Chapter 36

254K 11.9K 765
                                    

Chapter 36


Pinilit ko ang sarili kong magmukhang masaya habang nagaganap ang maliit na pagdiriwang, sinikap kong tumawa at makipag biruan sa mga kapatid kong sumasayaw na may kasamang apoy habang nanunuod ang hindi birong bilang ng mga babaeng bampira.

Sa kabila ng mga tawa at pagngiti ko, kahit saglit ay hindi nawala sa isipan ko si Adam at ang mga salitang sinabi sa akin ni Claret. I want to kill Clifford for what he did. Sigurado akong alam na ni Adam na may ibang lalaking nakahalik sa aking mga labi.

Damn, I wanted to tell him how sorry I am. Gusto kong sabihin sa kanyang hindi ko ginusto ang mga nangyari. Adam. At sa susunod na muli kaming magkikita kukumbinsihin ko na siyang isama ako, sasabihin ko sa kanyang mas pipiliin ko na lamang lumayo kasama siya habang hinahabol ng dalawang lahi kaysa ikasal sa lalaking hindi ko mahal.

Hindi ako maaaring maikasal kay Orion at lalong lalo na kay Clifford. Kissing him can make Adam spill his own blood what more if this demonic Clifford forced me to mate with him? Fvck! Magpapakamatay na lamang ako.

Sinabi ko sa kanilang pipili na ako matapos ang pagdiriwang na magaganap ngayon pero sinabi ko lamang ito para linlangin sila. I want to run away at wala na akong pakialam kung hindi ako abutin ng linggo o buwan na nananatiling buhay. I can't accept the idea that my mate's death was because of my forced wedding.

I'll die running.


Lumipas ang ilang araw, dumating na ang pinaka inaabangan ng lahat ng mamamayan ng Parsua Sartorias. Ito ang araw kung kailan binubuksan ang palasyo para sa mga mamamayan ng Sartorias, maharlika man o hindi. Ito ang pagkakataon kung kailan lahat kaming mga Gazellian ay bukas para makipag halubilo sa mga bampirang ilang daang taon kaming hinahangaan.

Kasalukuyan na akong nasa labas ng palasyo, malapad akong ngumingiti sa mga mamamayang nakakasalubong ko. May mga lumalapit pero karamihan sa kanila ay nag aalinlangan. May mga nakausap na akong matatanda, ilang mga kalalakihan at ngayon naman ay mga dalagita.


"Come here.." pinili kong maupo sa isang libreng upuan habang pinapalapit ko ang ilang mga kabataang babae na kanina pang gustong lumapit sa akin. Nagkakatulakan pa sila kung sino ang mauunang humakbang, napabuntong hininga na lang ako. Ginamit ko ang kapangyarihan ko at ako na mismo ang naglapit sa kanila sa akin.


"Mahal na prinsesa.." tumango sa akin ang apat na babaeng bampira. Kapwa sila hindi makatingin sa aking mga mata.


"Papaano tayo makakapag usap niyan kung nakayuko kayo sa akin? You can look at me straight. Maaaring maupo rin ang ilan sa inyo.." dahil may kahabaan ang upuan nagbigay ako ng espasyo para sa kanila.


"Maupo kayo.." hindi na nila ako pinaulit sa sinabi ko dahil naupo na ang ilan sa kanila.


"So? May mga gusto ba kayong itanong sa akin?" nag aalinlangan pa rin sila kung sasalubungin nila ang aking mga mata o hindi. Ganito rin ang naranasan ko sa grupo ng mga lalaking bampira kanina.


"Hindi ba ako maganda? Bakit hindi nyo magawang tingnan ang mukha ko?" tanong ko sa mga ito. Wala kaming mapapag usapan kung mananatili silang mga ganito.


"Hindi po! Mahal na prinsesa.." halos sabay na sagot nila sa akin.


His Howling Voice (Gazellian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon