?

Eh kung ganon kelan? Ibig sabihin ba nito umasa lang ako? Ano ba yung mga pwede kong panghawakang reason para umasa pa? Kalimutan ko na lang ba at magmove on na lang? Eh bat naman ako magmomove on eh di naman kami nga diba? Ang gulo. Ang gulo gulo. Di ko na alam gagawin ko. Nahihirapan ako.

Siguro paniwalaan ko na lang yung sinasabi nila na "There's a perfect time for everything".


**********


Hellooooooo! Writer E is back! Hahaha buhay pa kami no. Lol. This is my new story,sana suportahan ninyo. Tatapusin ko na to this time dahil inspired ako magsulat. Lol. Ayun,thank you.








ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon