"Halaga" - (ONE SHOT)

1.1K 39 13
                                    

Hello madlang readers :)) Nagpapalik po ako bilang puchu-puchung author... Bored ako eh kaya naisipan kong magbase ng storya sa mga kanta ng PnE, ang favorite banda ko sa local bands :)) 

I know madami ng gumawa nito eh kaso trip ko tlaga eh >:P 

HOPE YOU LIKE IT :D 

Please do read my other story, "Tag! You're it." SALAMAT!

-----------------------------------

Malalim na ang gabi. Kakatapos ko lang mag dasal at naghahanda na akong matulog at magpahinga nang may kumatok sa bintana ng kwarto ko... 

"Daniel?" 

"Daniel, gising ka pa?"

"Uyy, Danieeeel!"

Eto nanaman siya. Pakatok-katok sa bintana ko sa kalaliman ng gabi. Tumayo ako at pinagbuksan siya. Sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap at pareho kaming nahulog sa sahig. 

"Daniel..." umiiyak siya habang nakayakap sa akin. 

"Ano nanaman bang ginawa sayo ni Lester?"

------------------------------

Ako si Daniel. Simpleng lalaki lang na hindi kapansin-pansin. Hindi ako yung lalaking hinahabol ng kababaihan. Madalas nga, ako pa yung napapagtripan. Pero nasanay nalang din ako, kesa maging arogante at mayabang, mas pipiliin ko nalang na manahimik.

"Nerd! Nerd!" 

"Freak!"

"Weirdo.."

Yang mga pangungutya ang maririnig mo kapag nakasabay mo kong dumaan sa mga hallway ng school. Hindi na rin umeepekto sakin yan eh. Siguro namanhid na rin ako sa paulit ulit na mga pangyayare. 

"Hoy Bading! Tali mo nga yung sintas ko." 

"H-huh?"

"Bingi ka ba?!"

"K-Kaya mo naman yan gawin. B-Bakit mo pa iuutos sakin?"

"So, ayaw mo?!"

Umatras ako ng konti sa kanya at hinanda yung sarili ko. 

"Hindi mo kasi kayang itali yang sintas mo kasi ang laki laki ng tyan mo!" sigaw ko sa kanya sabay takbo. 

Pero sa kasamaang palad, may humarang sakin at bumangga ako sa laki ng katawan niya kaya natumba ako at sumaboy sa sahig lahat ng dala ko. 

"Sinong malaki ang tiyan? Ha, bata?!" 

Pagkatapos nung engkwentrong yun, pinagtulungan nila akong bugbugin at pinosas yung paa ko sa dram ng tubig sa likod ng school katabi ko pa yung mga basurang hindi pa nakokolekta...  Eto nanaman ang inabot ko.

"Yan ang bagay sayo totoy!" at sabay sabay silang tumawa, yung iba nagsi-apiran pa. 

Yan si Lester at ang mga kaibigan niya. Hindi ko na din mabilang kung ilang beses na nilang nagawa sakin to. Hindi naman ako nangahas na magsumbong dahil alam ko ang kaya nilang gawin. Kilala sa buong school dahil sa takot na sila ang sumunod sakin. Inaamin kong takot din ako sa kanila kaya hindi ko nagagawang lumaban pero dahil lang yun sa isang dahilan. 

 -----------------------------------------------

Magkaibigan kami ni Lester dati. Malapit na malapit na magkaibigan. Magkapit-bahay kami kaya kami nagkakilala. Sa buong school nila, siya yung pinaka-sikat, pinaka-matalino, pinaka-gwapo. Siya na! Siya na lahat. At isang araw, tinanong niya ako... 

"Halaga" - (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon