Chapter 21:

4.3K 73 0
                                    

Daisy P.O.V

Makalipas ang ilang araw....

      Maaga akong nagising dahil ginising ako ni Nag Marta , muntik ko na namang makalimutan na nagtatrabaho na nga pala ako sa canteen, buti na lang ay di nakakalimutan ni Nay Marta na gisingin ako araw araw. Feeling ko tuloy pabigat ako sakanya, pero sabi niya sakin ay wag ko daw isipin na pabigat ako dahil anak na din ang turing niya sakin. Napaka swerte ko talaga kay Nay Marta.

Nanay Marta P.O.V

          Ilang araw na ang nakakalipas simula ng makilala ko si Daisy. Napaka gaan ng loob ko sa batang yan, yung anak ko kase pinapadalhan na lang ako dahil nasa manila siya at naka-pangasawa ng mayaman tapos iyun feeling ko nga nakalimutan niya na ko eh dahil di niya na ko binibisita.

Nandito ako ngayon sa terminal at kumakain ng tanghalian.

"Marta kamusta na nga pala yung alaga mo? Sino ulit yun?" tanong ni Cardo kasamahan kong nagtitinda dito sa terminal.

" Ah si Daisy. Ayun nagtatrabaho kay Mareng Maria.". simpleng sagot ko sakanya.

" Ano bang nagtulak sayo para kupkupin yung bata na yun?"

" Basta nung nakita ko siya ang gaan lang ng loob ko sakanya. At naawa rin ako dahil buntis nga at baka kung ano pang mangyari dito sa probinsya natin, magandang babae pa man din."

" ay oo Marta buti at naisip mo agad yun."

" eh yung anak mong babae, nasaan na nga pala yun? Antagal ko na siyang nakikita ah?"

"Si Jane? Muka ngang nakalimutan na ko ng anak ko, ilang buwan na rin syang hindi nagpapadala eh. Kamusta na kaya yun."

"Alam mo ba ang numero niya? Heto tawagan mo."

    Sabay abot niya sakin buti na lang at lagi kong dala ang papel kung saan nakasulat ang numero ni Jane.
  Sana naman sagutin niya tawag ko.

***

Sorry po kung maiksi yung update ko. Medyo busy lang po. Sorry talaga.

My Monster HusbandWhere stories live. Discover now