Cassandra
Kahit nanlalabo ang aking mga mata ay patuloy pa rin akong tumatakbo. Patuloy pa rin ako sa pag takas. Patuloy ko pa rin ibinubulong sa sarili ko na isa lang itong masamang panaginip. At kailangan ko nang gumising mula sa bangungot na to. Punong puno na ng sugat ang mga binti at braso ko ngunit pinipilit kong ignorahin ang sakit na dulot nito at pilit na iniisip na parte lang ito ng bangungot.
" Mommy..." iyak ko ng akoy tuluyan ng nadapa at nahihirapan ng bumangon. Humagulhol ako napakuyumot sa maputik na sahig.
"HANAPIN NIYO! NASA MALAPIT LANG IYON! WALA TAYONG ITITIRANG BUHAY!" Sigaw ng kunsino mula sa malayo.
"Anak... Tumayo ka na diyaan mauna ka nang tumakbo lilituhin ko sila. Kailangan na nating maka alis dito."
"Mommy ayoko po natatakot po ako ayaw kitang iwan , mommy. Hindi ko na din po kayang tumakbo." Naiiyak na sabi ko habang itinatayo ako ni mommy.
Hinawakan nito ang pisngi ko at tinitigan ako sa mga mata. "Kakayanin mo anak. Para kay nanay. Kakayanin mo." Matatag na sabi nito at tiwalang tiwala na mang yayari nga iyon.
May lumabas na mga luha mula sa mata niya at mahugpit akong niyakap. "Mauna ka na susunod si mommy. Lumayo ka dito sa lugar na to. Hahanapin ka ni mommy. Mag kikita tayong muli." Matatag na sabi nito at saka ako hinagkan sa noo.
" Mommy..."
"Go. Anak. Hahanapin ka ni mommy." Sabi ni mommy tsaka ako itinulak palayo." Mag iingat ka nag iisa kang prinsesa namin ng iyong ama. I love you Cassandra, My daughter." Sabi nito ng may inilabas na baril mula sa likod niya.
"I love you too, mommy. " Kahit labag sa loob ko ay na palitan akong tumakbo.
.....
Tumakbo lang ako ng tumakbo at hindi pinansin ang mga nadadaanan ko basta makalayo lang ako, yun lang ang nasa isip ko. Nasa kasaysayan pa ako ng pag takbo ng may biglang humila sa buhok ko.
"HULI KA!" Sigaw ng mama na siyang humila sa buhok ko. Takot na nag titili ako at nag pupumiglas. Agad niya akong sinakal gamit ang isang braso niya.
"Itigil mo na yan bata. Hindi ka na makakawala. Mag kikita na rin kayo ng ina mo. Magiging isang malamig na bangkay ka na rin!"
Natigilan ako sa narinig ko para akong binuhusan ng tubig at nagising sa pag kakahimbing.
"No! Hindi pa patay ang mommy ko!" Sigaw ko at lalo pang nag pumiglas, babalikan ko si mommy!
"Patay na siya!" Pasigaw na pang aasar nito.
"Hey fugly! Put her down!" Sigaw ng isang maliit na boses. Agad kaming na patingin sa batang may hawak na bairil at naka tutok ito saamin ng matabang mama.
" Hah! Isang bata? Bata umalis ka na dito at dalhin mo na iyang baril barilan mo at umuwi ka na kung ayaw mo pang madamay." Pang tataboy ng mama sa bata. Napapikit ako ng mag paputok ang bata. Napaka lakas ng tunog niyon at nabitawan ako ng matabang matanda.
Agad naman akong gumapang palayo. Natamaan pala ang matanda sa bandang hita.
" Huh. Do you think I am just playing? I know how to use what I put my hands into." Pag mamayabang ng bata.
Plano pa sana siyang barilin ng matanda pero unanahan niya na ito. Napikit ako at napa takip sa tenga.
" Come here little girl." Baling nito sakin nag aalinlangan man ay mas minabuti ko nang lumapit sa kanya.
" Here use this to protect your self. In this kind of world only weaks is the only dejected ones." Sabi nito at nakangiting inabit saakin ang baril na hawak niya. Pilit niyang pinahawak to sakin. At pinulot niya ang baril ng matanda. " Kalabitin mo lang ang gantsilyo kapag gagamitin mo yan. Wala na tayong oras mag tsikahan dahil sigurado narinig na nila ang mga putok ng baril galing dito. And buhay pa ang nanay mo. Consider your second life as a gift little girl. And take care of it." Maka-little girl to mas matangkad nga ako sa kanya.
"And once you think that you can protect your self without that gun then return it to me in the future. Run to the west ill cover for you here. See you when I see you!" Sabi nito at tinalikuran na ako. Nag lakad siya sa pinanggalingan ko.
"W-wait. May I know your name?" Nauutal na tanong ko. Napatigil ito sa pag lalakad. Narinig ko pa ang mahinang oav tawa ng bata.
"They call me Shell but in the near future my identity will be called 'Mask' . Take care Milady."
....
I instantly grabbed my pillow when I woked up from the dream of my past. I searched for the gun under my pillow and hugged it when I found it lying there. And cried myself again.
" Mom... Shell..." I cried.
I brush my fingers through the craved word of the gun that says..,
"Mortem"
....