Oo, Single Ako, Paki Mo?

10 1 0
                                    

Nasa canteen si April dahil isang oras pa ang susunod niyang klase. As usual, mag-isa na naman siyang nakaupo at pinag-titiisan ang mga nakakainis na tawa ng mga kaklase niya. Tapunan na siya ng tukso simula pa noong nakaraang taon dahil sa iniwan siya ng boyfriend niya.

"Kawawa naman, matagal na siyang single," dinig niyang sabi ng isa sa mga kaklase niya sa kanyang likuran.

"Buti nga sa kanya, masyado kasing nangarap," sabat naman ng isa.

Simula nang maging boyfriend ni April ang isa sa Varsity player at Team Captain ng School nila, naging magulo na ang bawat araw niya sa school. Marami ang nai-inggit, nagtataray sa kanya at mga kunwari nakikipag-kaibigan sa kanya pero sa huli ay itsi-tsismis siya. At nang iwan siya nito dahil natuklasan niyang ginagamit lang siya ay marami ang natuwa.

Tumayo si April sa kanyang kinauupuan at maghahanap sana ng ibang pagpu-puwestuhan sa canteen nang biglang nabangga niya ang isang lalaki sa kanyang likuran. Tumapon ang hawak niyang isang baso ng juice sa uniform ng lalaki at nabasa ito. Lalong lumakas ang tawanan at kantyawan sa kanya ng mga kaklase niya.

"Sorry hindi ko sina—" gustong humingi ng paumanhin ni April sa lalaki pero naputol ito nang makilala niyang si August pala ito.

Matagal ng kaibigan ni April si August. Simula pa noong Elementary hanggang nagyon, kahit nasa Highschool na sila ay palaging to the rescue itong si August sa tuwing may problema siya. Magkapitbahay silang dalawa at noon ay sabay pa silang pumapasok sa school pero dahil may mga iba't ibang hilig na sila ngayon, hindi na masyadong nangyayari iyon.

"Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni August habang hawak siya nito sa braso.

Hindi niya kaagad sinagot ang tanong ni August. Sa halip ay, tiningnan niya ito ng masama at sinungitan. "Bakit ka kasi nandyan!?"

"Pasensya na, gusto lang naman kitang damayan," paliwanag ni August.

"Damayan? Tingnan mo, lalo pa silang natuwa dahil sa ginawa mo!"

Nilingon ni August ang mga kababaihan na tumatawa at nakatingin sa kanila. "'Wag mo nalang silang pansinin," paalala ni August habang nakahawak parin ito sa braso niya.

Napansin iyon ni April. Binawi niya ang kanyang kamay at inilapag ang kanyang meryenda sa lamesa at iniwan si August.

Sinundan siya ni August. "April sandali!" Tawag nito sa kanya.

"Bakit?..." Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito. "Pagtatawanan mo rin ba ako 'tulad nila?"

Kumunot ang noo ni August. Hindi ito makapaniwala na ganoon ang maririnig nito mula sa kanya. "Bakit mo naman nasabi 'yan? Kaibigan kita April at hindi ko magagawa sa'yo 'yan."

"Oo, hindi ikaw. Pero 'yong mga babaeng lumalandi sa'yo, siguradong pag-iinitan naman nila ako. Gusto ko ng tahimik na buhay August."

Team leader ng isang dance group sa school nila si August. At dahil sa palaging may insayo, hindi na sila nagkakaroon pa ng oras sa isa't isa 'tulad ng dati. At ganoon din si April, naging busy na siya sa kakasunod at kakapanood ng mga insayo ng boyfriend niya.

"Ngayon pa ba natin sisirain ang pagiging magkaibigan natin nang dahil lang sa kanila, April?" Tanong ni August.

Napaisip si April. Tama si August. Hindi naman kailangan masira ang samahan nilang dalawa nang dahil lang sa mga naiinggit na tao sa paligid nila. Tumahimik si April at ilang saglit lang ay tumulo na ang kanyang mga luha. Niyakap siya ni August, at dahil doon, nabawasan ang bigat na kanyang nararamdaman. Nagpapasalamat siya at palaging nandyan si August. Sa tuwing may problema siya, sa tuwing nag-aaway sila noon ni Robert, nandoon sa tabi niya si August.

Oo, Single Ako, Paki Mo? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon