Para sa nanay ko.. Unang una bakit sinusulat ko to.. Hindi naman sa umaasa ako namababasa to ng nanay ko.. Pero kasi gusto ko maishare ko sainyo lahat ng nararanasan ko.. At ang kwento namin ng nanay ko.. Kasi kung meron mang gaya ko..na malayo yung loob sa nanay niya.. Gusto ko sana na matulungan ka.. Di man ako makatulong sa kung anong kulang sayo ng nanay mo pero gusto kong makatulong para gumaan yung pakiramdam mo..
Sabi nila.. Ang pagmamahal daw ng ina ang pinakahindi matutumbasan sa lahat.. Wala daw makakapantay dito.. Pero pano kung ang nanay mo ang mismong taong nagpapaniwala sayo na hindi totoo ang pinapakitang pagmamahal ng mga taong nakapaligid sayo? Na siya dapat ang taong susuporta sayo sa kung anong gusto mong gawin.. Pero yung suportang gusto mo na sakanya magmula ay hindi niya kayang ibigay at sa ibang tao mo pa makukuha
Yan ang ilan sa mga bagay na gusto kong ishare sa inyo..mga bagay na gabi gabi kong iniiyakan at gusto ko na sanang mabawasan..
To those na may dinadamdam sa mga nanay nila..pwede tayong magusap.. Di mo kailangang mahiya sakin..because like sone of you.. I feel it too... I am just like you
-kt
YOU ARE READING
para sa nanay ko
General Fictionpagmamahal ng isang ina para sa kanyang anak.. a love that gives you a reason to see a rainbow despite that thousand reason to die in a storm --- one shot stories dedicated to those children who feel alone..and to those.. i am always here to talk wi...