Magpapasukan na ulit. Yung iba sa mga kaklase ko 'di pa nakakapili kung saang school sila. Ako, syempre aim high ako noh. Kaya mage-enroll ako sa Prince Fareed International Academy.
Yup! Yung pinaka sikat na school sa area namin. Bali-balita na mga sikat at galing sa maimpluwensyang pamilya ang mga nag-aaral dun. Sila rin ang isa sa mga school na nago-offer ng high quality education.
Since wala naman ako ginagawa ngayon, nagdesisyon ako na mag-enroll.
Sumakay ako sa taxi dahil nakakatamad at sabi naman ni mama mas mabuti na raw yun kesa mapaano pa ako sa jeep.
"Manong, Sa PFIA lang ho", sabi ko pagpasok sa taxi.
Sa wakas makakapag-aral na rin ako sa isang high-class na school. Sa private din naman ako nag-aral nung high school, pero dahil maganda at matataas naman ang grades ko, why not attend school there, diba?
Matapos ang halos isang oras na biyahe(dahil na rin sa traffic) nakarating narin ako.
"Salamat po""Ingat ka iha", ani ng driver sabay alis.
Nakatayo lang ako sa labas ng main gate ng school. Ninanamnam ko ang feeling bago ako pumasok. Grabe ang lakiiiii ng campus nila. Napatunganga ako sa mga estudyanteng labas-masok sa campus. Yung iba sa kanila magaganda, yung iba SUPER ganda! Yung tipong nakikita mo lang sa mga magazine. First time ko lang makakita ng mga ganitong tao sa personal.
*peeeeeeep peeeeeeeep*
" Ay putakte!", napatalon ako sa lakas ng busina ng sasakyan sa likod ko.
Lumingon ako at nakita ko ang tatlong sasakyan na nakahinto sa harap ko.
Natagalan ata ako sa pagtayo ah. Nakatayo parin ako ngayon, 'di alam ang gagawin.
*peep peeeeeeep*
Bumusina yung gitnang sasakyan, sabay baba ng salamin ng sasakyan. Naaninag ko ang isang lalaking gwapo, medyo magulo ang buhok, maputi at...
"Miss! Magpapakamatay ka ba?!", sigaw niya sabay busina ulit.At bastos
Binaba rin nung may-ari yung salamin nung sasakyan niya sa harap.
" Shhh, stop it. Gumagawa ka lang ng scene", sabi naman nung lalakeng may sunglass sa ulo, medyo tan siya at good-looking rin, di katulad nung 'sira-ulong' lalake sa gitna."Uh, miss. Excuse me dadaan kami, pwedeng tumabi ka muna?", aniya.
Ako naman si anga nagkanda dapadapa na para tumabi.
Huminto sa harap ko yung unang sasakyan.
" Thank you! Wag mo nalang pansinin yung kaibigan ko hahaha", sabay ngiti niya.Shems kilig ako
"O-okay lang"
"Enjoy our school!", at tuluyan na silang pumasok.
"Bwisit yung hinayupak na yon", sabi ko sa sarili ko habang naglalakad sa loob ng campus.
May araw din yung mokong na yun sa akin.
Na-bad impression tuloy ako sa school. Sana 'di naman lahat ng student ganun. Hasyt

BINABASA MO ANG
Stuck
Teen FictionTumingin siya sa akin ng diretso. Seryoso ang mga mata niya " I'm inlove with you, Claire" "Che! Mukha mo, playboy!" Pakipot effect muna ako baka may hirit pa. "What do you want?" Suminghap siya at ginulo niya ang buhok niya. Medyo naiirita na rin. ...