She's a Poser, but I Love her (One - Shot)

284 13 2
                                    

Sa mundo ng Social network, madaming tao ang nagkukubli sa itsura ng iba

Mga taong may sarili namang buhay, pero mas gustong mabuhay sa buhay ng ibang tao.

Sila ang tinatawag na Poser, mga taong nagtatago sa ibang itsura.

Bakit? Dahil pangit sila. Pero ibahin niyo si Jia, maganda na nga Poser pa.

****

"Jia! Maghapon ka na sa computer. Masira mata mo niyan" bigla kong sinara yung laptop ko. Bigla bigla na lang pumapasok si Yaya! Di man lang kumatok.

"Ya naman! Kumatok ka muna, paano kung nagbibihis ako?" inis na sabi ko. Ngumiti lang siya habang nakasilip sa laptop ko.

"Ikaw ha. Kebata bata mo pa, kung ano ano na ang pinapanood mo. Osya! maiwan muna kita, nakahanda na yung pagkain mo sa baba" 

Bumaba na siya, at ako naman ay nagblush. Baka kung anong iniisip ni yaya na pinapanood ko. Binuksan ko ulit yung laptop. May one message na sa FB ko.

-Sige. Una na ako. Bye <3- 

Kinilig ako bigla. Bakit may heart? nagreply ako sa kanya.

-Sige. Bye, maya ulit <3- naglagay din ako ng heart. Malay mo kung sa mapunta 'tong lovestory na 'to hahaha.

Ako si Jianne Guzman, Jia for short. Isa akong poser na nagtatago sa mukha ng iba. Hindi naman ako pangit kung tutuusin para maging poser. Trip ko lang, para kasing ang cool.

Pero di ko alam na sa pagiging poser ko, maiinlove ako. Dati kasi, balak ko lang maging poser para ma-express yung feelings ko at magkaroon ng kaibigan.

Hindi naman sa pagmamayabang, sikat yung family ko sa showbizz. Dating artista yung mom at dad ko kaya mahirap magkaroon ng tunay na kaibigan. Yung kaibigan na hindi habol yung kasikatan ng pamilya mo.

Yun lang ang gusto ko sa account na 'to pero it turns upside down. nagulat na lang ako ng i-add ako ni Raf, di ko alam kung sang lupalop ng mundo siya galing pero gwapo siya at mabait.

Naging magkaibigan kami, hanggang sa hindi ko alam na-fall na ako sa kanya. Ayaw kong sabihin sa kanya kasi natatakot ako. Lagi kong sinasabi na 'bukas sasabihin ko na' pero hindi natutuloy hanggang sa tumagal na ng tumagal.

Lumalim na yung feeling ko sa kanya at ganun din yung friendship namin. Natatakot ako na magalit siya.

Biglang may nagPM nanaman.

-IM BACKKKKKK >:*<-

Diba hug emoticon yun? SASDFGHJK

-Oy! San ka galing?-

-Ginamit kasi ni kuya yung PC niya at nagluto na din ako-

-Owww. Dapat masarap yang luto mo ha! Bibigyan mo ako niyan-

-Oo naman-

-Ano ba yang niluto mo?-

-Chickemylabs-

Laging ganyan yung conversation namin, parang magGF-BF. Pinakilala niya ako sa mga kaibigan niya, naging okay naman. Bonding sa chat.

isang araw nagulat ako sa message niya. Di ko inakala.

-I love you-

Nagulat ako. Di ko sinagot, hanggang kinabukasan binuksan ko ulit yung account ko. At may message ulit siya.

-Sorry ha. Napaamin ako kahapon, nalasing kasi ako. Pero totoo yun, di ko naman kasi alam na mafofall ako sayo-

Naluha ako, may something sa pakiramdam na nakakakilig. Nakakakilig na masakit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's a Poser, but I Love her (One - Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon