THIRD PERSON'S POV
Pagsapit ng gabi ay umuwi na sina Aethan at Aky . Sa sobrang pagod ni Aky ay nahiga at nakatulog siya sa sofa.
Namomoblema siya kung paano bubuhatin si Aky papuntang kwarto nila. Ayaw niya kasing makitang hindi komportable sa kanyang hinihigaan si Aky .
Sinubukan niyang buhatin ito . Nagulat siya ng mahawakan niya si Aky .
Kahit gulat siya ay binuhat na niya si Aky papunta sa kwarto niya sa pag aakalang may expiration ito.
Nang maihiga na niya si Aky ay humiga na rin siya at niyakap si Aky hanggang sa dalawin na siya ng antok.
Kinabukasan,nagulat siya na wala na si Aky sa tabi niya.
Dali-dali siyang bumaba ng kusina at nagulat siya ng makita niyang nagluluto si Aky may kasamang sayaw pa.
Pumunta siya sa likod nito at yinakap.
"Sungit wag nakikiliti ako"natatawang sabi ni Aky
"Sige na , ganito lang ako . Promise magbebehave ako"parang batang sabi ni Aethan.
Pinagpatuloy ni Aky ang ginagawa niya ngunit di siya makapag concentrate dahil hinahalik-halikan ni Aethan ang leeg niya na nagbibigay ng ibang kiliti sa kanya .
"Sungit,bitaw na dahil kakain na tayo tapos pupunta tayong simbahan okay?"sabi niya
"Okay "sabi ni Aethan
Umupo na sila at kumain.
Pagkatapos ay naligo at nagbihis na si Aethan habang si Aky naman ay nagliligpit ng pinag kainan nila.
"Halika ka na Baby Aky" sambit ni Aethan
"Okay" sabi ni Aky at tumungo nasa kinaroroonan ni Aethan.Pagkatapos magsimba ay kumain sila sa labas at halos tawana ni Aky ang mga babaeng baliw na baliw kay Aethan . Ngunit may nararamdaman siyang parang masakit sa puso pero binalewala niya lang ito.
Pagkatapos nilang kumain ay umuwi na sila sa bahay upang mag movie marathon.
Nagluto pa ng pulutan si Aky habang si Aethan naman sa drinks.
A Silent Voice ang pinanood nila.
Tuwang-tuwa naman si Aky hanggang sa nakatulog na siya at nakapatong ang ulo niya sa balikat ni Aethan .
Ganoon na din ang naging posisyon ni Aethan ng makatulog ito .
Kinabukasan ay maagang pumunta ng paaralan si Aethan upang mag excuse dahil mawawala siyang ng ilang buwan.
Magbabakasyon kasi siya . Kung simpleng studyante ka ay hindi ka papayagan ng punong guro pero dahil sina Aethan ang may pinakamalaking stockholder sa paaralan ay pinayagan na siya. Dahil na rin sa impluwensya ng pamilya ni Aethan.
"Oh baby , magbabakasyon tayo . Saan mo gusto?" Masayang tanong ni Aethan
"Gusto ko sa South Korea!"masiglang sabi ni Aky
"Okay sa South Korea ang destinasyon natin"nakangiting sabi ni Aethan .
PAGKALIPAS NG ILANG ARAW~
Ngayon ang araw ng alis nina Aethan at Aky patungong South Korea.
Sobrang excited ni Aky na halos di na siya makatulog . Palagi naman siyang nilalambing ni Aethan . Minsan,magkukwento lang si Aethan tapos maya-maya ay tulog na si Aky.
"Yieee! South Korea here I come!"masayang sigaw ni Aky noong pasakay na sila ng eroplano.
Tumawa lang ng tumawa si Aethan pero para di mahalatang may kausap siyang multo ay nag earphone siya upang sabihing may kausao siya at mukhang naniniwala naman ang mga tao sa paligid.
Pagkalipas ng ilang minuto ay lumapag na ang eroplano nila sa Incheon Airport.
Dali-daling bumaba si Aky habang nakasunod sa kanya si Aethan na tumatawa pa rin.
Sinundo sila ng isang kotse na pagmamay ari nina Aethan at dinala sa mansion ng mga Park.
May lahing koreano kaasi si Aethan . Dati dito niya madalas makita ang babaeng pinakamamahal niya."Hello apo"masayang bati sa kanya ng Lolo niya
"Hello lolo"sabi niya at niyakap ang matanda
"Rest well at bukas itu tour ka ni Yoora dito"sabi ng lolo niya at lumabas na ng pintuanSi Yoora ay anak ng kapatid ng mama niya. Nakakatanda ito at may bunso pa itong kapatid na lalaki na isang kpop idol.
Nagtra trabaho na si Yoora bilang isang newscaster ng isang sikat na TV station dito.
Pumanhik na siya sa kwarto niya dito sa mansion at kasunod niya sa pagpasok si Aky na manghang mangha pa rin hanggang ngayon.
YOU ARE READING
HIS BRIDE
FanfictionBakit kailangan mo pa ng iba? Andito naman ako Hindi ako tulad nila na basta basta na lang mawawala sa tabi mo Pero, bakit di mo ako makita kita? Lahat naman ng meron sila eh meron ako . Ay oo nga pala😯hindi lahat Sila maganda , ako maputla T...