Sana I

9 3 0
                                    

Sana'y bato nalang ako,
Nang hindi na ako nasasaktan ng ganito,
Sana'y manhid nalang ang puso,
Nang hindi na 'to mabasag pa ng husto.

Alam mo 'yong masakit?
'Yong palagi kang umaasa sa taong manhid,
Ni hindi niya alam na may problema ka,
Ni umamin di mo magawa.

Sana magawa mo namang makita,
Na ako'y nahihirapan na,
Sana mapansin mo naman,
Na damdamin ko rin ay nasasaktan.

Palagi nalang ba akong masasaktan?
Palagi nalang ba akong aasa?
Sa pag-ibig na wala namang kasiguraduhan?
Sana naman makaramdam ka.

Oo nga't mahal kita,
Pero sana'y wag ganito,
'Yong laman ng utak puro nalang sana,
Sana nama'y magawa mo ring mahalin ako.

- Bil Aubrey Abella

IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon