Chapter 19: Yuri's Heartbreak

930 30 31
                                    

[Alice's POV]

From: +63917...

Hey. Next time mag iingat ka naman Mantikilya. Pano nalang kung wala kami?

NAKO LANG! Limang oras ko ng tinititigan ang text na to, para na kong sira na paulit-ulit na binabasa, hindi naman naiiba. Nung una kong nareceive yung text na to, naweiruhan ako sa naramdaman ko. Alam mo yung para kong kinabahan na napapangiti na ewan? Ano bang problema ko? 

Humiga ako sa kama ko at hinawakan pataas ang cellphone ko. Oo, nakauwi na kami at hawak-hawak ko parin to. Rereplyan ko ba? Wala namang masama kung rereplyan ko.

*Type. Type. *

To: +63917...

Opo. Para sayo mag iingat ako. Buti nalang nandun ka kanina. <3

WAAAAAAAAAAAAAAA!!! SYETE! Anong kalokohan to.

*Delete. Delete. *

Kusang pumindot ang kamay ko. Eeeeeeeww! Hindi ako mag tetext ng ganon. Kadiri lang, pumupuso pa. =_=

*Type. Type. *

To: +63917...

Kahit wala ka kayang-kaya! Malakas kaya to.

Ayan. Okay. Send!

*Failed! *

O_O

Syete! Wala nga pala kong load!! Hindi nga pala ko nagloload. Kinalabit ko si Kath, nasa iisang kwarto lang kami natutulog, magkaiba nga lang ng kama.

''Kath. Uy Kath.''

''rrrrrr.''

Ungol nya yun. Tulog na kase sya eh. Pssshhh. Niyugyog ko sya ng malakas saka lang sya biglang bumangon.

''Ano ba naman Alice?! Inaantok ako! Pagod ako.''

''Papasa naman ng load. Limang piso lang. :D ''

''Gabing-gabi na. Hayyst. Kunin mo cellphone ko, magpasa ka na.''

YEHEY! Saka ako tuwang-tuwang nagpasa ng load. Humiga ulit ako at sinend ko yung kaninang nagfailed na text...

15 minutes na pero wala paring reply. Tulog na kaya sya? Malamang. 11:00pm na.

Matutulog na sana ko ng nagring ng malakas yung cellphone ko, may NAGTEXT. Dali-dali kong kinuha yung cellphone ko, kulang nalang masubsob ako. Excited ako na basahin eh.

From: +63917...

K

K? As in K? Yun na yun? SYETE! Otso! Nwebe! Dyis! Hirap na hirap pa kong magpasa ng load tapos K lang ang irereply nya. WOW! LAKAS MAKABADTRIP! Mareplyan nga ang kumag.

To: +63917...

L

Mag alphabet tayo.

Wala pang 1 minute nagreply ulit sya.

From: +63917...

                            Korny ah? =_=

To:  Heartless

                           Muka bang joke? Pssshhh.

From: +63917...

                          Muka ka kaseng joke. :D

DARE NOT TO FALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon