paglabas namin ni Mico sa canteen nakasalubong namin si Bea at Jaira.
. ."oi, Bea. .Jaira, saan kayo pupunta?
. ."oi makee tamang tama papunta kami kay fafa vince naglalaro siya ng soccer. sabi ni bea
. ."alin ba siya dun?tanong ko.
lumingon kaming apat sa kinaroroonan ng mga naglalaro.
. ."basta sumama ka na lang sa amin. . .you'll see! sabi ni jaira na mukang di na makapaghintay sa pagpunta kay fafa vince nila.
. ."ohsya! cgeee na nga.. gusto ko na ring makita yang kinababaliwan nyong dalawa. oi prince, sama ka?
. ."huwag na lang princess. .may dadaanan pa akong books sa library eh..tsaka mukhang pambabae lang yang pupuntahan nyo.haha...
. ."sigeee. . .bye prince.
lumapit sa akin si pince at kiniss ako sa noo.
. ."bye princess.
nakagawian na ni Micong ikiss ako sa noo everytime na maghihiwalay kame..sanay na rin nman ako pati ang mga kaibigan ko kaya hindi namin nilalagyan ng malisya..natural na sweet kasi siya.
. ."anu ba yan!! ang arte mo mico. pakiss kiss pa.ewwww.. nangaasar na sabi ni bea
. ."nakow! if i know selos ka lang kasi gusto mo ikaw ikikiss ko.
. ."aba eh kapal moks rin naman pala itong isang 'to.
. ."nakuuu...tama na yan..mahabang away na naman yan..layas na mico bago ka pa mabatukan ni bea ..awat ni jaira.
pumunta na agad kami sa kinaroroon ng fafa vince nila bea.
. ."alin ba jan yung fafa vince niyo?
. ."ayun oh!! sabay turo dun sa lalaking nakablack.
di ako nakaimik agad nang mamukaan ko kung sino yung lalaking tinuturo nila.
. ."oi makee, tulaley ka jan!..sabay tabig sa akin ni jaira.
.."ha? eh..ano kasi..kilala ko na pala yang vince nyo...i mean nakita ko na pala siya. . .
tinamlayan ko talaga ng boses, baka kasi mapansin nilang interesado ako kay fafa vince nila..
vince pala ang pangalan niya. . .. . .nung lalaking nakabanggaan ko noong nakaraang araw.
ung lalaking sinungitan ako ng katakot takot. . .
ung lalaking kanikanina lang eh katapat ko sa jeep.
pero si Bea mukhang nakahalata pa rin.. panay ang tingin sa akin eh..
tili na tili yung mga babaeng katabi ko.
wew..andame ko palang karibal.. .sa isip isip ko.
pagkatapos ng praktis nila umuwi na rin kame sa boarding house.
sa kwarto ko agad ako tumuloy. . ampagod eh..naglakad kasi kame para tipid..alm mo na mahirap ang buhay ngayon..
humiga agad ako sa kama. . .mamaya maya pumasok sa kwarto ko si Bea.
nakangiti ang bruha..na parang may natuklasang sikreto.
. ."oi anong nginingiti ngiti mo jan?
. ."hmmm..kaw ha, akala mo di ko alam. si vince yung nakabanggaan mo nung nakaraan noh?
. ." eh ano naman sa'yo?
. ."sinasabi ko na nga ba! tama ang iniisip ko nung dinescribe mo siya. .nakow, kunware pa ang lola mo..may pa-di makatulog effect ka pa nga nung isang gabi eh.
. ." nagkataon lang yun noh
. ." kunwari ka pa. .tayp mo rin naman pala si fafa vince namin eh.
. ."oi di ko naman alam ma c fafa vince nyo un noh. .di ko naman kayo aagawan dun.
. ." haha..tange, di naman kami magagalit. .gusto mo tulungan ka pa namin?
. ."wag na noh! crush ko lang naman yun! di pa love.
. ."oh sige ikaw may sabi niyan..hahahaha. sige maglalaba muna ako.. . *sabay wink
eto talagang kaibigan ko..lakas ng pakiramdam..hayss..makatulog na nga lang.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
6 pm
Maakkeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!! sisigaw na tawag sakin ni Bea.
hayssss ano ba yan?!!! natutulog yung tao dito sigaw ka ng sigaw jan!!!
maakkeeee!! nakuha ko nayung number ni vince!!!..eto oh!! iteks mo na dali!
oh? teka teka..bakit ako ang magteteks?. .kukunin kunin mo jan tapos ako aabalahin mo!
denial ka talaga..kunwari pang ayaw..sabi ni Bea sabay batok sa ulo ko.
arraayyyyyy naman!!..aba..baka kung ano pa sabihin niyan noh! baka sabihin niya dead na dead ako sa kanya..
iteteks mo lang naman eh.. .kung ayaw mo di wag..ako ang magteteks sa kanya.. .sabay tayo niya sa kama ko para lumabas ng kwarto ko.
oi!! oi Bea..saglit..akina!! ..ako na magteteks...
kaw talaga..kunwari ka pa!!..naku. .ang gaganda ng magiging anak niyo pagnagkataon.! haha
kaw talaga bea! itetext pa lang anak agad nasa isip mo!
mabuti na yung advance di ba? tsaka pasalamat ka..pinapaubaya ko sa'yo si fafa vince kahit na crush na crush ko siya..mas bagay kasi kayo kesa sa amin.
ang sabihin mo kasi taken ka na!!!
ay basta! akong bahala friend!. .magiging kayo niyan! trust me!
di naman ako papatulan niyan eh. . .sa gwapo niyan di malabong may girl friend na yun.
ang nega mo!! kainis ka..!!.sayang nga eh..nakahide yung facebook account niya ..di ko tuloy makita kung in a relationship ba siya o hindi.. isang linggo na yung request ko pero di pa rin niya kinoconfirm..wala naman siyang twitter.sayang ifofollow ko sana.
malay mo di pa siya nag-oonline ulit. . .tingnan kaya natin?
sige sige. .. sabay kuha niya yung laptop ko.
ayos talaga 'to. .laptop ko pa ginamit. .sa isip isip ko.
wait ha.. itatyp ko yung name niya. . . Daniel Vince Aragon.
grabe 'tong kaibigan ko buong pangalan ni vince alam na alam. .sa isip isip ko ulit.
ang gwapo niya sa DP niya noh? sabi ko.
sinabi mo pa.. oi makee check this out.. tatay niya si Alfonso Aragon III. .sabi ni Bea na titig na titig sa screen.
oo nga noh..mayaman pala siya..Di ba yun yung may-ari ng Aragon Corporation?
oo, di lang siya mayaman..bilyonaryo pa!..Biruin mo Aragon Corporation!! gosh!! jaxkpot ka jan makee!
naku..anong say ko naman jan..baka ipot lang tingin sa akin nun..BTW, bakit kaya siya nagtransfer sa school natin eh mayaman naman pala siya?
maganda naman school natin ahh!!
ang ibig kong sabihin di ba yung anak nung mga mayayaman sa Ateneo o kaya naman eh sa La salle nag-aaral?
hmmm..oo nga noh!.yan ang aalamin natin. .
hmmm...ang pakialamera naman natin kapag pati yun aalamin pa natin.
hindi man yun makee..ano ka ba? curious lang naman tayo di ba?
..haha..oo sige na!!..bukas na natin ipagpatuloy yan.. baka di pa nagsasaing sila jaira.
naku..ang lola jaira mo..may kadate..umalis yun kaninang alas singko .siya pa naman ang tuka sa pagluto ngayon kaya si ate alyssa na muna nagluto.
ha?? sino na namang kadate nun?
di ko rin kilala eh. .pero mukang mayaman din..nakasakay sa kotse eh.
hmmmm...imbistigahan natin yan mare! * sabay naghigh five kaming dalawa.
