Migraine

0 0 0
                                    

"Nahihilo, nalilito! Asan ba ako sa'yo? Aasa ba sa'yo. Oo nga pala, hindi nga pala tayo. Asan nga ba ako? Umaasa na mapasayo. Hindi sinasadya na hanapin pa ang lugar ko. Asan nga ba ako, andyan pa ba sa iyo?"  Yan ang status ko ngaun. After texting me the word "loveu2" (which hindi naman ako nagtext ng iloveu sa kanya) na nireplyan ko ng "lasing ka lang!" Everything has changed. Siguro for him, nireject ko siya pero kasi yun naman ang dapat. After nun, nagbago na siya saken. Nawala na yung mga sweet messages niya. Naging very formal na siya and civil sakin. There are moments na pag magkaduty kami, aabsent siya. Feeling ko iniwasan niya ko. Pero whenever na magkaduty kami, pag magbebreak na siya, pagbalik niya laging meron  siyang dalang food for me. Sasabihin niya, "pagkain mo, ma'am!" Isn't it sweet and thoughtful?! So ano ba talaga? It's summer outing, he ask me "sama ka sa outing, pwede ka ba?" And I said, "pwede naman."  And I did joined them. Of course outing yun, so aside from eating and swimming, nag-inuman din. Dahil medyo nalasing ako, he's the one na umalalay saken. I know, kasi kahit tinamaan ako, conscious pa rin ako. Alam ko kung anong nangyayari sa paligid ko. He said, "kaya mo pa?! Kala ko ba malakas kang uminom?!" Sabi ko, "hilo na ko eh, tulog muna ako". Inalalayan nya ko papunta sa cottage room. Nang mahimasmasan ako, lumabas ako ng room para kumain. Dahil di ko masyadong malasahan yung pagkain dahil na rin siguro sa pagsuka ko, kinuha ko yung buto ng mangga na nakahain sa lamesa. Sabi niya sakin, "wag na yan, kuha kita ng bago". Sagot ko naman, "ok na to". Sabi naman ng isang kasama namin, "di, kuha ka na, ako ng maghihiwa." Pinipilit kong wag ng kumuha ng bago kasi para sakin, titikman ko lang naman if magugustuhan ng tyan ko. But he insisted, hanggang sa mayakap niya ko kasi pilit niyang kuhanin yung manggang manggang kinuha ko. Nagkatinginan kami, syempre, awkward kaya kinuha ko na rin yung manggang binibigay niya sakin at inabot ko sa kasama namin para ipahati. Part ng kwentuhan yun tuksuhan. Sabi nun isang kasama namin, "ikaw, pre, kayo ni..." Sabay turo ng lips niya sakin. Pero sumagot siya ng "di, pre. Di ko papatulan yan". "Huh?!" Ano yun!?, mga tanong na nasa isip ko. Para maiwasan ang kahihiyan ko, I changed the topic. Pero sa isip ko, I was in shocked and confused. Nagulat ako kasi for all I know, the feeling is mutual. Of course, nahurt ako, because I wasn't expecting na yun ang isasagot niya. Ano palang ibig sabihin ng mga messages niya, ng mga pasweet niya?! Yung mga moments na everytime naguusap kami, eye to eye contact as if iba yung pinag-uusapan ng mga mata namin sa sinasabi namin. Gustung-gusto kong sabihin sa kanila na "kung ayaw mo kong patulan, bakit ka nagtext ng loveu2, eh hindi naman ako nag-iloveu sa'yo?!" Dahil in a group kami, I have to composed myself. I have to pretend na walang ganung naganap. Hanggang sa natulog na kaming lahat. Kinabukasan, pauwi na kami, pinansin naman niya ko. So feeling ko, ok na. One week kaming di nagkita after outing kasi magkaiba na kami ng schedule. Inisip kong iwasan na rin siya, na ok na sakin na di kami nagkikita. Di ko rin siya tinetext kung di naman ganun ka-importante  ang kelangan ko sa kanya. Hangga't kaya kong isolve, di ko siya iniistorbo.

You Make Me SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon