Alam Ko

19 6 0
                                    


Title: Alam Ko (One Shot)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Title: Alam Ko (One Shot)

.

"Norry, pwede ko bang sabihin sa'yo problema ko? Hindi ko na kasi kayang dalhin na mag-isa." Sabi niya habang umiiyak. 


Naririto kami ngayon sa labas ng room namin sa paaralan, nakaupo sa isa sa mga bench dito. Kanina pa uwian pero hanggan ngayon ay nandito parin kami. 


Ito siya umiiyak dahil sa kaniyang problema, kahit hindi naman niya sabihin  kung ano yung problema niya, alam ko rin naman. Pero alam ko nahihirapan na siya ngayon sa kalagayan niya. 

"Oh, sige ganito na lang." Sabi ko at ngumiti ako sa kaniya, kahit na umiiyak siya. Nakatitig lamang siya sa akin at hinihintay ang sa sasabihin ko.

"Ako na lang ang magkukwento." Nakita ko yung pagkunot ng noo niya na nagtataka. Iniisip na siguro kung ano na naman ang pinagsasabi ko. Lagi  naman siyang ganiyan kapag kausap ko, laging hindi naiintindihan ang mga gusto kong ipahiwatig, kaya ngayon ano nangyari?, umiiyak siya, hindi kasi nakikinig sa'kin! Pero wala na, ito na nga, wala ng magagawa kung hindi harapin kung ano yung nangyari.


"Ito na magkukwento na 'ko. Hmm saan ko ba sisimulan." sabay tawa ko. Na mukhang kinainis niya.

"Naman eh! akala ko ba may ikukwento ka, yun pala iniisip mo pa lang! kainis ka." natawa tuloy ako, habang pinupunasan niya ang mga luha sa kaniyang pisngi, ito na naman siya ang isip bata magreklamo. 


"Ito na nga, Sisimulan natin sa... sa huling bahagi ang kwento." 

"Ano?! bakit sa dulo? Baka kaweirduhan na naman 'yan, hindi na ko makikinig. Ako na lang ang pakinggan mo." sabi niya. Alam ko na ganoon ang magiging reaksyon niya. Hindi siya makikinig. 

Pero ito ako nagpapatuloy sa pagsasalita kaya tumahimik na siya at nagmukmok, pero nakikinig sa kwento ko. " Kaya sa dulo tayo magsisimula para malaman mo kung ano ba iyong kahihinatnan ng bida sa kwento ko, kapag kasi sa una ako nagsimula baka hindi na matapos, kaya ito, Makinig ka na lang ng mabuti."

"Opo Norry." Halatang wala talaga siyang balak makinig pero dahil kaibigan-- matalik na kaibigan niya 'ko, kailangan niya akong suportahan.

"Okay, may isang babaeng masaya, laging nakatawa. Kahit kailan ay hindi siya nakitang malungkot ng mga kaibigan niya. Pero yung bida nating babae totoong masaya siya pero hindi parin nawawala yung lungkot sa kaniya. Ang ibigsabihin. itinatago niya yung nararamdaman niya, kasi ayaw niyang madamay pa yung mga kaibigan niya sa lungkot na nararamdaman niya, kaya mas inisip na lang niyang itago ito. Kapag siya na lang mag-isa bigla na lamang tumutulo ang mga luha niya, na hindi namamalayan. Inisip niya na kung ganito ang situwasyon ng lahat magiging maayos din ang kalagayan niya at ng mga kaibigan niya, na mas mahalaga ang nararamdaman ng mga kaibigan niya, kaysa sa sarili niyang kalungkutan. Dahil din may mga problema rin ang mga kaibigan niya ay 'yun din ang naging dahilan upang 'wag na niyang isipin ang sarili niyang kalungkutan, bagkus ay tinulungan niya silang makawala sa lungkot at problema..."

Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipagpatuloy yung kwento ko, dahil ito na naman siya umiiyak at sa tingin ko hindi ko na ito mapapatahan. Tama ba 'tong ginagawa ko? na ikwento ko sa kaniya ang ganitong pangyayari na alam ko, alam na rin niya ang patutunguhan at kung sino yung babaeng bida sa kwento ko. Napangiti ako ng mapakla, mali ako. Mali ang desisyon kong sabihin sa kaniya ang nalalaman ko. Hindi niya alam na sa bawat ginagawa niya, sa bawat luha niya, at sa bawat araw na masaya siya ay 'lagi lang akong naroroon, nasa malayo nakatingin-- nakamasid.' 

Hindi ako masamang tao na may gagawin na masama sa kaniya. Wala rin talaga akong dahilan talaga para malaman ang lahat ng 'yun. Hindi ko lang talaga alam kung bakit gusto ng tadhana na mangyari ang lahat ng ito at makita ko ang lahat. Makita ang lahat na nangyayari sa kaniya, mga pangyayari na hindi ko dapat masaksihan. Mga lihim na dapat ay walang makaalam. 

Oo, siya ang bida sa kwento ko, ang babaeng masaya at tumatawa sa harap ng mga mga kaibigan niya, ngunit kapag siya na lamang mag-isa saka lalabas ang kaniyang mga luha. Luha ng kalungkutan at sakit.





End.


********

C:

Salamat sa pagbabasa ng One Shot.:) anong masasabi mo sa kwento ni Norry? anong naramdaman mo? comment mo lang.:)

Alam KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon