Truth Hurts

336 20 4
                                    

Posible bang mawala na lang lahat bigla? Sa isang iglap, maglaho na lang na parang bula. Sa isang pagkakataon, natapon na lahat ng pagsasama. Sa isang araw, magigising kang wala na..

We've been in a relationship for about two years and ten months. Ang tagal na namin kung tutuusin. You may think that we have the perfect relationship but, of course just like other couples, we didn't. Wala naman relasyong smooth at suave lang. Relationships have its ups and downs. You both need to have the courage to endure it, together. Pero bakit ngayon, kung kailan naman tumagal na tayo, 'saka tayo magkakalabo labo?

Sparks? Yes, we both knew that it will only be exciting at first. Masasanay at masasanay ka rin sa mga pakilig kilig. But not to the point na, as in, wala na talaga. Like us..

It's our monthsary but you haven't texted me anything sweet yet, or even greet me on our special day. Pangalawang beses mo na bang nakalimutan?

"May nakakalimutan ka ata ngayon, Andre." You seemed bothered, occupied and absent minded.

"Ha?" I heaved out a sigh. Hindi ka nakikinig sakin kahit magkatabi lang tayo. I shrugged it off. Maybe, it's okay for you to forget this day. Baka siguro nalimutan mo lang talaga kasi pagod ka rin sa trabaho mo.

We held hands. Or should I say, I held yours. Ako na nag initiate dahil parang wala kang planong hawakan ang kamay ko. You didn't seem to care. Oh, okay.

"Masaya ka ba na kasama mo ako ngayon? Na nagkita tayo?" I asked, trying to catch your attention from looking afar.

"Ano bang tanong 'yan, Joanna?"

"Gusto mo ba talaga ako makasama?" I know, ramdam ko iyong pagbusangot ng mukha ko. I can feel the frown plastered on my face. Mukha na naman akong tanga.

"Hindi sana ako nandito kung ayaw ko." Tipid mong sagot. But I can feel the coldness, emptiness even you are here beside me. I can't honestly feel the warmth on your palm. I felt unloved.

Malayo pa rin ang tingin mo. Bakit hindi ako ang nasa mga mata mo? Dati, ayaw mong nawawala ako sa paningin mo pero ngayon, halos di mo ako tinitignan.

Nagyaya kang umuwi. Ganun ganun na lang? Hindi mo ba naramdamang nagtatampo ako? Hindi mo ba nakuhang gusto kong lambingin mo naman ako? Hindi ba pwedeng ako muna ngayong araw? Sa akin ka muna ngayon dahil pag umuwi na tayo, trabaho na naman ang mauuna sa listahan mo. Sana ako naman muna. Sana ako pa rin ang una. Sana, di na lang ito awa.

Pagkababa ng sasakyan, ni hindi mo man lang ako pinagbuksan ng pinto. Hindi ka man lang humawak sa kamay ko at sabihing mag ingat ako. Hindi mo man lang ako hinalikan sa pisngi at noo gaya nang ginagawa mo. Nasaan na? Nasaan na nga ba ako? Mayroon pa rin bang tayo?

Bumaba ako at saka ka humarurot pag alis. Tinext na lang kita na mag ingat ka. Binura ko na rin yung dapat ay nasa huling parte ng mensahe ko, Mahal kita.

Gusto ko ulit marinig mula sayo na...

...mahal mo ako,
na hindi mo ako iiwan,
na hindi mo ako ipagpapalit

...na walang magbabago.

Pero heto tayo, unti - unting lumalabo. Unti - unting lumalayo. Unti - unting pinipilit na kaya pa. Unti - unting naniniwala na may pag ibig pa...

Kahit unti - unti na ring nawawala.



Mahal, sana kung ayaw mo na, sabihan mo ako. Sana kung di mo na kaya, wag kang maawa. Sana kung wala na, wag mo na ipilit dahil lang sa gusto ko. I deserve the truth - even it will wreck me or any part of my body. Alam mo naman ang magic word 'di ba? Sabihin mo lang 'yun tapos wala na, ayawan na. Wag mo na patagalin kung heto talaga ang nararamdaman ng puso mo. Ayos lang. Lies can comfort me in a such a long time but Truth can hurt me once.





Hindi na kita mahal. Kahit gaano pa 'yan kasakit marinig, Promise! sa buhay mo, hindi na rin ako magtatagal.

End. ʿ₯ʾ

• • DEI's corner • •
Alert: impromptu typing.
Hi nga pala sa nagsuggest ng name. Thank you so much for helping me out. For those who wants to suggest, my message board and profile is freely open for you to post something. I would like to read those. Thank you for reading mi amore! ❤️😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Truth Hurts -- ʿ₯ʾTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon