Mahigit isang linggo na kitang di nasisilayan
At sa twina’y gusto kitang palaging mamasdan
Subalit sarili ko’y aking pinipigilan
At ako’y nakukuntento na lamang sa pagsilay sa iyong larawan.
Ayoko kasing ipadama sayo kung gaano kita kamahal
Sapagka’t sa wari ko’y ako’y nagiging hangal
At alam kong ang pag-ibig kong ito’y sadyang bawal
Kaya’t isasantabi ko muna itong aking pagmamahal.
Pero bakit ganoon hindi ka mawala sa isipan?
At sa twina’y hinahanap-hanap ng puso ko buhat sa kawalan
Oh! bakit ang isang tulad mo’y kayhirap kalimutan?
Marahil dala narin siguro ng ating mga pinagsamahan.
Naaalala ko pa ang mga sandaling kapiling kita
Habang tayo’y namamasyal sa MOA sa tuwing tayo’y nagkikita
Oh! kaysarap talagang gunitain ang aking pagsinta
Kahit na patuloy na nasasakatan ang abang puso ko dahil manhid ka sa lahat ng aking ipinapakita.
Salamat sa mga alaala mo
Salamat dahil nakilala ko ang isang tulad mo
Salamat at napalapit ako sayo
Kahit na alam kong…Hanggang Dito Na Lang…tayo.