Copyright © 2024 by SyrinxSilenus (UzumakiSeiryl) and VintageLulu Collaborative work
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the
author, except where permitted by law.
Prologue:
Isa sa loob ng tatlong daang taon...
Isang tao ang nakatakda, mula sa isang makapangyarihang pamilya.
*****
"Cerliyah!"
Napabalikwas ako ng bangon at napatingin sa paligid.
'Walang nagbago...'
Nasa loob parin ako ng mansion. Iniunat ko ang aking mga braso bago tuluyang umalis sa kama at nagsimulang asikasuhin ang sarili.
Ilang taon na ba ang lumipas?
Wala pa ring pinagbago ang lahat. Same place, same daily routine.
Every night, I dreamed of the world outside those huge walls. Ngunit gaya ng mga nakalipas na panaginip, I would wake up to the same ceiling.
Nandirito pa rin ako sa loob ng mansion. Same room, same people.Gigising ako, aasikasuhin ang sarili. Then kakain, tapos magbabasa ng libro o di kaya maglalakad-lakad sa hardin.
Paulit-ulit na gawain. I shouldn't expect for anything to change all of a sudden, but then it did changed.
***
I opened my eyes only to be greeted with nothing but white. Ikinurap ko ng ilang beses ang aking mga mata bago naglingon-lingon. It felt like I'm standing inside a void. There's nothing here. I'm all alone.
Napaluhod ako sa kulay puting sahig. Pakiramdam ko nakalutang ako. Iniyakap ko ang aking mga braso sa aking sarili at ipinikit ng madiin ang aking mga mata.
'Where am I? Someone help me!'
I started to sob as I tightly gripped my arms, curling into a ball.
When I thought that I would forever stay inside the void, I heard his voice.
***
"Cerliyah!'
Then I woke up, ilang segundo akong naka tulala sa pamilyar na kisameng araw-araw kong nasisilayan sa tuwing iminumulat ko ang aking mga mata.
The voice of an unknown man still lingering in my ears.
Hindi ko kilala ang tinig na iyon. Ibig sabihin, hindi ko pa nakikita ang taong tumatawag sa akin sa aking panaginip.
'Pero panaginip lang naman iyon, why am I so bothered by it?'
I sat on my bed for a minute.
'The fact that the dream differs from my usual dreams, is...unsettling.'
Umiling ako upang iwaksi ang anumang isipin patungkol sa kakaibang panaginip na iyon at bumangon na sa aking higaan. Lumapit ako sa may dresser sa harap ng kama at kumuha ng suklay, saka inumpisahang suklayin ang aking kulot at maalon na buhok reaching past my waist.
Sa kalagitnaan ng pag susuklay ko ay may kumatok.
"Ma'am."
Napatingin ako sa may pintuan, at sa timbre pa lang ng boses nito ay kilala ko na kung sino ito.
YOU ARE READING
The Curse Of Arlette
FantasyKakaiba ako sa lahat. Mula ng magkamalay ako, ang mansion na ito na ang kinagisnan ko. "Ano kaya ang pakiramdam ng malaya?" Will I find my freedom? Will I be the second person from our family history to break the curse?