"I am hoping that we can share our thoughts, be partners. Enjoy the sceneries" End of my intro as President of Mi Sueño. Gallery room ko lang talaga to.
"Hopia" Tawag sakin ng kaibigan kong si Lyn. "Congrats! Do you need anything? Ano? May mga kulang pa ba?" Di naman halata na kabado sya ha.
"Chill! Ako pa ba ? Tagal ko ng inasam 'to no!" masaya kong sabi. "And one more thing, sobrang thank you kase kahit sa anong desisyon ko nanjan ka naka support" I hugged her tightly. Isa sya sa mga pinaka pinagkakatiwalaan ko.
Napansin ko naman na maiyak iyak na si Lyn "Sino pa ba magtutulungan? Love you, Hopia"
"And I love you too, so much"
--
By the way, I'm Christine Hope Angeles a.ka Hopia, asar lang sakin ng mga classmate ko nung college, 23 na and currently working at Golden City. Nagtapos ako sa kursong BS Tourism Management, ewan ko ba kung bakit ko napili yun e hindi naman connected sa mga hobbies ko, but i remember someone told me na madali lang yun at walang Math, mahina kase 'ko sa numbers, but if it's a must e pinagbubutihan ko talaga at nakakaya kong gawin. Pero HELL talaga dahil may finance at accounting, luckily sa sipag ko e mataas naman nakukuha kong grade nun.
I remember nung kailangan kong masaulo yung IATA and ICAO codes and studying the culture of different people with different places all over the world at intindihin ang napaka lalim na topics sa General Psychology, halos sumakit na batok ko kaka memorize pero natuwa din ako kase dahil dun mas lumawak ang pang unawa at pag papahalaga ko sa bawat taong na e-encounter ko everyday. Akala ata ng iba puro ganda lang ang kumukuha nang ganoong course, ang di nila alam matinding pag pupursige namin na maipasa at maging maalam sa bawat tinuturo samin. Hindi naman kase kailangan na ipaalam o ipakita pa kung ano yung mga nalalaman namin e, ang mahalaga ay sa bawat pag piga sa utak namin ay maganda padin kami. Yung iba ba kayang i handle yun? Tsk! Manigas silang mamroblema sa hindi naman dapat pinoproblema.
--
Bumusina na ko sa harap ng bahay at pinagbuksan ako ni nanay martha.
"Hija, nandyan ka na pala. Halina at kumain" Pagsalubong sakin ni nanay. Si Nanay Martha ay kasambahay namin, 50 na sya at 30 years na sya samin, nasa Leyte ang pamilya nya. Nanay is here for work. I salute her for her kindness and perseverance.
"Si Dad po?" tanong ko habang papasok sa bahay.
"Ay nasa kwarto na at nagpapahinga, ikaw late kana namang bata ka nako lagot kana sa Dad mo nyan. Ba't di kapa kase sa dad mo magtrabaho?" sinesermonan na naman ako ni nanay.
"Tsaka na pag need nako ni dad, dad is stronger than superman pa po e" napatawa naman si nanay sa biro ko. "Alam nyo naman po na gusto kong kumita ng pinaghihirapan ko 'cause this is for my own sake." dugtong ko na ikinatuwa naman ni nanay.
"Hayy. Natutuwa talaga ko at lumaki kang ganyan, kung nasubaybayan lang to ni Christina.." mangiyak-ngiyak na sabi ni nanay. I missed my mom so much. Pero ganun talaga, what we need is to move on pero hindi dapat makalimot.
"Si nanay talaga" Niyakap ko si nanay nang mahigpit at nag goodnight na.
Nakatitig lang ako sa kisame at nag-iisip. "I missed you mom, It's been 10 years. Pakita ka naman sakin." At biglang gulat ko na humangin, bukas pala bintana. Dali-dali ko itong sinara, nanginginig pa.
"Mom sa panaginip lang!" Kinalibutan ako dun ha. 1:30 am na pala. Maka tulog na at maaga pa'ko gigising bukas.
--
(*Alarm clock tone*)
Ano ba yun at ang ingay! "Shocks" Napabalikawas ako ng ma realize kong alarm clock ko pala yun at 5 times ng ulit ng ulit. Anong oras naba? 8 am? Fuck! 8am ang pasok ko. Bahala na si batman.
YOU ARE READING
Destined To Be Yours
RomanceNormal people. Normal life. Sa milyong-milyong dami nang tao sa mundo. Bakit ikaw pa ang napiling ma ibahagi ang kwento. Let's move to Hopia's Story.