"ANG HAROT MO!"
.......'yan lang ang nasabi ni Tsukoy sa'kin nu'ng sabihin ko sa kanya na may crush ako. Si Tsukoy ay isang matalik na kaibigan na isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko kahit papaano. Top secret'to pero sinabi ko sakanya. Ang gaan gaan ng loob ko sakanya. Siya nga ang madalas kong kasamang kumain, maglibot , at mag-aral. Pero'wag kang kiligin, hindi siya ang crush ko. At hindi kami talo nito.
Anyway highway, siya si Angel. Sa araw araw na pagsasama namin sa loob ng classroom nabuo ang lihim na pagtingin ko sakanya. Oo magkaklasi kami. Hindi ko nga akalain na siya'y magiging espesyal na babae sa buhay ko. Simple lang siya, walang arte sa katawan. Pero ang ganda niya. Sobra. Hindi siya yung timpo na babae na parang farmville na ang mukha at dahil sa sobrang kapal ng kolorete niya, pwede ka nang magtanim. O di kaya nama'y dinaig pa si Drakula sa paglagay ng eyeliner at pwede pa ang pansalok ng rice ang eyelashes sa sobrang haba.
Sobrang simple n'ya. Kaya nga siguro nahulog ang loob ko sakanya. Para siyang sarsarap na nagbibigay lasa sa kanin ko at magic sarap sa ulam ko.
SHE ADDS SPICE TO MY LIFE (english lang daw o!)
.SHE IS REALLY AN ANGEL.❤️
Ako naman si Tim, ang lalaking may SUPER lihim na pagtingin sa ANGEL KO. 'Wag niyo nang itanong kung sino ako. Basta gwapo daw ako. Lalo na 'pag BROWN OUT=__="
Nagsimula ang lahat ng gumawa kami ng project na kami lang dalawa. Sinumpung kasi ng KATAMARAN ang mga groupmates namin. 'Yun, mas naging malapit kami sa isa't is. Lagi na kaming magkatext. CHEESY! Nga namin e,..
Pero dati yun, Iba na kasi ngayon.
Araw-araw di ako nagmimintis na nagpapadala ng text sakanya. Kung susumahin, ,malulugi ang network pro-vider ko sakin.(sulit ang unli oy!). Pero sa milyun-milyong text na ipinapadala ko sakanya, minsan lang siya mag replay.
Minsan "HI" nga lang. Pero masaya na ko dun.
Madalas niyang dahilan, WALANG LOAD o kung meron man , NAKAIMMORTAL TEXT naman siya. Kainis na ang IMMORTAL na'yan, minsan gusto ko ng JIMBANGIN NG BONGGANG BONGGA ! Ang nakaisip ng odeyang yun e, kagaya ng nararamdaman ko sa nakaimbentong ALGEBRA!. Dati kasi, lagi siyang unli.
Pero ngayon IMMORTAL nalang. TSK!. Kaasar. Minsan tinext niya ko, nag-aya siyang manuod ng kung ano . Ayun, pumunta naman ako.
Pag dating ko dun,tinext ku sya kung nasaan na siya e di naman nag replay nun. Nanuod tuloy akong mag-isa. Per OK LANG NOH!. Naiintindihan ko naman e. Piso lang kasi talaga ang halaga ko.(haha! Bitter daw!)
Ganun ako araw-araw. Pasulyap sulyap kunwari. Pinipiktsiran ko siya palagi . Oo mahilig ako sa photography.madalas, siya ang subject ko . Nahuli ko nga siya minsan, nanunundot. Oo, nanunundo. Kinakalikot niya ang ILONG niya =_= habang nag kaklasi kami sa Econ. Tapos after niyang makagawa ng half-centimoter in diameter na Christmas clay ball, pasimple niyang dinikit sa buhok ng katabi niya. E kulot pa'man,yun kaya ang daling dumikit. Parang Christmas garland na may clay na ball. HAHA!. Mahilig talaga akong kumuha ng stolen picture niya. Pero uy! Hindi totoo yung sinabi ko tungkol sa kulangot!. Chena lang ba. Pampahaba, ganun.
Madalas kong dinadaan sa biro ang nararamdaman ko. Ang korni kasi kung mag papaka emo ako. Masagwa, PROMISE=_=". Mahal ko siya, yun ang alam ko. At hindi niya yun malalaman. Wala talagaa kong balak na ipaalam saknya to. Baka kasi yung pagsasama namin araw-araw, yung pasimpleng pag tabi ko sakanya, kunwaring aksidenteng pag kahawak saknya di niya alam sinasadya talagang paghawak sa kamay niya, pag sama sa lakad niya, mga kwentuhan. Ang sarap niya kasing kausap kahit wla namang kwenta ang usapan niyo yung ganun ba..
Baka kasi lahat ng mga simpleng bagay na'to na nagbibigay ng kahit kaunti man laman na kasiyahan sa aking puso ay biglang bawiinat maglaho na lang na parang bula=_="..
(O', diba?? Ang sagwa pag nag-emote ako! Iw! Bikti na !) Pero totoo naman diba?!
Masaya nako sa ganito, ayos na rin sa kin yung ganito. Sabi nung isang tall, dark ang happy na kaibigan ko, hope-less romantic daw ako. Weh....'dinga?...
Pero ok lang na hindi niya'ko mahal. Mahal ko naman siya ee.:)
T
H
E
E
N
D !
Tnx for reading my work:)
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .