Chapter 1

6 0 0
                                    

Fate's POV

"Mano po itay" sabi ko kay tatay habang kinuha ang kamay niya upang mag mano .

Kagagaling ko lang sa trabaho ko . Simula kasi nung nadisgrasya ang tatay sa pinagtatrabahuhan nya dati hindi na niya maigalaw ng maigi ang paa niya tila bang manhid na ito . Si inay naman matagal ng pumanaw nung ako'y pitong taong gulang pa lamang. Kaya Simula nun si tatay na yung kumakayod para mabuhay kami natigil lang Simula nung madisgrasya siya. Kaya ayun kailangan ako naman ang kumayod para sa aming dalawa.

" Magpahinga ka muna anak . Pasensya ka na anak hindi ka maasikaso ni tatay " sabi ni tatay habang pinaupo ako sa tabi niya

"Okay lang po tay tyka dapat nga tay magpahinga na lang kayo. Saglit lang po itay magluluto lang ako ng makakain natin." Tatayo na sana ako para magluto ng hawakan ni tatay yung kamay ko .

"Anak wag mong masyadong pagurin yung sarili mo . Busog pa naman ako anak." Sabi ni tatay

" Teka tay pano ka nabusog eh ang iniwan ko lang naman sayo kanina eh yung tinapay ?!"
Takang tanong ko!

Eh kasi kaninang umaga bago ako umalis binilhan ko siya ng tinapay tapos sa sobrang pagmamadali ko kanina hindi ko na siya nalutuan ng ulam .

"Okay lang ako tyka nagbigay kanina si Remy ng pagkain . Siya pa nga ang nag asikaso sakin eh!
" Ewan ko ah pero kasi habang sinasabi niya yun parang kinikilig siya. "Si aling Remy tay?!"

"Oo nak kaya magpahinga ka na muna" .

Si Aling Remy na sinasabi ni tatay eh yung kapitbahay naming may tindahan . Matandang dalaga kasi si Aling Remy . Pasalamat na lamang ako dahil nandiyan siya para bantayan ang tatay.

  Tumayo na ako para magbihis na puro na kasi pawis yung likod ko eh!.

"Anak may naghahanap sayo" sigaw ni tatay buti na nga lang eh tapos na akong mag bihis .

  Tumakbo ako papuntang pintuan namin upang buksan ito.

"Oh?! Katelyn bakit?!" Tanong ko kay Katelyn siya nga pals yung kaibigan ko Simula pagkabata .
 

"Fate may alam na ako kung san ka pa pwedeng mag part time job. Eh kaya lang kasi! "

"Kasi?! Ano?! " tanong ko kasi kailangan ko talagang maghanap pa ng iba pang trabaho.

May binabayaran pa kasi kaming utang  eh! Kaya kahit anong trabaho yan kailangan kong patusin

"Eh kasi diba?! alam ko namang nahihiya kang kumanta sa maraming tao . Eh kasi yung sinasabi ko sayong trabaho eh yung sa music bar . Magiging  vocalist ka ng isang banda pero--"

"VOCALIST?! " gulat na sigaw ko. Eh ayokong ngang kumanta sa harap ng madaming tao tapos ipapagawa niya sakin yun?

" ah eh! twinny hindi naman agad agad . Magpapa audition pa sila kaya malay natin ikaw yung mapili sayang yung chance twinny . Malaki laki din yung kikitain mo tyka makakatulong yung suswelduhin mo dun sa pamabayad ng utang niyo! " pangugumbinsi niya sakin.

Tama nga din naman sa ngayon hindi ko muna iintindihin yung hiya . Kailangan kong kumita ng pera para samin ni tatay , tyka para na din may maibayad na ako ng utang.

"Sige na nga kailan ba yung audition?! "

"Bukas twinn sasamahan na lang kita okay!? Maaga naman yung out mo dun sa store diba?! Susunduin na lang kita!. "

"Sige twinny salamat talaga" sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Sige na bukas na lang iloveyou Twinny"
 
   Bumalik na ako sa kwarto ang tagal din kasi naming nagusap ni Katelyn eh! Tulog na pala si tatay.

Nakatitig ako sa bubong ng bahay namin iniisip ko yung trabaho na sinasabi ni Katelyn papatusin ko na yun sayang din kasi yung suswelduhin dun tyka baka malaki din yung kikitain ko dun.

Hayyyy!!! Bukas kailangan kong I reserve yung boses ko . Thank you lord. 🙏🙏🙏 .

Ang kailangan ko na lang isipin na sana makapasa ako sa audition na yun. Para naman kahit papano makabawas bawas yung problema ko!

Pride And InsecuritiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon