'' Ako si Alice Bloodsucker . Ako ang tunay na fiancee ni Joseph '' sabi ni Alice.
'' Huh ? Nagjo-joke ka lang 'di ba ? '' tanong ko kay Alice .
Nag-smile siya . '' Sorry to dissapoint you but I'm not joking . Ako ang tunay na fiancee ni Joseph'' sabi niya .
Na-speechless ako . I was lost for words . Bakit sinabi niyang fiancee niya ako kung meron naman pala siya talagang fiancee ? tanong ko sa utak ko .Bago pa ako makapagsalita biglang tumunog ang alarm ng cellphone ko . Signal na tapos na ang break .
'' Tara na ..Male-late tayo pag hindi mo binilisan '' sabi ni Alice sa'kin.
''Ah okay '' sabi ko at pumunta na kami sa classroom .
Pagdating namin sa classroom dali-dali akong umupo sa upuan ko . I touched my chest . Ang sakit .Hindi ko ma-explain ang feeling . Parang nadudurog ang puso ko . At dumating na ang teacher .I'm not listening . Parang palaka lang na nagsasalita sa harapan ang teacher at parang mga langgam na nakikinig sa palaka nag mga classmate ko . Wala ako sa sarili ko .
'' Ako ang tunay na fiancee ni Joseph ''
Shinake ko ang head ko .Naalala ko na naman kasi yung sinabi ni Alice.Bwisit yang Joseph na yan! May fiancee na pala siya tapos lalandiin niya ako! Nakakainis grabe . Eto pa, kinuha niya din ang first kiss ko .Nakakainis talaga !Gusto ko siyang patayin !............................................
Pagtapos ng klase, inayos ko na ang mga gamit ko , naglagay nang gamit sa locker at dali-daling umuwi. Gusto ko ng umuwi para makapag-isip. Feeling ko tuluyan na akong masisiraan ng bait kapag nanatili ako rito. Papalabas na ako nang biglang hinawakan ni Joseph ang braso ko .
'' Mag-usap tayo ''sabi niya .
'' Anong pag-uusapan natin ? '' sabi ko .
'' Tungkol kay Alice . Totoong fiancee ko siya pero - '''bago pa niya matapos ang sasabin niya tinakpan ko nang kamay ko ang bibig niya ,
'' Wag ka nang magsalita pa . Hindi mo naman kailangang i-explain sa'kin eh . '' sabi ko sa kanya.Hindi ko alam kung bakit pero paluha na ako .
'' Pero Ysa! '' sabi niya at hinawakan nang mahigpit ang braso ko .
'' Bitawan mo ako !! '' at tinanggal ang kamay niya sa braso ko .Tuluyan nang tumulo ang luha ko. ''Hindi ka pa ba kontento na kinuha mo nag first kiss ko ? Hindi ka pa ba masaya na pinagmukha mo akong tanga ? '' sabi ko . Hindi ko na talaga kaya . Laruan lang ba nag tingin niya sa'kin ? Laruan na pwede niyang paiyakin ?
'' Ysa .....'' sabi niya .
'' Pagod na ako . Mabuti pa bumalik ka na sa fiancee mo '' sabi ko at umalis na . Ang sakit grabe. Bakit niya ginawa 'to sa'kin ?
Hindi ko napansin na nakatingin pala samin si Alice.
'' Sooner or later .. Mapapa saakin ka 'din Joseph '' sabi niya at ngumiti nang masama .
BINABASA MO ANG
The Vampire's bride [COMPLETE]
Vampire[SOFTCOPY AVAILABLE] Anong gagawin mo kung bigla mo na lang malaman na engage ka ...... at sa prinsipe pa ng mga bampira ?