Remember Me?
⇨⇨Chapter 6⇦⇦-JIMIN-
Nagising ako sa nararamdaman kong mga maliliit na patak ng tubig sa aking mga braso.
Hinanap ng aking mga mata kung saan nanggagaling iyon ngunit mukhang malabo pa rin ang paningin ko.
Kinuskos ko ito at tumayo na din agad nang mapansin kong nakabukas pala ang bintanang katapat ko lang at si Jungkook na natutulog ng mahimbing sa tabi lang nito
Dahan dahan akong lumapit sa kanyang kama para isara na ito ngunit ay natigil din nang makita ang tahimik na mukha ni Jungkook
May mga luhang dumadaloy sa kanyang mga mata..
Gusto ko siyang tanungin sa mga bagay bagay tungkol sa maaring napapanaginipan nito ngunit napatikom lang din ang aking bibig
Binalingan ko nalang ulit ang atensyon ko sa bintana at nang hindi masermonan kami ni Rapmon hyung.
◻◻◻◻◻◻◻◻◻◻◻◻◻◻◻◻◻
"Ilang beses ko na bang sasabihin na huwag niyo sayangin yang mga pagkain na nasa harapan niyo ngayon?!" Napayuko nalang kami sa biglang pagsermon ni Rapmon hyung
"Hyung, let us explain-"
"Anong ieexplain mo pa dyan V sa pinaggagawa niyong pagbigay ng fried chicken sa mga langaw?!" Natahimik ulit kami nang sumingit naman agad si Jin hyung
"Teka teka ah! Huwag ka naman sumigaw Rapmon at nakakabulabog ka sa tenga. Ikaw na tuloy yung nagiging alarm clock namin tuwing umaga. Hinay hinay lang, mahina ang kalaban. Kayo namang lima.. V, Jimin, Suga, Jhope at Jungkook, bakit niyo naman binigay yung fried chicken sa mga langaw? Sayang naman yung pagkain." Napabuntong hininga si V at tumingin ng seryoso
"Yun na nga po hyung eh. Nasayang talaga ang pagkain."
"Tama ka dyan V. Napakagaling mong bata-- Aray?!" Binatukan naman kaagad si Jhope ni Rapmon hyung upang tumahimik
"Itutuloy ko na, di naman kasi talaga namin gagawin yun hyung eh."
"Wala na, nagawa mo na eh. You can't turn back time-- Damn!" Sinipa naman ni Jin hyung si Suga at tinignan naman nito ng masama
"Okay, ako na ah! Ako naman ang bibida! Ito na nga, kumuha ako nang isang fried chicken at kakainin ko na ito nang masiko nga ito ni Jhope hyung dahil sumsayaw siya sa tabi ko. Kumuha ako ng bago pero natulak ako ni Suga hyung dahil naglalaro sila ni Jimin." Nagkatinginan naman silang dalawa ni Rapmon hyung
"Edi anong nangyari sa dalawa mong fried chicken?"
"Nako naman hyung! Kala ko matalino ka, slow ka naman. Ayun nga, namatay sa hulog kaya dinonate na namin sa langaw." Napasapol naman sa ulo sila Jin hyung habang nagpipigil ng tawa si Jungkook sa gilid.
Bigla namang nagbukas ang pintuan sa kuwarto nang lingunin namin ang nars
"Excuse me po mga sir pero madami pong nagrereklamo na mga pasyente sa ingay niyo daw. Hinay hinay lang ah? Thank you."
Hay nako, dalawang linggo palang kami dito sa ospital ngunit baka mapaalis kami dito ng wala sa oras
Iba talaga eh
◻◻◻◻◻◻◻◻◻◻◻◻◻◻◻
-JUNGKOOK-
Tatlong araw nalang at madidischarge na din si ako!
Salamat at tumahimik na din nang kahit kakaunti ang labanan dito sa kuwarto
At sa wakas, babalik na kami sa dorm! Yoohoo!
"Jimin, may ipinapadeliver si Manager. Pakuha nga muna na sa counter at mag aayos lang ako ng mga gamit dito." Napatango si Jimin kay Rapmon hyung at tangkang aalis na nang pigilan ko siya
Kumunot ang noo nito at nagtaas ako ng kamay
"Ako nalang hyung at wala din naman ako masyadong ginagawa, tutal pwede naman na akong lumakad ng kaunti unti."
"Sige ngarud maknae pero sasamahan ka pa rin ni Jimin kung sakali at mahirap nang mapagalitan ni Manager."
"Hahaha! Ikaw na lider natatakot kay manager? Hahaha--Aish! Aray naman Rapmon!?"
"Tumahimik ka dyan Suga kung ayaw mong ipababad kita sa araw para umitim ka." Siningkitan siya ni Suga hyung at napahagalpak nalang sa tawa
Anong nangyayari dito kay hyung? Nababaliw na ba?
"Hyung sige, labas na kami ni Jungkook ha?" Bago pa man kami makalabas ng diretso ay nagsalita nanaman si Suga hyung
"Sorry Rapmon pero baka mabulag pa yung araw sa hotness ko hahaha!"
Matapos sa nangyayaring labanan sa kuwarto ay halos tahimik lang ang naging sitwasyon sa labas.
Lakad dyan, takbo dyan, pagod dyan, tulog naman dyan.
Kami lang nila V at Jimin hyung ang walang ginagawa ngunit kami ang tagagawa ng mga utos nila ngayon.
Hinanap ko ang counter na pinagbigayan ni manager nang masalubong ko naman ang nars na nanghingi ng katahimikan sa amin
Itinuro ko naman yun kay Jimin at siya na daw ang bahala sa kanya
Hinarangan naman niya ito sa kanyang dinadaanan at napakunot ang kanyang noo. Sinuklian naman ni Jimin hyung ng ngiti ang nars.
"May I help you?"
"Hi um, pwede ba kitang makausap?" Tinitigan lang niya si Jimin hyung sandali at umiwas na din
Tumango naman na din ang nars at dinala ito sa lugar na sila lang ang nandodoon
Mga ilang minuto din ang lumipas nang bumalik si Jimin hyung sa aking harapan habang pangngiti ngiti pa
"Problema mo Jimin hyung at ang ewan ng ngiti mo dyan?" Tinignan niya ako ng masama at nang dumating na ang nars ay saka naman ito ginulo ang buhok
Nagulat naman yung nars at umalis na din kaagad matapos magpaalam
Kumunot ang noo ko at tinignan ulit si Jimin hyung ng diretso
"Nagchchiks ka?" Lumaki naman ang mata nito
"Hindi ah! Ikaw ata yun eh."
"Anong problema mo ngarud at nakakaloko yang ngiti mo?" Inirapan niya ako
Aba bading ata tong si Jimin hyung eh
"Bawal na bang ngumiti ng ganun? Aba ikaw Jungkook, kung alam ko nga mas nakakatakot pa nga yang ngiti mo kaysa sa akin!"
"Sinabi ko bang nakakatakot?"
"Hindi nga eh! Tara na nga." Baliw din talaga to.
Ngunit nang matapos ng bangayan namin ay napahagalpak nalang kami sa tawa at naglakad na din.
Hay, baka pati din ako mabaliw sa katabi ko.
⬜⬜⬜⬜⬜⬜⬜⬜⬜⬜⬜
-A/N-
Hi hahaha! Salamat sa mga supporters at sinusubaybayan niyo pa rin ito. Kahit na ang tagal ko na nag-update, salamat sa mga votes niyo!Anyways, after 2-3 chapters, makikilala niyo na din kung sino si Umi.
Thank you everyone! Keeo voting~
BINABASA MO ANG
Remember Me? ║ BTS Jungkook
FanfictionWhen idols like Jeon Jungkook still searches for his First Love in the midst of the crowd Would they be able to meet again in these uncertain situations? Papayagan ba ni Jungkook ang kanyang sarili na lumampas sa linyang dapat lang niyang daanan? Ka...