Chapter Seventeen

75.3K 1.3K 192
                                    

Nilibot ko ang tingin ko sa buong bahay na ito. Nakakatawang isipin na bumalik na naman ako sa lugar kung saan hindi naman ako nagtagal.

"You'll be staying in my room." Walang kagatol-gatol na sabi niya sa akin. Nagawa pa nga niyang ngumiti dahilan kung bakit napairap ako sa kanya. "I'll just finish some of my documents and then I'm gonna drive you to the set. May shooting ka mamayang hapon diba?" Napakunot ako ng noo. Paano niya nalaman?

"Got your sched love." At may papel pa siyang itinaas bago ako halikan sa noo.

"Okay..." Nagkibit ako ng balikat na tila wala lang sa akin ang ginawa niya. Kinilig ako pero hindi ko yun hahayaang makita niya, para saan pa at naging artista ako.

Naligo muna ako habang hinihintay ko siyang matapos sa kung ano mang ginagawa niya. Tinext ko rin si Kaye na wag nang mag-abala pang ipasundo ako kay manong dahil si Allain ang maghahatid sa akin sa set.

I also texted Gale na magkita kami this coming Saturday. We're both busy, siya nag-aaral samantalang ako naman ay sa career ko. I'm taking online classes, I still have modules with me na hindi ko pa tapos basahin dahil hindi pa lumuluwag ang schedule ko.

"Let's go?" Tumango lamang ako kay Allain. He's wearing a paired red suit with black shirt underneath.

"May meeting ka?" I asked out of curiosity

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"May meeting ka?" I asked out of curiosity. Akala ko kasi ay mag-stay siya sa set, hindi naman pala.

Kinuha niya ang dala kong shoulder bag, at tsaka hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam na may tatlo siyang bodyguard na isasama ngayon at isa pang driver. I still have one bodyguard, pero hindi na iyon si Ford.

Ford is busy with his work. Hindi na kami masyadong nagkikita dahil sa company lang din naman siya ni Allain nagtratrabaho, mga panahong ayokong makita si Allain.

"Meron, pero ako pa rin ang susundo sayo. I just need my bodyguards today because I'm closing a deal from a foreign investor." Tumango ako, kahit hindi ko masyadong naiintindihan ang tinutukoy niya.

"Okay." Napanguso lamang ako.

Pinagbuksan kami ng pinto ng kanyang sasakyan ng isa sa kanyang bodyguard. Napansin ko pa ang titig ng isa sa kanila dahilan kung bakit napatikhim si Allain.

Tahimik lang kami habang nasa byahe. May paulit-ulit na tumatawag kay Allain, dahilan ng pagkairita ko. "Yes, I'm already on my way. I just need to drive my fiancee at the set." Pormal nitong sabi sa kausap.

Pagkatapos noon ay may tumawag na naman ulit. Eksaktong dumating kami sa set. Hindi ko na hinayaang pagbuksan pa ako ng pinto, dahil dire-diretso na akong lumabas.

Gusto kong manumbat, mainis sa kanya. Ang hirap magpigil dahil pakiramdam ko hati pa rin ang atensiyon niya. Damn him for being a billionaire.

"Hey..." Masuyong tawag niya sa akin tsaka ako pinigilang makalayo sa kanya. Marahas ko siyang hinarap. At tsaka ko napansin ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi dahilan ng mas lalong pagkainis ko. "You mad?" Napairap ako. He laughed handsomely, great! Just great!

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon