Chapter 63: Plan

2.8K 56 3
                                    

Bryan's POV

Pinunasan ko yung mansanas sa tshirt na suot ko bago ko ito kinagatan. Nandito kami ngayon sa bahay. Rest day daw namin ngayon sabi ni Manager eh kaya hindi kami pwedeng lumabas ng bahay!! Tch! Ni hindi ko man lang mapupuntahan yung baby ko -3-

Pumunta ako sa sala at tumabi kay Jimin na nanonood ng TV. Ay hindi pala!! Tulala pala yung mokong at hindi nanonood ng TV!! Kanina pa siya ganyan! May problema na naman ba siya?!

"Hoy pandak!" Tapik ko. Parang natauhan naman siya dahil sa ginawa ko ..

"Ha? Ah bakit Hyung?" Natatarantang tanong niya.. nangunot naman ang noo ko dahil sa pagkataranta niya ..

Seriously? Ano na naman kaya ang problema ng isang to?! 

"Okay ka lang? Muntanga ka jan eh!" Sabi ko sabay kagat sa mansanas na hawak ko ..

Hindi siya nagsalita.. imbes ay tumingin na lang siya ulit sa TV at parang natulala na naman!!

Ay grabe!! Deadma?! Tch! Malala ang problema ng isang to!!

Hindi ko na lang siya inintindi at inagaw na lang yung remote sakanya .. anong oras na ba? Baka nakalagpas na yung Horse race na pinapanood ko!! Ganda pa naman nun!!

"Ang sakit ng katawan ko!!" Napatingin ako sa biglang nagsalita.. at nakita ko nga yung kamyembro kong kulang kulang na pagewang gewang papunta sa direksyon namin!!

"Grabe!! Parang sasabog ang mga ugat ko!" Sabi pa niya at sumalampak ng upo sa single sofa na nasa gilid lang ng inuupuan namin ..

"Mamamatay ka na ba?" Pangaasar ko sakanya kaya isang masamang tingin ang binigay niya saakin .. I just chuckled at dinilaan siya .. mukha siyang wasted eh haha!!

"Oh Leader? Saan ka nanggaling?" Napatingin ako sa may pintuan dahil sa sinabi ni Yoongi na siyang kakababa rin lang sa hagdan..

At nakita ko nga si Namjoon na kakapasok pa lang sa bahay. Same clothes as yesterday! Gulo gulo ang buhok at parang pinagsakluban ng langit at lupa sa itim ng eyebugs niya!! Grabe ah!! San ba nanggaling ang taong to at mas wasted pa siyang tingnan kaysa kay Taehyung!!

"Leader? Bat ganyan itsura mo?" Tanong ko naman.. pero katulad kanina ay hindi siya umimik.. dirediretso lang siya sa taas. Narinig pa namin ang kalabog ng pintuan niya..

Okay? Anong nangyari dun? May problema din ba yun kagaya ni pandak?!

Napailing iling na lang ako at sinunggaban yung mansanas ko. Nakakaewan ang mga tao ngayon!! Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mga mukha eh!! Hay! Di ba nila alam na nakakabawas ng kagwapuhan yun?! Tss tss tss!! Kaya ang papangit na nila eh!! Hindi gumaya saakin na chill lang at walang pinoproblema!! Kaya tingnan niyo at naguumapaw parin ang kagwapuhan ko!! Nyahaha 😝

Itinuon ko na lang ulit ang paningin ko sa pinapanood ko at hindi na muling nagsalita pa .. bahala sila jan!! May problema sila? Pwes ako wala!! Nyaha!!

"Hyung!"

Lahat kami -pati si Jimin na parang nabalik sa realidad!- ay napatingin sa sumigaw!

And there we saw Jungkook na bumababa sa hagdan habang hawak hawak ang cellphone niya.. gulo gulo pa ang buhok niya pero parang kanina pa siya gising!! Kasunod naman niya si Jin Hyung na humihikab pa na bumababa..

"Sinong tinatawag mo Jungkook?" Tanong ni Taehyung sakanya habang nakakunot ang noo ..

Oo nga naman!! Lahat nga naman kami ay Hyung ni Jungkook!! Aish! Minsan bobo rin tong maknae namin eh -___-

"Kayong lahat .. may itatanong lang ako .." sagot naman ni Jungkook at naupo sa isang single sofa .. sumunod naman sakanya si Jin Hyung at nanatiling nakatayo lang sa gilid ni Taehyung .. si Yoongi Hyung naman ay walang paki na nakahilata lang sa isang beanie bag ..

My DreamBoy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon