Chapter 28 - Untold Words (Kiss under the Rain)

23.8K 233 14
                                    

Glenn's POV

 


Saturday. Buong week ko lang namang nakitang magkasama si Keith at si Amithy. Buti na lang lagi akong kinukulit ni Darwin. Atleast kahit papaano sa iba nababaling ang atensyon ko. Hindi sa kanila. Hindi ko naman pwedeng sumbatan yung dalawang yun. Sino lang ba ako? Kaklase lang naman ako ni Keith. Buti ba sana kung kami. Eh hindi nga kami eh. Buong araw akong nakaharap sa laptop at nagkukulong sa kwarto.

Heto na naman si Senti Queen na kamakailan lang ay Denial Queen.

Daig ko pa ang brokenhearted. Bakit, hindi nga ba? Masyado kong iniisip yun. Tama na muna, Glenn. Oa mo na masyado.

Wala akong makukulit ngayon. Wala si Cheska. Umalis sila ng family nila. Ine-enjoy niya syempre yung bonding moments nila ng family niya. Scroll lang ako nang scroll nang biglang may nagtext sakin.

Number lang.

From: Unknown

Hi, Glenn!! :)

Sino naman kaya to? May nagpapakalat ba ng number ko ng hindi ko alam? Ano ba yan? Nireplyan ko na lang.

To: Unknown

Hu u?

Wag lang talagang pang-badtrip tong taong kundi... naku! Wag na wag lang talaga tong makikipagsabayan sa pagka-bad vibes ko kundi baka kailangan kong bumili ng cellphone dahil siguradong ibabato ko tong cp ko.

Biglang nagreply.

From: Unknown

Guess who. :)

Anak ng tokwa yan! Ano ako manghuhula?

To: Unknown

I'm not in the mood right now. Don't waste my time. Sino ka?

Nakakainis kasi! Parang nananadya na naman si Destiny ngayon eh. Nagtext na ulit ang nakakabwisit na unknown texter ko.

From: Unknown

Bakit naman wala sa mood ang Sleeping Beauty ko? Hehe! :) K.J.A.

Bigla akong napatayo sa kama ko. Sleeping Beauty ko? K.J.A.? Don't tell me si Keith to? Keith Jacob Anietas. Teka. Kalma lang, Glenn. Hindi pa tayo sure.

From: Unknown

Keith?

Bigla tuloy akong na-excite sa unknown texter na yun. Pero pano kung hindi pala si Keith? Sana naman hindi ako pinagti-tripan ni Cheska. Kundi... hayy.

Nagreply na siya.

From: Unknown

Opo!! Hehehe. Kinuha ko kay Cheska yung number mo tutal ayaw mo ring namang sabihin sakin eh. Hehehe!! Gusto ko nga sana talagang sayo ko makukuha kaya lang ayaw mo talaga. :)

Okay. Inhale, exhale. Kalma lang. Kalma. Si Keith lang yan. Si Keith lang yan na crush mo na dahilan kung bakit ka nabo-brokenhearted ngayon at si Keith na namimiss mo na nang sobra. Kalma.

Sinave ko yung number niya. Kumakabog na naman nang malakas ang dibdib ko.

To: Keith :)

Ah. Talaga? Arte mo naman!! Bakit kailangan sakin pa galing? Hahaha!! Kailan mo kinuha?

Ang arte ko lang. Kanina, senti-senti pa ako. Isang text lang ni Keith, okay na ulit. Ang galing. Biglang may nagtext. Si Cheska pala.

HF: Her SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon