"AKO NA po ang magmamaneho," walang emosyon at monotone na sabi ni Tala sa tiyuhin.
"Tala---" nahihiyang napatingin ang may edad na lalake sa pamangkin.
"Akin na ho ang susi," walang pagbabago sa ekspresyon at boses ni Tala. Malamig pa rin ang tono at walang emosyon ang mukha.
Nakayukong inabot ng may edad na lalake ang susi ng van.
Pagkatapos ma-unlock ni Tala ang alarm ay tahimik na itong sumakay sa driver's seat at sumunod ang Tiyuhin nito sa passengers side.
Walang kibuang pinaandar ni Tala ang sasakyan at binaybay ang trapikong daan ng EDSA. Pabalik na sila sa GBS, isa sa pinakasikat at malaking TV Network dito sa Pinas. Sa edad na labing siyam ay masasabi ni Tala na malayo-layo na rin ang narating nya sa show business. Nga pala, si Tala ay isa sa mga sikat at namamayagpag na artista ngayon.
Malaanghel na ganda, balingkinitang katawan, height na pang modelo, matalino, may talent sa pagkanta, sayaw at acting, si Tala Ligaya yan. Jam pack. Wala ng iba. Sabi pa nga, nese kenye ne eng lehet. At walang hindi nakakakilala sa kanya sa Pinas. Si Tala Ligaya ay kilala mula Batanes hanggang Jolo.
Isa naman ang araw na ito sa pinakabusy nyang araw. Galing si Tala sa shoot nya sa isa nyang endorsement sa isang clothing line. At ngayon nga nagmamadali sya dahil may signing of contract na naman si Tala para sa isa nyang bagong soap opera na pagbibidahan ngunit nadelay sila ng kaunti dahil nag-away pa sila ng tiyuhin nya.
Kabi-kabila ang mga offers nya kaya kinailangan ni Tala ang tulong ng Tiyo Con nya sa pagmamaneho ng van para mahatid sundo sya. May P.A. o personal assistant naman sya pero kasisibak nya lang. Mahaba-haba rin ang rason kung bakit nya sinibak ito.
Sobrang bait ni Tala kaya nga lang ay nasagad ang pasensya nya ngayong araw, lalo pa't nagmamadali sya at punong-puno ang schedule nya.
"Tala---" narinig ni Tala na tawag ng kanyang tiyuhin.
"Wag ho ngayon, Tiyo. Mamaya na lang ho tayo mag-usap," wala pa ring emosyong putol ni Tala sa sasabihin ng tiyuhin. Tumahimik na lamang ang may edad na lalaki.
Malapit na sila sa GBS, isang kanto na lamang. Ililiko na sana ni Tala ang sasakyan pakaliwa ng may biglang batang babaeng tumawid. Mabilis na nakabig pa ni Tala ang manibela at nagbreak ngunit sa hindi inaasahan may isang binatilyo ang lumitaw kung saan kinabig ni Tala ang manibela. Hindi sapat ang pagkakakabig ni Tala sa manibela kaya nadaplisan ang batang babae at sa kasamaang palad ay tuluyan ng nasagasaan ang binatilyo.
Gulat na gulat si Tala at ang Tiyuhin sa nangyari pero bago pa sila makababa sa sasakyan at siyasatin kung anong nangyari, naramdaman nila ang pagbaliktad ng sasakyan. Nagpagulong-gulong ang sasakyan sa kanang bahagi ng kalsada. Natigil lang ang pag gulong nito ng mabangga ito sa concrete na pader, na harang sa bagong ginagawang building.
"Tala---" narinig pa ni Tala na sinambit ng kanyang tiyuhin ang kanyang pangalan.
Hindi na nya ito magawang lingunin dahil hindi nya maigalaw ang kanyang katawan at wala na syang makita. Hindi nya maibukas ang kanyang mga mata!
"Miss!"
"Miss!"
"Tumawag kayo ng ambulansya!"
Ang mga huling litanyang narinig ni Tala bago sya sakupin ng kadiliman.
˜*˜
TALA
THREE YEARS LATER...
"Tala!" malakas na sigaw ng aking Tiyahin na gumising sa aking antok na antok na diwa. "Aba'y tanghali na't nakatalukbong ka pa riyan! Maglinis ka na doon! Batang ito!" Katok ng katok ito sa aking pintuan kaya wala na akong nagawa kundi bumangon. "Dios mio marimar!" bulalas nya ng harapin ko ito.
BINABASA MO ANG
Tagapagtanggol Ng Tala (GirlxGirl)
ParanormalTala, even she's an orphan, considered herself to have everything until that accident happened that changed the entire course of her life. She lost her job as a prominent actress, her fame, her loving uncle, and the affection of her aunt. Upon losi...