Kaibigan Lang

28 0 0
                                    

Ang magkaibigan na nagkaroon ng relasyon,maraming problema ang dumating ngunit sa huli ay naging matalik silang magkaibigan si Allen at Sam…Naging masaya naman sila nung una,mahal nila ang isa’t isa at walang lihim ang dalawa.Nagkaroon lang ng problema ng malaman ni Allen na may mga babae si Sam,at halos dinurog ang puso niya ng malaman ito…At nakipaghiwalay na nga si Allen kay Rex,ngunit ayaw naman ni Sam.At ng dahil doon napagtanto ni Allen na gumanti kay Sam,pumunta siya sa isang computer shop at nagbukas ng kanyang facebook,at doon naghanap ng pamalit kay Sam at ang lalaki na nahanap niya ay si Rex…

Si Rex ay isang mabait at pasensyoso,naging maganda ang pakikitungo niya kay Allen…At si Sam naman ay nagalit ng malaman niya ang tungkol kay Allen at Rex, ngunit hindi niya lang alam na mahal pa din siya ni Allen kahit na may kasintahan na ito…Si Sam ay lumayo at pumunta sa probinsya upang mahanap niya ang kanyang sarili at magabago sa abot ng kanyang makakaya.Marami din siyang naging kasintahan doon,at parang nag-iba rin ang kanyang pag-uugali…Habang nandoon siya sa probinsya si Allen naman ay nag-aaral ng mabuti,at nagkaroon ng kaibigan…Naging kaibigan niya ito na mababait rin naman si Jen,Rea,Mae at ang pinaka-close niya ay si Weng…Lagi silang magkasama,at halos magkapatid ang kanilang turingan,si Allen ang pinaka-ate nilang apat…Alam nila ang tungkol kay Sam dahil kinu-kwento ito ni Allen,ibinigay ni Allen ang numero ng cellphone ni Sam…At naging text mate na nga nila ito lalo,na si Weng...Nararamdaman na ni Allen ang pagkamabutihan ni Weng kay Sam,ngunit binalewala niya ito.

Dumating ang araw ng pagbabalik ni Sam sa Manila,at nag-iba ang kanyang mukha ngunit ang pag—uugali ay ganoon pa rin.Nagkita sila ni Weng,at pupunta sila kay Allen upang makapag-usap si Allen at Sam.Ngunit hindi pumayag si Allen, at nainis naman si Sam,uminom na naman siya kasama ng kanyang mga barkada. At sa pag-iisa niya laging nandiyan si Weng, sa tabi niya…At hindi na nga nagtagal at naging sila ni Sam at Weng…Lagi silang nagkikita at nagkakasama halos hindi mo nga sila mapaghiwalay dahil sa pag lalambingan nila… Tumagal ang kanilang relasyon bago malaman ni Allen ang tungkol sa kanila Weng at Sam...Nagulat si Allen sa kanyang nalaman,hindi niya akalain na ang taong naging kaibigan niya at itinuring na kapatid ang magiging bagong girlfriend ni Sam…Tinanggap na lang ito ni Allen, ngunit hindi niya maintindihan ng magkaita sila ni weng ay parang walang amor makipag-usap si Weng kay Allen…Naguguluhan ang isip ni Allen,lalo na ng dumating ang kanilang pasukan nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan…Galit si Weng kay Allen,ayaw niya itong makita at nagbibigay ito ng sulat na nakakasakit ng damdamin ni Allen…At sa sama ng loob ni Allen ay pumunta siya sa kaibigan nilang dalawa ni Sam at Allen ay si Ghed,isang kaibigan na laging nanjan…Ng sinabi ni Allen ang lahat ng ginawa ni Weng,ay pinapunta ni Ghed si Sam sa kanilang bahay at nag-usap sila..At hindi nagtagal ay mas pinili ni Sam si Weng kaysa sa pagkakaibigan nila ni Ghed.

At marami na nga ang nangyari kay Sam at Weng…Minahal rin ng lubos ni Sam si Weng katulad ng pagmamahal niya kay Allen…Lagi niya itong bukambibig kahit kasama niya ang kanyang ibang mga kaibigan…Ngunit alam ni ng magulang ni Weng ang tunkol sa kanila ni Sam…Nagrebelde si Weng sa kanyang magulang at pumunta sa bahay ni Sam,at doon na nga siya nagpalipas ng gabi…Ngunit nahanap ng magulang ni Weng kung nasaan siya kaya ipinagbawalan na siyang makipagkita kay Sam.At pinagbantaan ng magulang ni Weng si Sam.At dahil doon halos hindi na sila nagkikita, unang umayaw si Weng at mas pinili niya ang kanyang magulang…At nagsinungaling na rin si Weng kay Sam,at dahil doon galit si Sam kay Weng ng sobra-sobra!!!....Lagi siyang umiinom at sobra din siyang nasaktan sa ginawa ni Weng…

Lagi niyang kasama si Ghed at Ella na halos magkapatid na ang turingan nila,sabi nga nila “May kulang pa si Allen”…At ang sabi naman ni Sam ay “Oo,nga siya nga ang kulang”…At sinabi rin ni Sam sa kanila ay “Sayang bakit ko ba siya sinaktan,pinagpalit ko siya”…At dahil sa mga nangyari na iyon ay nagkabati na nga ang dalawa si Allen at si Sam.Parehas silang nagpakumbaba sa isa’t isa at nagpatawad rin ang dalawa…At naging masaya na sila ni Ghed at Ella sa kanilang dalawa ni Sam at Allen…Ang daming nangyari at naging mas matalik na silang magkakaibigan,at walang iwanan sa ere…At natutunan si Sam at Allen na “kalimutan ang nakaraan at maging masaya sa kasalukuyan”…Wala ng makapaninira ng kanilang samahang apat na magkakaibigan…At napag-isipan rin ni Allen na makipaghiwalay kay Rex,kahit papano minahal niya ito kaso bata pa siya at magtatapos pa si Allen ng kanyang pagaaral...At wala na ngang boyfriend si Allen,single na siya…At ayaw na niya muna makipagrelasyon kahit kanino…

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kaibigan LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon