Jewel's POV
"My,sigurado ka bang ililipat mo kami ng school?"tanong ko sa aking nanay.
Paano ba naman kasi,ililipat niya daw kami ng school.
"Oo anak,saka mas maganda dun sa Pilipinas nak para maasikaso ko kayo ni Kuya don"sagot naman niya
"Pero my okay naman na kami dito"sabi naman ni kuya.
Pati din kasi si kuya ayaw niyang bumalik sa Pilipinas.
"Wala na tayong magagawa anak,kasi yun ang gusto ng dad niyo.Saka pwede parin naman kayong pumunta dito pag talaga hindi niyo gusto don"malambing na wika ni mommy
Nakakainis.
Wala talaga kaming laban pag naglambing tong si mommy eh.Pero sa totoo lang gusto ko na din namang bumalik don.
Miss ko na kasi yung bestfriend ko eh.
Nung last kasi na umuwi kami sa Pilipinas nagbakasyon naman sila sa Hawaii.
Sobrang miss ko na siya.
May mga kaibigan naman ako dito kaso iba si Gail eh.
Since grade 4 palang mag kaibigan na kami.
At ang maganda pa dun,yung parents namin ay magkakaibigan na since highschool sila kaya kapag may mga family outings ang bawat isa ay magkakasama talaga kami.
"K.fine payag nako.miss ko na din si Gail eh"
"Aray!JA!!"hahaha napahawak siya sa batok niya.
Paano binatukan ko.
"Lul ka kuya ano mo ba si Gail?"
Epal kasi eh makapagsabi ng namimiss niya eh hindi niya naman close si Gail.
Para nga silang aso't pusa pag nagsama eh.
Gustong gusto kasi ni Kuya na asarin si Gail.
Sa tingin ko may crush siya dun eh.
"Bestfriend ko"
"Ano ba JA!kanina ka pa batok ng batok!sapakin na kita eh!"natawa nalang din si mommy kay kuya
"Alam mo kuya ang feeling mo.Paano naman kayo naging bestfriends eh palagi nga kayong magkaaway"sabi ko kay kuya.
Hahaha eh sa inaasal niya parang may gusto siya kay Gail eh.
"Anak,alam mo kasi yang kuya mo may gusto kay Gail"sabi ni mommy kay kuya
"Eww yuck!!ako magkakagusto sa panget na yon?ang gwapo ko kaya!"hahaha feeler talaga.
Bigla siyang tumayo saka mabilis na naglakad palayo samin ni mommy.
Si mommy natawa nalang.
"Oh siya anak mauna na ako,wala ka bang pupuntahan ngayon?"seryosong tanong ni mommy saakin.
Wala naman kasi akong kasama kapag magshoshoping ako ngayon eh.
Wala yung mga kaibigan ko.
Saka puyat din ako kagabi eh.
"Wala po my,gusto ko lang matulog maghapon.Saka diba bukas napo yung alos natin?mag aayos nalang po ako ng gamit."sabi ko
Tumayo naman na si mommy kaya tumayo narin ako.
"Sige nak,mauna na ako..ingat ka ha"sabi niya saka lumapit sakin saka hinalikan ako sa noo
Grabe talaga si mommy eh.
Sobrang maalaga,mapagmahal.
Kaya nga siguro mahal na mahal ni daddy si mom eh.
Pagkaalis ni mommy nagligpit na ako ng pinagkainan namin.
"Ako na JA,magpahinga ka na"
Iniabot ko nalang kay yaya Tess yung mga hugasin.
"Sige po ya,salamat"ngumit lang siya.
Matagal na naming katulong si yaya Tess, bata palang kami ni kuya nung simula siyang nagtrabaho saamin.
Siya ang palagi naming kasama dito.
Iniwan niya nga rin ang pamilya niya sa Pilipinas eh para makapagtrabaho.
May tatlong anak siya.
Naglakad nalang ako paakyat sa kwarto ko.
Umupo ako sa kama.
Napatingin naman ako sa Picture frame na naka sabit sa kwarto ko.
Grabe miss ko na din siya.Yung dalawa pa naming best friends ni Gail,
Si Drake at si Mats.
Itutuloy....

YOU ARE READING
"Sana"
FanfictionYung mga "sana" mo.. ...Yung"sana" hindi nalang ako nakipag hiwalay sakanya ...Yung "sana" inintindi ko nalang siya ...Yung "sana" pinakinggan ko muna siya ...Edi "sana" ako pa din yung mahal niya